Strike One

9.7K 298 10
                                    


Amethyst's POV

(Fast forward)

Grabe. Talagang chorvang nakakatakot yung Dawn of darkness! Aiisshh!

Malaman ko bang isang spirit pala yung kumakatok sa pinto!

Nasa cafeteria nga ako ngayon. Pinagtitinginan ako ng mga tao or let's say mga halimaw. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Tss. Tutal siguro oo nga, kasi tingnan niyo naman mga itsura nila. Nakakasuka.

May lumapiyt saakin na isang babae na kulay red ang side ng mukha at iniabot niya saakin ang isang envelope na kulay violet.

Binasa ko yun.

Amethyst,
Come here in my office. NOW!

~Elika Argentum~

Tss. Problema kaya nitong babaeng to?

Kainis!

Pumunta naman ako sa office niya. Pano ko nalaman? Kasi violet yung pinto at violet rin yung walls. Bwahaha.

Pumasok ako at nakita ko siya na nakaupo sa upuan. (Alangan naman sa table di ba?)

"Alam niyo na ang gagawin niyo"-Elika

Hala! What's happening?!

Pinalibutan ako ng mga maliliit na babae na kamukha ni Dora.

Tinalian nila ang aling flawless na kamay ng isang violet string. And worse, kinalakadkad nila ako papasok sa isang room na kulay pink! Waah!

Pinaupo nila ako sa pink na sofa.

"Sorry Miss Amethyst but you must sleep for now"-Ang sabi sakin ng isang babaeng maliiit na nakagreen.

Inisprayhan nila ako ng violet na spray. And by and by, evrything became black.

***

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Bakit parang ang bigat?

Oh. May nakita akong babaeng naka violet na ballgown. Bagay na bagay sa kanya yung make up niya! Tsaka yung lips niya, kahit violet, parang bagay na bagay sa kanya! Hihi ang ganda niyaaa! Supeeer! Para siyang dyosaa!

Gumalaw ako ng kaunti.

T-teka, bakit gumalaw din yung babaeng kaharap ko?

Hinawakan ko yung buhok ko. Hinawakan niya rin yung buhok niya.

I-ibig sabihin...

"HIHIHI! Ang galing natin! Ang ganda na ni Miss Amethyst!"- nagsidatingan ang mga maliliit na babae.

"A-ako yan?"-Ang sabi ko sabay turo sa babaeng kaharap ko. Tinuro rin ako nung babae. ASDFGHJKL!

"Opo! At dahil samin, nagmukha kang isang dyosa!"-Maliit na babae

Pfft. Nakakainsulto ah. Maganda naman talaga ako ah?! Kaya lang mas lalo akong gumanda dahil sa kanila.

"T-thank you. Hindi ako makapaniwala na ako yan"-Ako

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon