Chapter 7

567 20 0
                                    

"PARAUSAN mo lang ba ako, Earl?"

"Of course not, sweetheart. Mahal kita. Mahal na mahal--"

"Sinungaling! Kunsabagay, isa nga lang pala akong parausang babae, hindi ba? Binayaran mo nga ako sa bahay-aliwan, 'di ba? Ang tanga ko naman kasi napaniwala mo ako. Sino ba namang lalaki ang iibig sa akin, e ang dumi-dumi ko." Tila sinaksak siya ng nga katagang binitiwan niya. Nakagat pa niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paglakas ng iyak.

"No, sweetheart. Mali ka ng iniisip mo. Kailanman ay hindi ko inisip ang dati mong trabaho. Para sa akin, malinis ka. Hindi mo kasalanan kung--"

"Sinungaling!" muling sigaw niya. Ayaw niyang paniwalaan ang sasabihin nito. Ayaw niyang pakinggan ang dinidikta ng kanyang puso, mas nanaig ang galit na isinisigaw ng isipan niya. Tumakbo siya patungo sa silid at doon ay nagkulong.

Walang patid sa pag-agos ang luha ni Kaye. Hindi niya alam kung ilang oras na siya umiiyak at hindi rin niya pansin ang kumakalam na sikmura.

"Sweetheary, please! Mag-usap tayo. Let me explain," sumamo ni Earl sa kabilang pinto.

Tinapunan niya ng tingin ang nakapinid na pinto. Nais niyang buksan iyon ngunit may parte ng kalooban niya ang tumatanggi.

"Sweetheart, please..."

Niyakap niya ang dalawang tuhod, doon siya umiyak. Iyon ang naging sandalan niya at naging daan para mailabas ang galit na nararamdaman.
Ilang sandali pa, ganoon pa rin ang posisyon niya nang marinig niya ang paglangitngit ng pinto. Unti-unti siyang nag-angat ng mukha. Nakita niya si Earl, hawak ang susi.

"Swetheart," inihakbang nito ang mga paa palapit sa kanya.

Pinahid niya ang luhang walang sa pag-agos sa pisngi niya. Unti-unti siyang tumayo kahit pa nga walang lakas ang tuhod niya.

"Let me explain, sweetheart." Niyakap siya ni Earl ma lalong nagpaluha sa kanya.

"Makikinig ako," halos paos niyang tugon.

Naisip niyang kailangan niya ng paliwanag, para sa katahimikan ng nagugulohan at nagagalit na isipan niya. Kailangan niya ng paliwanag para habang maaga ay makaiwas na siya. Pero makakaiwas pa kaya siya, gayong mahal na mahal na niya si Earl?

Naramdaman niya ang paglapat ng puwetan sa kama. Ini-uupo na pala siya ni Earl. Nagsimula itong magkuwento ngunit halos hindi pumapasok sa isipan niya. Ang tanging naroon ay ang mukha ng babaeng sinasabi na asawa ni Earl.

"God knows, sweetheart. Araw-araw, gabi-gabi kong iniisip at pinagtatangkaang sabihin sa iyo. Pero hindi ko kaya. Inaalala ko na baka ay kamuhian mo ako, magalit ka o lumayo ka sa akin at iyon ang hindi ko. Hindi ko kaya, sweetheart. I'd swear to God, mahal na mahal kita. Simula pa lang nang makita ko ang picture mo, tumibok na ang puso ko. Kahit may asawa ako, never kong naramdaman ang ganitong pakiramdam sa kanya."

Rumihistro iyon sa isipan ni Kaye. Unti-unti ay napatingin siya rito. Napatitig siya sa nagsusumamong mata nito.

"Pero, bakit mo siya pinakasalan?" Kusang lumabas iyon sa bibig niya.

Nagbaba ng paningin si Earl, "Arranged marriage ang kasal namin. Kagustuhan iyon ni Mama, before she died. Si Sandra, my wife and her family, ay sobrang close sa aking ina kaya ito ang ipinakasal niya sa amin--"

"Wala pala talaga akong laban sa kanya. Mayaman siya, maganda samantalang ako, isang dukha, isang basahan--"

"No, sweetheart! Huwag mong sabihin iyan. Hindi ka isang basahan. Remember, ako ang una sa iyo. At huwag na huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa kanya, dahil magkaiba kayo." Pinahid nito ang luhang muling pumatak sa pisngi niya.

"Oo nga, magkaiba nga kami--"

"Sweetheart," muling putol nito sa sasabihin pa niya. "Magkaiba man kayo ng katayuan sa buhay, ikaw ang mahal ko at hindi siya kahit pa siya ang asawa ko. Ikaw ang gusto kong makasama habangbuhay. Ikaw ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko." Niyakap siya nito.

Lalo siyang napahagulgol ng iyak sa balikat ni Earl. Panghahawakan niya ang salitang 'mahal kita' kahit pa nga talong-talo siya. Ngunit may laban nga ba siya? Si Sandra, malaki ang katibayan nito. May panghahawakan ito. May singsing at papel na maiipakita samantalang siya, isang salita lamang.

Lumayo ang mukha niya sa dibdib. Naantig ang damdamin niya nang mapagtantong maging si Earl ay lumuluha na rin.

"I love you, sweetheart. Please, huwag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin." Pumiyok ito sa pagsasalita.

Napaawang ang bibig niya. Hindi niya akalain na ang isang lalaki ay iiyak sa harapan niya. May matayog na pamumuhay, edukado, samantalang siya, wala. Dapat ba siyang maniwala? Pero paano kung isa lang iyong palabas? Pero paano kung totoo?

Mariin siyang pumikit. Nahihirapan na siya. Nasasaktan. Gusto niyang paniwalaan ito. Gusto niyang maniwala sa dinidikta ng kanyang puso pero paano? Muli siyang naluha. Lumakas pa ang kanyang pag-iyak nang yakapin siya nito.

"I'm sorry, sweetheart. Please, don't leave. Mamamatay ako kapag nawala ka sa buhay ko."

Kapwa na sila luhaan nang walang anu-ano'y kumalam ang sikmura niya. Bumitiw siya sa pagkakayakap at hinimas-himas ang tiyang humahapdi.

"Kumain na muna tayo," ngumiti ito habang pinapahid ang luha sa magkabila niyang pisngi.

Napatitig siya rito at sa isang iglap ay niyakap niya ito. "Sweetheart..." muli ay lumakas ang iyak niya. Isinantabi muna niya ang galit ng isipan. Pinakinggan niya ang kung anumang isinisigaw ng kanyang puso.

MARIING pumikit si Earl. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya kakayanin kung mawawala sa buhay niya si Kaye. Ito ang nagturo sa kanya kung paano magmahal muli. Ito ang muling nagpatibok ng puso niya simula nang mamatay ang unang babaeng inibig niya.

Hindi niya sinabi ang katotohanan sa takot na lumayo ito. Simula nang makita niya ang larawan nito, nag-iba na ang pakiramdam niya. Ginawa niya ang lahat. Binayaran niya ng malaking halaga ang may-ari na pinapasukan nito, na tanging siya lamang ang lalaking gagalaw dito. Isang gabi nga ay hindi na niya natiis ang sarili, naglasing muna siya bago ito sapilitang kinuha ang pagkababae. Akala niya'y matatapos na ang kanilang ugnayan. Laking pasalamat niya nang sumama ito sa kanya at ngayon nga ay naging kasintahan na.

Nakangiting pinunasan niyang muli ang luha sa magkabilang pisngi ng dalaga. "Let's eat. Kanina pa rin ako nagugutom."

Hindi na niya hiningi ang paliwanag ni Kaye. Sapat na ang yakap nito sa kanya.

Siya ang naghain ng kanilang hapunan. Pinagsilbihan niya ang dalaga kahit pa nga nagpupumilit ito. Ilang sandali pa ay masaya na nilang pinagsasaluhan ang pagkain na para bang walang nangyari. Ayaw niyang magsalita sa takot na mawala ang ngiting naka-ukit sa labi nito.

Matatapos na sila nang magsalita si Kaye, "S-sweetheart, may itatanong lang ako."

"Ano iyon?"

"Sabi mo, arranged marriage ang kasal ninyo, bakit ka pumayag?"

Napatitig muna siya rito, "Ahm, tulad nang sinabi ko, kagustuhan iyon ni Mama. Hindi ko na naisip kung bakit nga ba ako pumayag dahil nang panahong iyon, si Mama ang iniisip ko. Na-diagnose siya, cancer. Inisip ko na lang na huling kahilingam ni Mama iyon kaya pinagbigyan ko." Lumungkot ang tinig niya.

"I'm sorry, hindi ko alam."

"Okay lang, sweetheart." Pino siyang ngumiti. Hinawakan at pinisil ang palad ng dalaga. "Ahm, w-wala bang sinabi sa iyo si Sandra?"

Umiling ito, "Wala naman, bakit?"

"Last month kasi nagkausap kam. Sabi niya, ipapa-annul na niya ang aming kasal."

Nagliwanag ang mukha ni Kaye at nakita niya iyon. Pero hindi ito nagsalita.

"After that, tinatawagan ko siya pero naka-blocked na ako sa kanya." Muli niyang hinawakan ang palad ng dalaga, "I'll promise, sweetheart, magiging maayos din ang lahat. Basta't bigyan mo lang ako ng panahon." Hinagkan niya ang hawak na palad. Tumayo at mahigpit na niyakap ang dalaga.

KUNG KASALANAN MAN ANG MAGMAHAL(Part 2 Kapit sa Patalim) (Complete) Where stories live. Discover now