CHAPTER 39

2.3K 53 3
                                    


SABRINE'S POV

"Wooohhh pano ba yan panalo ako" rinig kong saad ni akhira at pinaghahakot lahat ng nakalapag sa gitna ng lamesa. Hindi ko mapigilan mapailing sa pinaggagawa ng tatlo ginawa pang casino ang hide out. Makaalis na nga dito kesa nakatunganga lang ako, ni walang magawa kundi panuorin silang nagdadayaan. Akmang tatayo na ko ng biglang bumakas ang pintuan. Laking gulat ko nalang na si Maxine ang niluwa nito. Hinihingal siya at mukhang nagmamadali ito. Tulad din namin may pass code din sya kahit pa hindi sya kabilang sa orginasasyon namin welcome parin siya dito dahil isa sya sa mga matalik na kaibigan ni Empress.

"Oiy Maxine!" Bungad agad ni akhira at pasimpleng kumuha ng baraha sa paanan niya. Sabi na eh may dayaang nagaganap.

"I have to tell something" pasimula ni maxine lahat kami ay napahinto't napatingin sa kanya.

"What is it?" seryosong tanong ni kurt at Hindi ko mapigilang mapangisi dahil pagdating sa ganitong bagay nagiging seryoso na sya kong mag isip.

"I'm not sure pero sa palagay ko nakita ko si Samantha" nagugumilihan wika nya na napakunot sakin ng noo habang nanlaki ang mga mata ng mga kasama ko.

"Come on Maxine patay na si Samantha panong mabubuhay ang isang patay na" Singit naman ni akhira habang nasilip sa hawak na baraha ni Kurt na agad namang inalayo nito sakanya at sinamaan ng tingin. Napairap ako sa wala sa oras.

"Baka namamalik mata ka lang" mahinang wika ko

"Pweding hindi" napalingon kami kay Kurt ng bigla syang magsalita and his voice tone are deadly serious.

"What do you mean? Na buhay sya?" Singit naman ng kakambal ko na maging sya ay hindi rin makapaniwala agad naman nyang nilapag ang kanyang baraha.

"I won" dagdag pa ng kapatid ko ahhyys sa ganitong seryosong usapan nagawa pa nilang ituloy ang pagsusugal tss

"Tss" hasik ni Kurt at binaba naman nya Ang hawak nyang baraha nang makita naman yun ng kalaro nya ay nginisian niya ang mga ito at seryosong binalik ang tingin saamin ni maxine

"Remember the footage, Kung saan may kasamang babae si red" paliwanag nya na ikinahinto namin lahat.

"Pano ba yan panalo ako" dagdag nya pa habang kami parang tanga napatulala sakanya

"Anong ibig mong sabihin??, Na kasabwat ni red si Samantha ?? Naglolokuhan lang ba tayo dito!" Nagulat kami sa pagtaas ng boses ni maxine

"Max---"

"Hinding Hindi magagawa ni samsam na kumampi sa kalaban!!"

"Maxine, Hindi naman namin sinasabing sya nga Ang babaeng yun kahit din kami ay naguguluhan" paliwanag ni kurt na ngayo'y napatayo na sa kanyang kinauupuan kanina

"Gusto ko lang linawin sainyo, hinding Hindi magagawa ng kaibigan ko ang ibinibintang nyo"

"Pano kong sya nga ang babaeng tumutulong kay red" Hindi ko mapigilang hindi sumabat sa usapan nila

"Reason sabrine, rason ang kailangan ko dahil sa totoo lang walang rason si Samantha para saktan si Tala"nagbabadya ang inis sa boses nito.

"But you know what happened three years ago" malamig na wika ko. Hindi ko pinansin ang sama ng tingin niya sa akin.

"Maybe this the reason you want to find out" wika ni Kurt.

"Ginusto namin ang sitwasyon na yun na kahit sino maguguluhan kong sino sa aming dalawa ang kailangan  niya'ng piliin" may diin wika ni Maxine

"Maxine---" Kurt

"Sa totoo lang Hindi ko akalain na ako ang pinili nya alam naman natin na mas una nyang nakilala si Samantha kesa sakin"

My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon