~Elika Argentum~

15.3K 426 7
                                    

Unknown's POV

"Siya na ba?", tanong ko kay Sekai, ang aking personal maid.

"Opo, master"

"Kailan mo pa nalaman na siya na nga?"

"Matagal na po, master. Simula pa po noon"

"Bakit hindi mo sakin agad sinabi?"

"Dahil po, kumalap pa ako ng maraming impormasyon. Ng katauhan niya, at ng kalagayan niya"

"Mabuti. May nakakita ba saiyo?",

"Wala po"

"Bukas, gawin mo na ang ipinag-uutos ko saiyo"

"Opo, master"

Umalis na si Sekai.

Kumuha ako ng purple vine tea at uminom.

Matagal ng panahon ko ito pinaghandaan.

Matagal ko na rin ito tiniis.

At ngayon, matutupad na ang hiling ko.

Makukuha na rin namin ang hustisya.

At,

Makakapaghiganti na rin ako.

Konting tiis na lang,

At mapapasaakin ka na,

Amethyst Charandelle...

Amethyst's POV

"You understand me, right?"

"Amethyst! Hwag kang makinig sa kanya! Please! Hwag!", sigaw sakin ni Mindy.

Mabilis ang mga pangyayari.

Gumawa si Tiffany ng malaking water energy ball at pinakawalan ito kay Mindy. Natamaan si Mindy at natumba.

"Hwag ka kasing makialam!", ang sigawi ni Tiffany.

Nagalit si Kimrae.

Gumawa siya ng Sorcery ball at pinakawalan ito kay Tiffany.

Natamaan si Tiffany sa binti.

Natumba siya. Pero tumayo siya kaagad.

"Sabing hwag kayong makialam!", gumawa rin si Tiffany ng energy ball at pinakawalan kay Kimrae.

Pero mabilis ang reaction time ni Kimrae.

Nakagawa siya ng malaking sorcery barrier.

Nagbounce ang water ball ni Tiffany at bumalik sa kanya.

Natumba si Tiffany. Gumawa siya ng water chain at pinakawalan kay Kimrae.

Nahuli si Kimrae sa water chain. Napuluputan siya nito sa paa.

Agad namang binawi ni Tiffany ang water chain, at lumagpak si Kimrae sa sahig.

"Tiffany!", sigaw ni Margalo.

Gumawa si Margalo ng diamond blaze at linabanan si Tiffany. Gumawa rin si Tiffany ng water sword.

Naglaban ang dalawa.

Natamaan ni Margalo si Tiffany sa tiyan.

Ngunit hindi nagpatalo si Tiffany.

Tinamaan niya rin si Margalo sa tuhod.

Natumba si Margalo at namulupot sa sahig.

Gumawa si Tiffany ng malaking water ball at pinakawalan kay Margalo.

"Aarrgghhh!!", sigaw ni Margalo.

Hindi na makahinga si Mindy. Walang malay si Kimrae. At hindi na makagalaw si Margalo.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon