Chapter 33

1.6K 44 0
                                    

♔Perfectly Mine♔

Via

Nope.

Hindi ako tulog. Actually, nasa sofa na ako.

Pagod ako, hindi puyat, soo... yea.

“Via, eat your brekky." Zoey said, munching hers. “And we have something to go to later."

“Ano?" Tanong ko.

“A special occasion. Dinner, actually, but not just like a typical dinner. As I said, it is special."

Hmmm... Ano kaya yun?

I spent the whole morning reading. May nakita kasi akong libro sa bookshelf sa sala nitong House. Eh mukhang interesting.

Untold Mysteries

“Ano yan?" May nagsabi. Lumingon ako at nakita si Violet.

“Untold Mysteries. Maganda naman siya so far."

“Genre?"

“Sa tingin ko romance."

I flip a page then sighed. “To love is to sacrifice everything,"

“Hugot ba yan?" Violet asked, smirking.

“Hindi ah! It's written in the book."

“Ah basta. Excited na ako mamayaaaa!"

“Ano ba talaga ang meron mamaya?"

Kinuha niya ang kamay ko. “Well, secret."

Hinila niya ako palabas ng House, at nasa labas na kami. May flowers sa garden na napaka-cute.

“Alam mo, wag ka masyadong painosente, Ate." Sabi niya at umalis na.

Painosente? Ano?

“Huy! Anong painosente? HUUUY!" Pero hindi siya bumalik. Kaya naiwan akong magisa sa malamig na simoy ng hangin sa garden.

Ano ba talaga ang mangyayari mamaya?

Zoey

“No, dapat natural. Hindi ka pwedeng mag-practice  sa harapan ko. Know why? Kasi mas maganda kapag natural ang nalabas sa bibig mo. Yung hindi scripted. Mas special kapag mula sa puso. Tandaan mo yan, Darren."

“Tama! Wag kang kabahan, Darren. Alam ko naman na hindi ka madidisappoint eh." Sabi ni Celine.

Nasa Central Park kami ng Recreational Village. Pinapunta din namin si Celine para tulungan kami. And since close sila ni Darren at mas kilala nila ang isa't isa. Inaayos na namin ang park para sa mangyayari mamayang gabi.

Secret. Yan ang alam sa ngayon ni Via na mangyayari. Pero maya maya ay sasabihin ko na may celebration para sa Date namin ni Kyle.

Yes, magsasakripisyo ako. Para asarin nila kami. For the sake of Viarren.

The Love is in the Air!

Excited na akooo!

I'm careful not to give hints to  Via. Baka masabi ko sa sobrang excitement ko.

“Fine." Darren said shortly, then sighed.

“Kilala mo naman si Via. Wag ka nang kabahan. Alam mo, para mas maintindihan ni Via na sincere ka, wag kang kabahan para magka-sense yang mga sasabihin mo." Dagdag ko.

“Kaya mo yan, Ren! Sus, Ikaw pa?" Tawa ni Celine.

“Oh sya, tara na at madami pang aayusin."

Perfectly Mine (Darren Espanto) | ✓Where stories live. Discover now