“Wait, nakakasiguro ka ba na hindi pupunta dito si Via?" Tanong ni Darren.

“Dontcha worry. Nandoon si Violet para bantayan siya."

“Salamat ha."

“Sus, wala yun! Alam mo, for the sake of fandom nga yun eh. Kasi fans kami ng Viarren!" Sabi ni Celine. Natawa lang kaming dalawa.

In no time, nakaayos na ang venue.

It's theme is Red and Black. Para sorta romantic ang dating. Nuks! Pwede na ba kaming designer ni Celine? Hahaha!

“Woooaaaah." It was mom.

“Okay ba Mama?" Tanong ko. Actually, maniwala man kayo o hindi, kasabwat din namin si Mama. At syempre just so you know, si Via lang ang walang alam tungkol dito.

Diba? Oks ang dare ko kay Ren?!

“Anong oras na?" Tanong ni Darren.

“Four o' clock. Mag-ready ka na. Pupuntahan ko din sila Violet at ipagreready ko na ang Princess of the Night."

Ngumiti lang siya at umalis na.

“Oh Mama, jan muna kayo. Byeeee!"

Tumakbo na ako pabalik ng House.

This is going to be fun.

Via

Nadatnan ko nalang na natutulog pala ako sa ibabaw ng libro na binabasa ko. Halos kalahati na rin ako dito.

Ibinaba ko ang libro at lumabas ng kwarto.

“Nasan na yung mga taong yun?" Bulong ko sa sarili.

Ang tahimik ng buong House, pero biglang bumukas ang main door.

“Hello! Nagising ka na pala." Sabi ni Violet. Halatang nag-jogging siya dahil sa suot niya at pawis na pawis.

“Nasan sila?"

“Ah, yung iba nauna na sa venue nung occasion, pero papunta dito si Zoey para tulungan ka." Sabi niya. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig.

“Ang aga naman yata nila pumunta dun?"

Napakamot sa ulo si Violet. “Kasi... ah, hindi tayo kasya sa car at baka ma-late tayo."

“Ganun."

“Magbibihis lang ako, mag-ayos ka na. Mag-suklay ka oh!" Sabi niya sabay tapon ng suklay na galing sa bulsa niya.

Huh? May suklay sa jogging pants niya? Anong connect?

Wala na akong nagawa at umakyat na sa kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo at tinignan ang itsura ko.

“Kelan ka ba gaganda?! Lagi ba kailangan ng make up?!"

I groaned at sinuklay ang buhok ko. Miss ko na si Mama ang nag-susuklay sa buhok ko, kaso ngayon,  busy na siya, o kaya sasabihin niya na malaki na ako para mag-pasuklay.

Pagkaayos ko ng sarili ko, lumabas na ako at nakita si Violet na nakaayos na.

Naka-dress nanaman? Wala na bang occasion na hindi naka-dress?

“Fairy Godmother?" I asked.

Violet smiled and approached me. “Bibiddy Bobbidy Boo." Then she waved her hand as if there's a wand.

In less than 15 minutes, ready to go na ako.

May nag-doorbell sa main door ng House. “Ate, ako na."

Perfectly Mine (Darren Espanto) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon