First Day in School

44.2K 1.4K 82
                                    

"Okay lang ako"

Nakita kong may tumulong kuha dun sa mata ni Icelle. Kahit na nasaktan nya ako kanina, nakakaawa pa rin siya.


"Chance, bakit ka ba ganyan? Lagi mo na lang ako sinasaktan. Lagi mo na lang ako pinapahirapan. Ginagawa ko naman ang lahat para magustuhan mo ako di ba?! Ginawa ko na ang lahat! Pero bakit parang wala ka man lang pinakita na nagustuhan mo ako? Ganito ba talaga ang fate ko? Mahirap ba ako mahalin? Mahirap ba ako intindihin? I love you Chance pero bakit di mo akp kayang mahalin?"


Humikbi-hikbi si Icelle. Tiningnan ko naman ang expressions ni Chance. Blank lang. Di ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"... And you! Anong pinakain mo kay Chance at nagustuhan ka niya? Tell me!"

"Wala kaming relasyo-", biglang naputol ang sasabihin ko nung pinulupot ni Chance ang kamay niya sa bewang ko.


"Stop it Icelle. Stop hurting my girl", Hinila ako ni Chance papalabas nung greenhouse.

At ano daw?! MY GIRL?! HIS GIRL?! AKO?!

Dinala ako ni Chance sa isang fountain.


"Uhm Amethyst, sorry sa inasal ni Icelle. She is a psycho and hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya", umupo siya sa tabi ko.


"Ang dami yata ng nagkakagusto sayo dito noh? Ang gwapo mo tapos mukha ka pang makapangyarihan", ang sabi ko habang nakatigin sa kawalan.

"Hindi sa pagmamayabang, pero parang oo eh. Wala naman akong magagawa", naramdaman ko ang pag-shrug niya.


Hinarap ko siya and I was surprised nang nakita kong nakatingin siya sakin. Tinitigan niya lang ako na parang sinasaulo ang bawat detalye ng mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang napatingin siya sa labi ko. Don't tell me hahalikan niya ulit ako?

He cupped my face using his hands. Linalapit niya ang mukha niya sakin. I closed my eyes.

"AMETHYST?! OH MY GOSH!", napamulat ako ng mata at napatingin kami ni Chance sa sumigaw. Sina Mindy and Kimrae! Sana di nila nakita yung muntik-na-magkissing-scene!


Lumapit sila saamin.


Nanlaki ang mata nila nang napatingin sila kay Chance.


"Bakit mo s-siya kasama?!", nanlalaking tanong ni Mindy habang nakaturo kay Chance.


"Bawal?", painsonteng tanong ko.


Hinila ako nina Mindy at Kimrar palayo kay Chance. Nakita kong nagwave sakin si Chance kaya ngumiti na lang ako sa kanya.


"Bakit mo kasama si Chance?", tanong naman sakin ni Kimrae.

"Uhm. K-kasi?", di ako sigurado sa sagot ko. Baka masabi ko yung kissing scene sa Enchanteria!

"Oh my gosh Amethyst. You are so lucky! Never nakikipag-usap si Chance sa ibang tao except sa kakambal niya, teachers and *roll eyes* dun sa malanding babaeng bestfriend nya na ang pangalan Icelle", umirap pa si Mindy nang sinabi yun.

Bestfriend niya pala si Icelle. Hmm.

"But kanina nagalit siya sakin kasi kasama ko si Chance. And parang may gusto siya sa kanya", ang sabi ko sa kanila habang inaalala yung nangyari kanina.

"We know Amethyst. She always insisted that she is Chance's girlfriend even though she's not. At hindi naman tinuturing ni Chance na bestfriend si Icelle", ang mahabang paliwanag ni Kimrae.

"But you know Amethyst, you are really lucky. Usually kasi, si Chance ini-snob niya ang mga girls. Lagi niyang inaasar and sometimes, inaaway niya pa. But the weird thing is, marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya!", biglang nag-roll eyes si Mindy.


Naalala ko tuloy kanina! Yung sinabihan niya akong bingi at maitim! Ganun pala siya! Pero talaga bang nanghahalik siya basta-basta?


"Nanghahalik ba si Chance ng biglaan?", bago ko mapigilan ang sinabi ko. Huhu!


"Si Chance? Sa tingin ko, di naman siya nanghahalik. Alam ko, hindi pa nagkakaroon ng first kiss si Chance! At maswerte ang babaeng unang makakahalik sa kissable lips niya!", nakapikit pa si Mindy habang sinasabi iyan.


Wala pang first kiss si Chance? SO AKO ANG FIRST KISS NIYA?! Waaaaah! Ang swerte ko naman pala!


Nakita kong biglang nanlaki ang mata ni Mindy at bahagyang bumuka ang bibig. Oh noes! Nabasa niya ang iniisip ko! Huli na ang kagagahan ko!

"Hinalikan ka ni Chance kanina?", hindi makapaniwala si Mindy. Pati na rin si Kimrae. Waaah!


"Tutal, nabasa mo na ang isip ko, oo. Hinalikan niya nga ako kanina", i sighed.


Hindi na nagsalita sina Mindy and Kimrae. Oh no! Nadisappoint ko ba sila?!

Magsasalita na sana ako pero bigla silang sumigaw habang pumapalakpak at nagtatalon.


"OH MY AMETHYST! ANG GALING MO! WAAAH!"

"ANONG LASA NG LIPS NIYA?!"

Tinakpan ko ang bibig nung dalawa.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon