Chapter 10

514 12 0
                                    

MAY ngiti sa labi habang isinusuot ni Kaye ang damit na binili ni Earl para sa kanya. Nagyaya ang huli na lumabas sila, buong maghapon daw ay uubusin nila ang oras sa pamamasyal. Tinanong pa niya kung ano ba ang isusuot dito. Isang black sleeveless na inibabawan ng blazer at fitted jeans. Tinernuhan niya iyon ng black rubber shoes. Isinuot din niya ang necklace na regalo sa kanya.

Napalingon siya nang biglang pumasok si Earl. Napangiti ito sa nakitang ayos niya. "Ganda mo talaga. Kaya lalo akong naiinlove sa iyo e."

"Tss. Huwag mo na akong bolahin," nakangiting tungon niya.

"Ayaw mong maniwala?" Niyakap ang dalaga.

Hahagkan sana siya nito ngunit maagap ang ginawa niyang pag-iwas. Nakita niya ang paglungkot ng mukha ni Earl sa ginawa niyang iyon. Hindi ito nagtanong bagkus ay nagyuko ng ulo.

Napangiti siya at agad na lumapit. Ikinawit ang dalawang braso sa leeg nito. "Para kang bata."

Wala pa ring tugon. Doon ay hindi niya napigil ang paghagalpak ng tawa.

"Tinatawanan mo na ako niyan. Nagtatampo na nga 'yong tao, tatawanan mo pa!" nakasimangot nitong sabi.

Halik ang itinugon niya rito. Akala niya'y aaliwalas na ang mukha nito, hindi pa rin pala. At nang sa ikalawang beses na ilapat niya ang labi rito ay siniil na siya nito ng halik. Maalab. Mainit. Nag-umpisang lumikot din ang kamay nito.

Siya ang bumitiw, "Sweetheart, itutuloy pa ba natin ang ating lakad?" ngingiti-ngiting tanong niya rito.

Napakamot ito sa ulo, "Hindi na ba puwede?"

Pigil niya ang pagtawa, "Halika na. Mamaya na lang natin iyon ituloy. Pareho na tayong nakabihis." Hinila na niya ang kamay nito palabas.

Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Ilang saglit pa ay lulan na sila ng sasakyan at binabaybay ang daan patungo sa isang lugar na paboritong pasyalan ni Earl.

Napanganga si Kaye matapos silang humantong sa sinasabi nito sa kanya. "Ito na 'yon?"

"Yes. Bakit?" Nagpatiuna ito sa paglalakad.

"Ito ang paborito mong pasyalan? Pambihira!" angil ni Kaye. Buong akala niya ay sa magandang lugar siya nito dadalahin.

Humantong sila sa puntod ng yumaong ama't ina ni Earl. "Ma, Pa, I just want you meet my beautiful, the prettiest and the most lovable girl na nakilala ko. My life and soon to be my wife." Ngumiti ito ng ubod-tamis sa kanya habang hawak ang kanang palad niya.

Natulala si Kaye sa narinig. Hindi siya makapagsalita.

"Ma, I'm sorry. Sorry dahil sinuway ko ang utos mo. 'Yong utos mo na magsasama kami ni Sandra hanggang sa huli. I'd tried, Ma, pero hindi ko talaga maapuhap sa kaibuturan ng aking puso ang salitang pagmamahal. Wala akong nararamdaman para sa kanya, Ma. You know naman ang pinagdaan ko, 'di ba? Ilang taon akong nakulong sa madilim na kahapon hanggang sa nakilala ko si Kaye. Siya ang naging dahilan ng muling pagtibok nito, Ma." Itinuro nito ang tapat ng dibdib.

Nais nang maluha ni Kaye sa labis na kaligayahan. Pinigil niya ang emosyon. Ayaw niyang sirain ang pagkakataong iyon.

"Ma, please help me. Tulongan mo ako na mapa-annul ang kasal namin ni Sandra. Si Kaye ang gusto kong makasama habangbuhay. Ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko. She's my everything, Ma."

Doon ay hindi na napigil ni Kaye ang damdamin. Napaluha na siya at mabilis na niyakap ito. Matagal silang magkayakap, matagal din siyang umiiyak sa dibdib nito at nang humiwalay ang naaninag niya sa mata ni Earl ang luha.

"I love you so much, sweetheart," puno ng pagmamahal na sambit nito.

Hinagkan siya nito sa noo. Wala siyang masabi. Tanging pagluha ang kanyang nagawa hanggang sa unti-unting mapaghikbi siya. Lumakas ang pag-iyak niya.

"Don't cry, sweetheart," pinahid nito ang luha sa magkabilang pisngi niya.

"I-ikaw din naman ah!" sumisigok na tugon niya.

Kahit kapwa lumuluha ay napangiti ang dalawa. Ngiti at luha ng dalawang pusong nagmamahalan.

Nagkuwento si Earl tungkol sa nakaraan nito. Ang una nitong girlfriend na namatay sa isang ambush, ang pagiging alcoholic nito dati dahil sa trahedyang nangyari at kung anu-ano pa. Kulang isang oras ang inilagi nila roon bago napagpasyahang umalis. Sumunod na pinuntahan ang mall. Nanuod ng sine, nagtungo sa palaruan, dinaig pa nila ang mga bata, bumili rin sila ng mga damit na kahit ayaw niya at nang mapagod ay nagtungo sa isang kainan.

Habang naghihintay ng kakainin ay nagpaalam sandali si Earl, ayon dito ay may bibilihin lang ito. Hatid-tanaw ni Kaye ito, nakangiti pa siya at kumaway nang lingunin siya nito habang papalabas sa kainan.

Hindi pa nakakalayo si Earl ay may lumapit sa kinauupoan ni Kaye. Umupo rin ito sa bakanteng upoan. Nagulat at natulala siya.

"So, nagdi-date pala kayo ng asawa ko!" malakas na sambit ni Sandra kaya naman ang ilang costumer na malapit sa kanila ay napalingon sa gawi nila.

Hindi agad nakahuma si Kaye. At sinamantala iyon ng kaharap.

"Now, I know kung bakit gusto nang ipa-annul ni Earl ang aming kasal and it's because of you!" mariin nitong sabi.

Nakadama ng hiya si Kaye nang marinig ang bulongan ng mga katabing mesa. Kahit ganoon ang nararamdaman ay nagawa pa ring kumilos ng mata niya.

"Wala ka bang ibang mahanap na magpapasaya sa iyo at ang asawa ko pa ang kinakalantiri mo? Masarap ba ang asawa ko?"

Naikuyom niya ang kamao. Nais na niyang sagutin si Sandra ngunit paano. Talo siya dahil ito ang asawa. Ito ang legal at siya...wala siyang katibayan maliban sa mga salitang binitiwan ni Earl.

"O baka nama'y marami kang nahuhuthot sa bulsa niya." Makahulogang tiningnan nito ang mga paper bag. Mabilis iyong dinampot at inisa-isang tingnan. "Wow! Mamahalin ah! Well, shame on you! Isa kang gold digger!" muling hirit ni Sandra.

Nais nang matunaw ni Kaye sa kinauupoan. Titig na titig sa kanya si Sandra, animo'y isang lion na susunggaban siya. Nanginginig din ang buo niyang kalamnan, idagdag pa ang hiyang nadarama dahil sa mga tinging ipinupukol ng iba pang naroon sa kanya.

"Pera ang habol mo, di ba?" May dinukot ito sa bag. Isang tseke. Ibinato nito iyon sa pagmumukha ni Kaye. "Lubayan mo na ang asawa ko!"

Tumambad sa mukha niya ang tseke, nakasulat doon ang two hundred thousand. Doon ay hindi na niya napigil ang sarili. Kahit nanginginig pa ang tuhod ay mabilis siyang napatayo, dinampot ang tseke na buong akala ni Sandra ay kukuhain niya.

"Walang halaga ang maiipantay sa pagmamahalan namin ni Earl. Hindi ko kailangan iyan," ibinato rin niya ang tseke sa mukha nito.

"My God! Kung sino pa ang kabit, siya pa ang matapang. Mahiya ka naman, gurl!" anas ng babaeng nasa kabilang mesa lamang.

Napangiti si Sandra dahil maging ito ay narinig din ang mga pinagsasabi ng mga tao sa paligid. Hindi na nakayanan pa ni Kaye ang pangyayari. Hindi na niya nahintay ang pagbabalik ni Earl. Mabilis na niyang nilisan ang kinaroroonan.

KUNG KASALANAN MAN ANG MAGMAHAL(Part 2 Kapit sa Patalim) (Complete) Where stories live. Discover now