"Uy," napatingin ako rito dahil ako ang nauunang maglakad. "Bakit hindi pumapasok si Lhia?"

Hindi ko naiwasan ang bahagyang mainis sa tanong nito. Ito rin kasi 'yong kaklase naming nagtanong ng kaparehong tanong kay Lhia mismo. Hindi nga siya sinagot ni Lhia noon, ako pa kaya makakasagot sa kanya?

Imbes na magsalita, tipid na ngiti lang ang ibinigay ko rito at dumiretso na ko palabas. Sa mga ganitong sitwasyon, makikita mo kung sino talaga ang mga 'concern' at sino ang gusto lang maki-chismis. At 'yong kaklase namin na 'yon, chismis lang habol. Halata naman sa fact na hindi niya kayang irespeto 'yong katahimikang isinagot sa kanya ni Lhia. Hindi naman mahirap maintindihan na ayaw pag-usapang no'ng tao, 'di ba?

"Nagtatanong na sila," nalingon ako kay Shei dahil sa sinabi niya.

"Hayaan mo sila. Chismis lang naman gusto ng mga 'yon. Hindi mo napapansin? Iisa lang tanong nila, kung bakit hindi pumapasok si Lhia? Ni hindi man lang nila matanong kung ayos lang ba 'yong tao." Naiinis na sagot ko kay Shei.

Hindi na ito umimik pa at dumiretso na lang kami papunta sa kainan. Dahil isang oras lang ang vacant namin, naging mabilis lang ang kain namin. Nag-take out lang si Shei para kay Lhia kasi alam naman naming papasok na siya sa susunod na subject. Gano'n ang routine niya tuwing Wednesday, 'yong pangalawang subject namin ang ginagawa niyang unang subject.






Matapos ang klase namin, nagpasa ko sa mga kaibigan ko para pumunta sa may Hera hall. May hinihiram kasi kong libro mula sa kaibigan ko no'ng high school.

Habang papunta kami doon, saglit na nagpaalam si Lhia para magbanyo. Hinayaan naman namin siya kasi ayaw niya ring magpasama. Bago kami tuluyang makapasok sa may Hera hall napatingin ako sa lugar kung saan bumukod sa'min si Lhia. Napakunot noo ako nang makita ko kung saang building ito pumasok.



Admin building?



Hindi ko alam kung bakit pero ang sama ng kutob ko rito. Babalikan at hahabulin ko sana si Lhia ng bigla akong pigilan ni Anne.

"Saan ka pupunta?"

"Si Lhia kasi..."

"Susunod naman 'yon, halika na sa loob mainit dito sa labas." Wala na kong nagawa pa nang ipagtulakan na ko nito papasok.

Pagpasok namin, naupo muna kami sa may bleachers dahil nakita naming nagkaklase pa 'yong kaibigan ko. Sa may kabilang side kami ng hall kung nasaan sila pumwesto. Para na rin hindi kami maka-distract ng klase.

Habang inaantay 'yong kaibigan ko, ilanh beses nagpabalik balik ang tingin ko sa may entrance ng Hera hall. Hindi ko alam kung bakit pero mas naiinip ako sa pagbabalik ni Lhia kaysa sa paghihintay sa kaibigan ko.

"Ano ka ba, girl? Parang hindi ka mapakali d'yan." Naramdaman ko ang paghawak ni Anne sa kanang braso ko.

"Si Lhia kasi..." natigilan ako sa sasabihin ko nang makita kong papasok na si Lhia sa loob. "Lhia!" kumaway ako rito para makita niya kung nasaan kami.

"Sshh! Beh, ang lakas ng boses mo!" Naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko sa sinabi ni Shei.

"Sorry."

Nang makalapit sa'min si Lhia, naupo ito sa tabi ni Shei na siyang nasa kaliwa ko. Tinanong ko kung bakit ito nagtagal pero hindi ako nito sinagot, para ngang iniwasan niya ang tanong ko. Nagtanong ito pabalik sa'kin kaya sinagot ko na lang.

Para namang tumigil ang mundo ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na imahe ng tao. Napapatitig ako rito bago ko mabilis na tinignan si Lhia.



Wrong timing naman!



"Lhia..." sa pagtawag na 'yon ni Shei, sigurado akong hindi lang ako ang nakapansin sa taong ngayon ay papalapit na sa'min. Kinabahan ako bigla. Hindi ako makapag-isip nang matino kung ano ang gagawin ko.

"Ms. Velasco," napatitig ako kay Orlan—Sir Lan. Nakatayo ito sa tabi ni Lhia habang nakatingin dito. "When do you plan to attend my class?"

Hindi ito sinagot ni Lhia, ni hindi siya tinignan nito. "Ms. Velasco."

"Never." Halos hindi ko narinig ang sinagot ni Lhia.

"What is it?"

"Hinding hindi na ko papasok sa klase mo. Hahayaan ko na lang na ibagsak mo ko."

Pagkatapos no'n ay tumayo si Lhia at inaaya na kami. Narinig ko na rin kasi ang pagtawag sa'kin ng kaibigan ko. Napasunod na lang kami rito. Bago ko tuluyang makalayo sa inupuan namin, napatingin muna ko kay Orlando.

Nakaramdam ako ng kaunting kurot sa puso nang makita ko ang malungkot na ekspresyon ni Orlando. Alam kong hindi niya naintindihan 'yong huling sinabi ni Lhia, pero hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang bigat at hinanakit sa bawat salitang binitiwan nito. Kaibigan ko si Lhia pero naging malapit at kaibigan rin naman namin si Orlando. Ang makita silang ganito—parehong nasasaktan—ay sobrang nakakabigat sa pakiramdam.

Napatitig ako sa likuran ni Lhia na siyang nauuna sa'min. Tingin ko oras na para kausapin namin siya. Pasimple kong hinatak papalapit sa'kin si Anne at Shei bago bumulong sa mga 'to.

"Kakausapin na natin mamaya si Lhia." Tingin ko sapat na oras at space na ang ibinigay namin dito. Kailangan na naming pag-usapan ang mga bagay bagay bago pa lumala ang sitwasyo.




《 Special Chapter Part II to be posted ASAP 》 

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now