Chapter 25

1.4K 41 5
                                    

Perfectly Mine♔

Zoey

Kinaladkad ako ni Violet sa counter.

“Give me your best one." Sabi ni Violet.

“Ma'am sorry, but you're under-aged."

“Gawin mo ang sinasabi ko! Mag-babayad naman ako ah?!"

“Ma'am—"

Tumayo si Violet at hinila ako palabas.

“Babalik tayo jan."

“Violet huwag na." Sabi ko. “Hindi naman natin kailangan magpaka-lasing eh."

Humarap sakin si Violet at nag-collapse paupo sa tabi ko sa sidewalk. Umiiyak siya.

May tumigil na taxi sa harapan namin. At nagka-plano ako nung makita ko ang bumaba sa taxi.

“Shea!" Tawag ko. “Anong ginagawa mo dito?"

“Hi, dito kasi yung apartment ko. Anong ginagawa niyo jan?" Sabi niya.

“Ayaw kaming bentahan ng beer nung baklang bartender dun. Nakakainis!"

“Ha? Edi halina kayo. Sa taas tayo. Meron ako." Sabay ngiti niya.

Tumayo ako at sumunod si Violet.

Siya si Shea. Ang classmate ko. Mabait siya, minsan kasama ko siya kapag nasa bad girl mode ako. At kapag wala sila Violet, lalo na si Via. Pero sa ngayon, sa tingin ko okay lang kay Violet.

Umakyat kami sa hagdan papunta sa room niya na nasa 3rd floor.

Pagkapasok namin sa loob, pinaupo niya kami sa sofa niya.

Medyo maliit lang naman ito. Hindi kalakihan. May flat screen TV na naka-mount din sa dingding. Sa kaliwa ay may maliit na counter, at stove. Maganda na rin to. May CR sa dulong ng kwarto. Ang hagdanan naman nasa tabi ng sofa.

“Here," Pumasok na si Shea mula sa kusina. “I could use to get drunk tonight."

Kumuha si Violet, “So classmate ka ni Zoey?"

“Yes. Shea Rivera."

Tumango si Violet. “Violet Ramos."

Kumuha na din ako at nag-shot ng isa. May kinuha si Shea sa kusina. Mga chicharya para pampatanggal ng pait.

“Never pa talaga ako nag-inom." Sabi ko.

“Well, not anymore." Sagot ni Shea.

At binuksan na niya ang isang pack ng chips.

∽•∽

Via

“Via..."

“Via..."

“Viiiia?"

Napamulat ako.

“Mabuti naman nagising ka na," Si Mama pala ang nangigising sakin. “Nasaan si Zoey?"

“Si Zoey?" Saan nga ba yun pumunta? “Ang sabi niya mag-papahangin lang daw siya."

“Magpapahangin?"

Tumango ako.

“Anong klaseng tao ang nag-papahangin hanggang 12 ng umaga?"

“12 na?!"

Itinuro ni Mama yung wall clock.

“Nakatulog kasi ako eh." Sabi ko.  “Asan yung iba?"

“Umuwi muna si Lynelle, kukuha ng gamit niya. Si Marinel naman nasa baba, kinakausap yung doctor."

Perfectly Mine (Darren Espanto) | ✓Where stories live. Discover now