CHAPTER 2

5K 113 4
                                    

STARLY'S POV

"Hoi Tala! Bakit ganyan mukha mo parang dala mo ang mundo" Hindi ko malaman kong ginagago ba ako ng kaibigan ko na si Maxine pano ko madadala ang mundo? Aber? Ni siya nga hindi ko madala mundo pa kaya? Hayys.

Dahil nagmumukha ako tanga sa kausap ko ngayon. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko parin ang pagkain ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ang lungkot ng nararamdaman ko. Imbes na si Hubby ang kasama ko kumain ay ito pang si Maxine Lei Ferrer na walang ginawa kong hindi ngumuya ng pinaghanda ko para sa amin ni Hubby. Para kay Hubby pa naman to huhuhuhu..

"Asawa mo pala nasan ?" Tanong niya habang ngumunguya. Malakas ako napabuntong hininga pagkagising ko kasi nagtungo ako kaagad sa guests room kong saan natulog si hubby kagabi at wala man lang ako nadatnan hayys mukhang galit na galit sa akin si hubby. Ang sabi ni manang nagmamadali siya'ng pumasok sa trabaho pero kahit ganun naghanda parin ako kahit alam kong nakaalis na siya baka maisipan niya bumalik, malay nyo naman baka maalala nya'ng gutom siya hihihi.

"Hoi! Tala!"

"Huh?" Wala sa sariling napatingin ako kay Maxine. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang ba? Bakit tulala ka dyan?" Napasimangot ako. Ano kaya ang dapat kong gawin para maging masaya si hubby sa akin? Ilan weeks lang ng maikasal ako sa kanya pero ni ngumiti sa akin hindi ko nakita man lang.

Malakas ako napabuntong hininga hindi ko na alam kong ano ba dapat gawin ko para mapasaya ko siya. Kong pwede nga lang maging clown haysss.

"Paano ko ba mapapasaya si hubby Maxine huhuhu" nagtatakang napatingin siya sa akin.

"Mapapasaya? Ede gapangin mo ano ba naman Tala ang hina mo" sabi niya habang patuloy parin ang pagnguya nya, anong gapangin?

"Anong gapangin Maxine?" Tanong ko dahil hindi ko alam kong ano ang ibig nya'ng sabihin.

"Larong pang matanda lang yon" nakangisi wika niya

"Larong pang matanda ede ibig sabihin may habulan ba don?"

"Malay mo may scene pa kayo ng habulan ng hininga HAHAHA!"

Napatingin ako kay Maxine na patuloy parin ang pagtawa minsan talaga naiisip ko may sapak ang kaibigan ko. Ano bang nakakatawa?

"Ano yang ginagawa mo?" Kunot noong tanong niya

"Huh? Ito" baling ko sa magkadikit na palad ko.

" Hindi ba halatang nagprapray ako na sana gumaling kana Maxine" nakangiting saad ko na ikinasama ng mukha niya sa akin

"What the?"

"Oh saan punta mo Maxine?"

"Hayy ewan ko sayo" patuloy ang paglalakad niya patungo sa kotse'ng nakaparada at pinaharorot niya ito ng mabilis. Iniwan na naman niya ako matapos niya ubusin ang niluto ko! Hmp!



NAPATINGIN AKO SA ORASAN na nakasabit sa wall ng kwarto namin, 12 in the midnight na pero hindi ko magawang makatulog. Kahit anong posisyon ay ginawa ko na para makuha ko ang antok ko pero waapek parin. Malakas ako napabuntong hininga

"Hayyss!" Inis na napasabunot ako sa sariling buhok ko. Bakit kasi hindi ako dalawin ng antok! Si hubby kasi tinutulugan nalang ako parati! Pagkauwi niya galing work hindi man lang niya ko kinausap o kahit man lang pinansin nagtungo siya agad sa kwarto namin. Tamad ako bumangon mula sa pagkakahiga ko, wala naman kasing magawa eh hindi parin kasi ako dinadalawan ng antok ko. Nilibot ko ng tingin ang kwarto namin

"huhuhu bakit kasi hindi ako inaantok!!!" Reklamo ko. Napahinto ako ng may mapansin ako sa ibabaw ng drawer namin isang maliit na measuring tool.

"Waah! ang cute!"mangha ko. Ang cute cute naman kasi hihihi hello kitty kasi yung design which is ang ganda!! dahil trip kung pagtripan yung measurement kinuha ko at sinukat ang lahat na pweding isukat

My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Where stories live. Discover now