CHAPTER 16

476 19 3
                                    

Bianca's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula noong maghiwalay ulit kami ni Levi.

Nagkabalikan kami ni Levi dahil bumalik siya sa'kin. Hindi ko alam na medyo matagal na rin pala siyang nakauwi ulit dito sa Pilipinas.

At naghiwalay kami dahil sa babaeng 'yon.

Dahil kay Avirille.

Simula kasi no'ng araw na makita siya ni Levi lagi na lang niyang tinatanong sa'kin ang pangalan ni Avirille na nagiging dahilan ng pag-aaway namin hanggang sa sinabi niyang natitipuhan niya raw ito.

Nang sabihin niya 'yon sinampal ko siya at doon na kami naghiwalay. Wala akong nagawa noon kundi ang umiyak hindi dahil sa iniwan niya ulit ako kundi dahil sa katotohanang ng dahil sa kaniya nasayang ko ang taong nagmamahal sa'kin ng totoo at ayon ay si Kinoah.

That day, nakita akong umiiyak ni Kinoah but he just ignored me. Nasaktan ako sa ginawa niya at doon ko nalaman na may nararamdaman na pala ako kay Kinoah.

Naglakas loob pa nga akong humingi noon kay Kinoah ng second chance since nalaman ko rin na parehas pala silang tutol ni Avirille sa kasal nila. Na nagpapanggap lang sila ayon sa narinig ko sa usapan ni Justin at Avirille noon sa tabi nang Dance Studio and yes, narinig ko sila.

But Kinoah rejected me.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Alam kong mahal niya pa ako! At gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa'kin.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa School kitang kita ko si Kinoah at Avirille na sabay maglakad.

Sinalubong ko sila at tinawag si Kinoah.

“Kinoah, puwede ba tayong mag-usap?”

Tumingin muna ito kay Avirille na parang humihingi nang permiso. Tumango lang si Avirille at pagkatapos ay iniwan na kami.

Narito kami sa likod ng building ni Kinoah. I'm the one who asked na dito kami mag-usap.

“Anong kailangan mo?”

“Tanda mo ba? Dito mo ako tinanong kung puwede mo ba akong ligawan---” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

“Kung 'yan lang ang sasabihin mo, aalis na ako.”

“Kinoah!” Niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran kaya napahinto siya.

“A-alam kong mali 'yong ginawa ko at pinagsisisihan ko 'yon. Kinoah b-bumalik ka na sa'kin please.”

Tinanggal niya lang ang pagkakayakap ko sa kaniya.

“B-bakit ba ayaw mo, Kinoah?” Tumutulo na ang luha ko sa oras na ito at hindi ko mapigilan iyon.

“Si Avirille na ang gusto ko at siya lang ang gugustuhin ko.”

I smiled bitterly. “No, no, alam kong parehas kayong tutol sa pagpapakasal sa inyo at nagpapanggap lang kayo. You can't fool me, Kinoah. Mahal mo pa ako diba? At ginagawa mo lang 'to para makabawi ka sa ginawa ko sa'yo diba?”

Akma siyang aalis nang hawakan ko ang braso niya.

“Kinoah ano bang gusto mong gawin ko bumalik ka lang sa'kin?”

“I'm sorry, wala na akong balak bumalik sa'yo. Tulad ng sabi ko si Avirille na ang gusto ko.”

Napabitaw na lang ako sa braso niya. Bigla akong nanghina at nakaramdam ng galit.

Ano bang meron kay Avirille at lahat na lang taong gusto ko ay naaagaw niya?


Avirille's POV

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now