“Ah, ganon ba?” Nakaramdam ako ng pagkadismaya.

“Di bale, mamaya kapag tumigil sila tanungin natin kung pwede tayong manood.”

“Hmm.” Tumango ako. Sayang naman.

“Manood muna tayo ng movie sa kwarto ko. May mga binili akong DVDs sa Japan. Kumpleto ko na yung Rurouni Kenshin. Panoorin ulit natin yung last part. Ang gwapo talaga ni Takeru Sato, ang galing nya!”

Iniwan namin sa lamesa ang tarts at tinakpan saka kami umakyat ng hagdanan papunta sa kwarto nya. Natukso akong silipin ang kwarto ni Ashton na katapat lang ng kwarto ni Ashleen, pero nakasarado iyon. Na-realize ko lang na hindi ko pala masyadong kilala pa si Ashton. Pakiramdam ko na-miss ko ang kalahati ng buhay ko. Ano ba ang ginagawa ko noon na hindi ko nabigyan pansin si Ashton? Naging snob ba ako sa kanya?

Dumiretso si Ashleen sa CD rack nya samantalang ako naman ay umupo sa kama nyang pink na pink. Mas dumami rin ang stuff toys sa kama nya. Siguro nabili nya sa Japan at Hongkong ang mga ‘yon.

“Ashleen nagkita na ba kayo ni Alex?”

“Hmm. Oo, kaninang umaga nandito sya. Pero umalis din sya after lunch kasi may pupuntahan sila ng Mama nya.” Lumapit sya sa DVD player at mayamaya lang ay nag-play na ang movie.

Habang nanunuod kami ng movie ni Ashleen hindi ako mapakali. Palagi akong tumitingin sa pintuan, baka kasi pumasok si Ashton. Alam kaya nyang dumating ako? Pero nang makarating kami sa part kung saan puro action na, hindi ko na maalis ang mga mata ko sa malaking screen ng TV. Ang bilis ng kilos ng mga samurai, hindi ko masundan masyado. Nakakamangha talaga ang mga galaw nila. Siguro ang daming pasa nila bago na-perfect ang mga galaw nila.

Napaatras ako sa kamang inuupuan ko nang makita ko si Shishio. Nakakatakot talaga sya! Napatingin naman ako sa nadaganan ng kamay ko. Kinuha ko ang tablet na natatakluban ng puppy stuff toy ni Ashleen.

“Ashleen sa’yo ‘to?”

Saglit syang lumingon bago muling tinitigan ang TV. “Kay Ashton yan. Pinagawa ko kasi kina Alex. Binigay kanina.”

Nang marinig ko ang pangalan ni Ashton, lumundag ang puso ko. Hawak ko ang tablet nya! Nawala na sa movie ang atensyon ko. Hinawakan ko ang tablet na parang doon nakasalalay ang future ko. Ano kaya ang mga apps sa loob nito? Ano kaya ang games na nilalaro nya rito? May pictures kaya sya rito?

Sobra akong na-excite na buksan.

“Ano’ng sira nito?”

“Yung screen kasi nabasag.”

Pinakatitigan ko ang tablet na hawak ko. Matibay ‘tong brand ah, bakit kaya nabasag? Sinubukan kong i-open kaso may lock.

“Pwede ko ba ‘tong buksan?”

“Hmm? Sure,” sagot nyang hindi lumilingon sa akin.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon