Chapter 08

1.8K 57 4
                                    

Darren

Naaalala ko parin ang pag-iyak ni Via sa Guidance Office.  Naawa ako sa kanya, gusto ko na sana siya yakapin pero tinawag na ako.

Ewan ko ba, feeling ko lang kasi kapag hindi ko kasama si Via, parang lagi ko siyang inaalala at lagi kong naiisip na baka may masamang nangyari sa kanya. Call me O.A. pero yan talaga ang nararamdaman ko.

Baka siguro dahil bestfriend ko siya?

Darren, ano na ba ang nangyayari sa iyo?

Pumunta ako sa bahay nila pagka-tapos ng klase.

Kumatok ako sa pinto at isang malungkot na Via ang sumalubong sa akin.

“Pasok ka," Sabi niya.

Pumasok ako sa sala nila at umupo sa sofa, pinagmasdan ko lang siya kumuha ng meriyenda. Naka-loose shirt siya at shorts. Naka-messy bun din ang buhok niya. Sa tingin ko wala siya sa mood na mag-ayos ngayon. Napansin ko rin ang fluffy slippers niya na gawa sa cotton, at may butterfly na nasa tutok.

“Bestfriend," Sabi ko. Lumapit ako sa kanya. “Chill ka lang. Hindi ako magagalit."

“Promise?" Tanong niya raising her pinky finger. Naalala ko tuloy nung ako yung gumawa sa kanya ng ganoong question.

“Promise." I said interlocking our pinkies. She smiled. That eased me a bit. Come on, Via. Kahit pa ilang beses ako mapa-guidance, makita lang kita ngumiti.

~*~

Via

Sinabi ko na lahat kay Darren, at ang sarap ng pakiramdam na nailabas ko na lahat ng nasa isip ko. Buti nalang mabait siya.

Sinabi din niya na okay lang daw yun, basta mag-rereply na daw ako sa texts niya kahit isang beses man lang. Para siya isang napaka-protective na boyfriend kung umasta! Pero siguro nag-aalala lang talaga siya para sa akin.. Aww, I feel special :)

Nag-Just Dance kami ni Darren pagkatapos namin mag-kwentuhan. Kami lang kasi ang tao dito, nagpaiwan sina Zoey sa school dahil may volleyball training pa sila. Buti pa sila, magaling sa sports! :'(

Kinabukasan, ang una kong ginawa ay buksan ang bintana at silipin kung ano na ang nangyayari sa labas. Ang ingay kasi.

“HOY! ILABAS MO NGA SABI SI VIA!"

Tinignan ko ang sumisigaw. What?!

“Anong ginagawa ng bruha na yan dito?" Bulong ko sa sarili. Nakakainis!

Bumaba ako kahit hindi pa ako nag-susuklay at naka-panjamas pa.

“Anong kailangan mo?!" Tanong ko sa kanya. Napangiti siya at nilapitan ako.

“So, Via Ramos,"

“Ano nga?! Istorbo ka eh! Baka ma-late pa kami sa school nito!"

“So? Do I care?"

“Fine. I don't care talking to you. Kaya lumayas ka na, Mitzy!" Tinalikuran ko siya at handa ng pumasok ng nag-salita siya.

“Hindi, ayoko. Hanggat hindi mo tinitigilan ang pag-landi mo kay Darren, HINDI KA MAKAKAALIS NG BAHAY NG BUHAY!"

Natawa ako. Desperadang Bruha!

“Hay nako, Mitzy. Bahala ka jan." Sabi ni Violet at pumasok na kaming tatlo. Binagsakan ko siya ng pinto.

“Argh! Agang-aga, panira ng araw!" Sabi ko. Umakyat na ako at naligo tapos nag-bihis na ng uniform.

Pagbaba ko, bihis na rin sila. Binuksan ko ulit ang main door, at sa wakas, wala na ang bruha.

*Beep! Beep!*

“Violet! Zoey! Andito na ang service!" Sabi ko at kinuha na ang mha gamit ko. Ako ang una sumakay sa school bus. Katabi ko si Darren at Carol.

“May assignments ba?" Tanong ni Carol. Nag-isip muna ako.  Hmmm...

“Wala naman yata." Sagot ko, at tumango na siya. Sumakay na rin yung dalawa at umalis na kami. Kami lang ni Darren, Carol, Violet, Zoey, at Jaimee ang gising, lahat sila tulog.

“So, Darren sabay ka saamin sa lunch?" Tanong ni Jaimee.

BAKIT BA ANG DAMING MAY GUSTO KAY DARREN?! >:(

Bakit pa kasi ang gwapo niya! Eeekkk!! FANGIRL ALERT!

Pero sabagay, busy naman ako sa lunch, kailangan kong bantayan si Mr. Topacio.

Tumingin sa akin si Darren, as if asking me a permission. Syempre tumango ako. Baka pag hindi kumampi na yang si Jaimee na yan kina Mitzy at pag-tulungan ako. At saka sino naman ako para pag-bawalan siya? Bestfriend lang niya ako.

Bestfriend lang...

HAY NAKO OLIVIA! NA-BABALIW KA NANAMAN!

“Sure." Sagot ni Darren. After that, nanahimik na kaming lahat at hindi ko na napansin na nakatulog na ako.

~~~

Off to torture na naman ako. Hmph!

“Oh, Kobe Topacio, kumain ka na!" Pilit ko. Paano ba naman, parang bata na mag-lalaro muna bago kumain! Nag-mumukha tuloy akong yaya dito.

“Ayoko nga! Mamaya na!" Sagot niya at lumapit sa mga kabarkada niya para mag-basketball.

“Bahala ka! Kakainin ko to!" Sabi ko. Ayaw niya kainin, ang sarap pa naman, Tuna Sandwitch. Huhuhu..

Hindi siya sumagot kaya kinain ko nalang.

~

“Ano?! Kinain mo?!" Sigaw niya. Hinahanap na niya ngayon yung pagkain kung kailan nakain ko na. -_-

“Oo, hindi mo kasi kinakain eh." Sagot ko. Napakamot siya sa ulo niya.

“Tsk. Palibhasa patay gutom." Bulong niya.

Aba! Ang kapal naman nito para sabihan ako ng ganyan!

“Hmph! Ewan ko sayo! Ang gulo gulo mo!" Sabi ko sabay umalis papalayo.

Pero nagi-guilty pa rin ako eh. Eto naman kasing tiyan ko, hindi maka-tiis. Napakatakaw! Kaya pumunta ako sa canteen at binilihan siya ng Hotdog Sandwitch. Bahala na, basta may makain siya. Hinanap ko siya at nakita ko na nag-sasapatos siya sa isang bench sa may gym.

Bakit wala na ang mga kaibigan niya? Anyway... Nilapitan ko siya at tumunghay siya.

“Ano nanaman ba gusto mo ha?" Mataray niyang tanong.

“Eto naman, napaka-bitter! Gusto ko lang naman mag-sorry na kinain ko yun kanina. Eto oh." Sabi ko sabay abot sa kanya ng binili ko.

Nung una, tinitigan lang niya. “Ano ba? Akala ko ba gutom ka na?"

With that kinuha na niya. Phew. Akala ko iba pa ang gusto! Akala ko mapapamahal pa ako, baka expensive sandwitch ang gusto niya. Buti hindi! Haaay..

“Ubusin mo yan ah." Sabi ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ba niya ako tinatarayan kahit super bait ko na sa kanya. Naaalala pa niya kaya yung nangyari sa Christmas Party dati? Yung sinampal ko siya? Aah! Nakakatakot!

He cleared his throat kaya bumalik na ako sa reality.

“Salamat." Sabi niya.

And for the first time, ngumiti siya.

A/N:

Aaaaah! 500+ reads! Hahaha. Thanks po!!!! Darren Hug for all of you!

^_^

Perfectly Mine (Darren Espanto) | ✓Where stories live. Discover now