Chapter 15

504 14 0
                                    

NGITNGIT na ngitngit sa galit si Rose. Ang plano sanang pahiyain si Kaye ay nabaligtad. Siya ang napahiya at ang masaklap, naroon pa ang lalaking minamahal niya--si Juancho. Magkaibigang matalik sila nito. Mula elementary hanggang sa high school ay sila ang palaging magkasama. Masaya itong kasama at siya lamang ang tanging babae sa buhay nito. Nag-iba nga lang nang makilala nito si Kaye. Ang huli na ang palaging bukang-bibig nito. Unti-unting nagkaroon ng pader sa pagitan nila lalo nang makatapos sila sa pag-aaral sa sekondarya.

Hindi na ito madalas pumunta sa bahay nila at nabalitaan pa niya mula sa isa ring classmate nila na nililigawan nito si Kaye. Namuo ang galit sa dibdib niya dahil doon. At nang magkasama sila sa isang trabaho ay lalo siyang nakadama ng galit nang ito pa ang kampihan ng lahat. Sa tingin niya'y palagi na lamang ito ang pinapaburan ng lahat na dati nama'y siya. Pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya.

Nadagdagan pa ang galit sa dibdib niya nang mapagtantong si Kaye ang dahilan kung bakit na-raid ng mga pulis ang pinapasukan nila. Okay na sana dahil makakapagbagong buhay na siya ngunit nalaman niya na maganda ang buhay nito, samantalang siya'y nagpapakahirap kumayod para may maipadala sa magulang.

"May araw ka rin, Kaye!" Pinukol niya ng matalim na tingin ang pumapasok ng bahay na si Kaye.

"She's still my husband mistress!" nagngangalit na tinig naman ni Sandra. "Let's go, Rose. Bumalik na tayo sa Manila. Hahanapin pa natin ang asawa ko." Nagpatiuna itong lumakad, walang paki-alam kung nakasunod ba ang mga mata ng taong nakapaligid.

Bago tuloyang tumalikod si Rose ay sinulyapan muna niya si Juancho. Agad din niyang binawi ang tingin nang magtama ang kanilang mga mata. Nakadama siya ng hiya sa titig nito. Agad na siyang sumunod kay Sandra at binalewala ang mga bulong-bulongan ng mga nakapalid.

NANGHIHINANG napa-upo si Kaye sa bangko. Lumabas na ang kinakatakutan niya.

"Anak, totoo ba ang narinig ko?"

Hindi siya nakatugon. Nilingon lang niya ang ina. Nagkataon na wala roon ang ama niya nang oras na iyon. Napilitan na rin siyang sabihin kung ano ang totoo sa ina. Wala siyang pinalampas, maging ang galit ni Rose sa kanya at ang tulong na ini-abot ni Earl sa kanya.

"Siya rin ho ang nagpadala sa pangpa-ospital ni Itay. Maniwala kayo sa akin, 'nay, siya lamang ang gumalaw sa akin doon at wala nang iba. Sana po'y mapatawad mo ako," humihikbing turan niya.

Lumapit sa kanya si Caridad. Mahigpit siya nitong niyakap. "Wala kang dapat ikahingi ng tawad, anak. Wala kang kasalanan. Kami nga ang dapat pang humingi sa iyo ng tawad, hindi ka namin nabigyan ng magandang kinabukasan. Sa halip na kami ay magtrabaho para sa kinabukasan mo, ikaw pa ang nagsakripisyo. Patawad, anak. Patawarin mo kami ng iyong Itay, naluhang hayag nito.

Pinagsaluhan nila ang impit na pag-iyak. Lingid sa kanila ay narinig ni Arturo ang kanilang usapan. Awang-awa ito sa anak at galit para sa taong naglagay sa kanya sa kapahamakan. Kuyom ang kamao na nagtungo ito sa likod bahay at tulad nang nakagawian, nagsibak ito ng kahoy. Iyon ang madalas gawin nito sa tuwing may bumabagabag sa isipan nito.

Ilang sandali pa ay parehong payapa na ang kalooban ng mag-ina. Balik sila sa dati. Si Kaye ay nag-ayos ng sarili para bumalik muli sa hospital. Isang maliit na bag ang kanyang bitbit na may lamang ilang pirasong damit, mga gamit na kakailanganin kung sakali. Sa kanyang paglabas sa silid ay siya namang pagpasok ni Arturo. Nabagabag ang kalooban niya at nag-isip nang maidadahilan sa ama.

"I-itay--"

"Saan ka pupunta?"

"Sa h-hospital po," agad siyang nagyuko ng ulo. "B-babantayan ko ho sana si E-earl."

Hindi tumugon si Arturo, sa halip ay nagtungo ito sa kusina. Laglag ang balikat ni Kaye. Ibinaba niya ang dala sa maliit na mesa at saka ay naupo. Maya-maya pa ay bumalik ang ama niya.

KUNG KASALANAN MAN ANG MAGMAHAL(Part 2 Kapit sa Patalim) (Complete) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu