Chapter 6

677 17 0
                                    

MAG-ISA sa condo si Kaye, maagang pumasok si Earl at kapag mag-isa siya'y inaabala niya ang sarili sa paglilinis at kung anong gawain ang inaatupag niya. Kahit nalinisan na niya ang bawat sulok ng unit ay inuulit niya para lamang hindi mapansin at mapadali ang takbo ng oras. May sabik sa kanyang puso ang muling pagbalik ni Earl.

"Hmm, ano kaya ang masarap para sa hapunan?" tanong niya habang pinagmamasdan ang loob ng freezer.

Nang maisip na kung ano ang lulutoin ay agad niyang inilabas ang karne, inihanda ang mga sangkap kahit alas-tres pa lang ng hapon. Habang naggagayat ng mga sangkap ay nag-ring ang cellphone niya. Sumilay sa kanyang labi ang matamis na ngiti nang makita ang pangalan na nasa screen ng cellphone.

"Hi, sweetheart," bati ng nasa kabilang linya.

"Hi, napatawag ka." Pigil niya ang sarili sa anumang emosyon.

"Bakit? Ayaw mo ba na tawagan kita?"

"Mang-iistorbo ka lang. May ginagawa pa ako, bakit ba?"

"Miss na kita. Gusto ko na ngang mag-out kaso ang dami ko pang babasahing papers."

Nakagat-niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang napipintong pagtili. Pinakalma muna niya ang sarili bago muling nagsalita. "Mamaya ka nga tumawag, hindi ako matatapos sa ginagawa ko."

"Ano bang ginagawa mo? Mas mahalaga pa ba ako kaysa sa kung anuman ang iyong ginagawa? Nagtatampo na ako ha."

Hindi niya napigil ang ngumiti, "Naggagayat ako ng gulay, magluluto na ako ng ating hapunan."

"Alas-tres pa lang ah! Ang aga mo namang magluto. Mamaya na 'yan, mag-usap muna tayo."

"Hay naku naman, ganoon din iyon 'no! Mabuti na yung maaga para matapos na ako agad. Sige na, magluluto pa ako."

"Mamaya na nga iyan, mag-usap muna tayo. At tsaka ay baka ma-late ako ng uwi. Marami pa akong tatapusin dito sa opisina."

"Ano? Hindi ka dito kakain, ganoon ba?"

"I don't know pero--"

"Eh bakit pa pala ako magluluto kung wala rin namang kakain?" Sumimangot siya kahit walang kaharap.

"Relax, sweetheart. Promise kakain ako pag-uwi ko."

Pigil ni Kaye ang sarili, "Hindi na lang ako magluluto. Matutulog na lang ako." Kunwari siyang nagtampo.

"Ngayon na? As in now na?"

"Oo, bakit?"

"Teka, hintayin mo ako. Ora-mismo ay babalik ako diyan."

"Bakit?" kunot-noong tanong niya habang binabalatan ang sibuyas.

"Tatabi ako sa iyo. Wait for me, sweetheart--"

Bahagyang nailayo niya ang cellphone sa tainga dahil sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya. Nakarinig din siya ng malakas na ingay.

"Sweetheart, anong nangyari? Okay ka lang ba? Hello," sunod-sunod niyang banggit.

"Sir, okay lang po ba kayo?" Narinig na tinig ni Kaye sa kabilang linya.

"Yes, I'm fine. You may go now." Muli siyang kinausap ni Earl, "Hello, sweetheart."

"Anong nangyari sa iyo?" puno ng pag-aalang tanong niya sa kabilang linya.

"Ahm, n-nothing. Medyo, malikot lang itong upoan ko, inilaglag ako."

"Nahulog ka?"

"Uhm, yes. Nahulog ako tapos sinalo ako ng puso mo."

Napangiwi si Kaye sa corny na joke ni Earl pero hindi rin niya mapigil ang sarili na mapahagikgik ng tawa. "Ang corny mo," aniya pa.

KUNG KASALANAN MAN ANG MAGMAHAL(Part 2 Kapit sa Patalim) (Complete) Where stories live. Discover now