Chapter 16

1.5K 42 6
                                    

Via

Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Darren papuntang Canada. And kahit sa isip ko ay hindi ko na kaya maging normal, aba, dapat kayanin ko. Bestfriend pa nga lang yun eh. Paano na pag mas-importante yung nawala?

“Psh. Sabi ko sayo ehh!" Sabi ni Violet na tawang tawa kay Kelvin. Naglalaro kasi sila ng Games of the Generals, ang kalaban ni Kelvin ay si Zoey na master ng GOTG. At oo, nag-kaayos na kami ni Zoey. Napaka-laking ginhawa din yun. At dahil dun tinaggal na niya ang parusa ko na grounded for one month. She also said na miss na niya rin daw si Darren.

Bakit ba kasi ang close pa niya sa amin?! Yan tuloy. Parang magnet na hindi matangal sa isipan namin..

“YES! PANALO AKOOO!" Zoey squealed. Ang init naman dito sa Club Room. Pinag-group group kasi kami para mag-practice ng board games, at GOTG ang gusto namin. Kaya dito kami naasign.

Inilabas ko yung panyo ko na green at pinaypay sa mukha ko habang pinapanood sila mag-laro. Si Violet at Zoey na ngayon ang naglalaro. Eh, wala ako sa mood mag-board games eh. At saka, wala naman si Ma'am.

“Grabe ang init!" I mumbled.

“Maghilamos ka kaya ng malamig na tubig sa C.R?" Suggested Zoey. Well, sige.

Tumayo ako at naglakad na papuntang C.R. nang madaanan ko yung locker ni Darren.

Hmmm....

Nakuha na niya kaya lahat ng laman dito? Baka naman meron pa ako memory na pwedeng icollect sa kanya.

Then I looked at my I.D.

May binigay si Darren na susi ng locker niya sa akin?!

Ah, oo nga pala. Para daw pag nakalimutan niya dalahin yung susi niya.

Ewan ko ba pero bigla ko nalang nilapitan yung locker niya at binuksan ito.

May isang papel na natira sa locker niya. Nakatupi ito ng maayos at kinuha ko ito. Babasahin ko nalang mamaya.

Dumiretso ako sa C.R. at nag-hilamos. Nakasalubong ko sina Mitzy na as usual, binubully parin ako.

“Ang tagal mo naman dumating Via dapat—"

*RIIIINNNGGG!*

“Yes! Bell na! LUNCH WOOHOO!"  Zoey shouted. At buong room nag-echo.

“Halika na!"

Wala pang ten seconds ako nalang ang naiwan sa room.

Anubanaman yan!

Wait, feeling ko may nakakalimutan ako eh—AH!

Yung panyo ko pala...

Tinignan ko yung table, green hanky spotted!

Kinuha ko kaagad at umalis na.

Nakasalubong ko si Ma'am Roxas sa corridor. “Excuse me, Via can you do me a favor?" 

“Yes Ma'am."

“Okay. Please photocopy this. That will be our handout. Thanks."

With that, she walked away.

Saan naman ako magpapa-photocopy dito?

Hmm... teka, sa labas pa ng school yun eh!

Sabagay, hindi naman ako gutom. Kaya naglakad na ako palabas ng school.

“Nasan na ba yun..."

I looked around me then nakita ko na. Yung computer shop na malapit sa school.

Perfectly Mine (Darren Espanto) | ✓Where stories live. Discover now