For the friendship, though. This is okay.

Bukod pa sa hindi makakalimutan ng pamilya niya ang ginawa ni Dad sa kanila. His father owned that piece of land. My father encourage him to do business with him and in the end, he backstabbed him. Naiintindihan ko ang muhi ni Tita Ana sa pamilya ko. Inatake sa puso si Tito noon pero hindi pa rin binawi ni Dad ang desisyon niyang angkinin ang lupain ng mga Santander.

Natigilan ang sayaw namin nang nagputukan ang fireworks sa harap. His hand remained on my waist. Even with the fireworks above, mas focus ang nararamdaman ko sa baywang kaysa sa tanawin.

Nagsilapitan ang mga kaibigan niya. Lumapit din si Aria sa akin at hinila ako palayo sa kanya. His friends, though, dragged him for the drinks. Lalo na dahil nakisali na si Romulo sa kanila.

Hinila naman ako ni Aria sa mga babae at doon, pinainom ako. Uminom ako at nakipagtawanan. Pero matagal bago ako nakabawi sa munting pagsasayaw namin.

When I saw Chantal on the side, drinking and staying quiet, nilapitan ko na siya para makausap tungkol sa shelter. Surprisingly, she said she's staying here in Altagracia and she's interested to work there!

Lumapit si Soren sa amin at sinabi rin ni Chantal na si Soren talaga ang nag-encourage sa kanya na kunin na iyon.

"Thank you so much, Soren!" bati ko.

He smirked. "May utang ka na niyan sa akin?"

Tumawa ako. "Oo. Gustong gusto ko si Chantal doon."

"Hmm. How about... some dates?"

Tinawanan ko lang iyon dahil kumpara naman sa pabor na naibigay niya, walang kaso ang mga date. "Alright!"

"Yohan," tawag ni Noel galing sa likod.

Aria was already a bit drunk. She's giving out some tequila to her friends, kanina pa. Pati sa akin kaya alam ko na kung bakit niya ako kinakalibit ngayon.

"Aria!" saway ko.

"Body shot! Body shot! Body shot!" she chanted.

Iminuwestra niya si Noel sa akin. I gritted my teeth. I've done some bodyshots then, of course. Ginawan ko nga si Aria kanina sa pisngi niya pero nahihiya ako ngayon.

"Aria, may girlfriend si Noel," sabi ko.

Tumawa si Noel. "Wala na kami no'n."

Namilog ang mga mata ko. Pinatayo ako ni Aria at hinila palapit kay Noel.

"Sige na. Sige ka, kung malasing si Bobby, magwawala 'yan dito! Para magwalk out at umuwi na, bilis!" si Aria.

Napabaling ako kay Bobby. Naroon nga siya. Dahil walang kilala'y tahimik lang siya at nakakatabi sina Tita at Tito.

"Ang sipsip na 'yan, si Mommy at Daddy pa ang kinakausap. Sige na! Kita mo aalis 'yan! Dito lang sa leeg ni Noel, oh!"

It seems like a bad idea.

"Baka sumugod siya rito?" sabi ko kay Aria.

"Hindi 'yan. Wala siyang kilala, 'di ba? Uuwi 'yan at gi-give up sa'yo. Ako pa ba ang magkakamali?"

Sa ilang taon kong kilala si Aria, alam kong magaling siya sa ganito. Nagdududa ako pero dahil ibibigay ko ang tiwala ko sa kanya, tumango ako.

Nagtawag siya ng ilang kaibigan para maki-cheer sa kanya. Soren went behind me but he was silent. Nakita kong nagtayuan sina Juan at Daniel para tingnan kung ano iyong sinisigaw ni Aria.

She held out the lemon and salt. Umirap ako kay Noel na bago ikasal si Aria ay may paiyak iyak pang nalalaman. May pakiramdam akong nakipaghiwalay siya sa girlfriend niya o hiniwalayan siya dahil doon.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt