CHAPTER 78

651 17 2
                                    

MAXINE'S POV

Lahat kami ay pinagmamasdan ang anak nila Tala at Raiko. Kamukha kamukha niya talaga ang tatay niya. Pero ngayon na abala ito kumakain ng Strawberry ice cream hindi maitatanggi anak ito ni Tala!

"Ang cute nyang kumain" Masayang wika ni Samantha. Nandito kami ngayon sa pamamahay ng mag-asawa. Hindi lang kami ni Samantha maging ang buong myembro ng Orge maliban kay Sebastian.

"Female version ni Raiko" Kinikilig na wika naman ni Akhira. Habang kinukuhanan niya ito ng litrato. Tumikhim ako dahilan para mapalingon silang lahat sa akin maging si Moonly ay napahinto sa pagkain.

"Ikaw bata" naningkit ang mga mata ko habang nakipagtitigan sa kanya.

"Anong gagawin mo kapag nalunod ang isda?" Lahat sila ay nagsalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Maliban sa batang Inosenting nakatitig sa mga mata ko. Binaba niya ang hawak niya'ngice cream cup pinunasan ang mga labi gamit ang tissue ang paraan pa ng pagpunas niya ay napaka-arte!

"Hmm..." Nagiisip to habang nasa  baba ang hintuturo nito.

"Bibigyan po ng salbabida! Kawawa naman po kasi sila" lahat kami ay napatapik sa mukha.

Blagggg

Napaidlag kami sa gulat ng biglang tinapik ni Akhira ang lamesa bwesit-.- kamuntikan pa ko mahulog sa upuan! -.-

"Sabi na eh! Anak talaga!" Humalakhak pa to ng tawa habang nakahawak sa tyan! Napailing nalang ako may minana pala to sa ina katangahan nga lang tss. Nilibot ko ang paningin pero bakit wala si Sabrine?

"Si Sabrine nasan?" Tanong ko kay Kurt na katabi ko.

"Kausap si Empress" Seryoso niya'ng wika. Baka pinaguusapan nila ang tungkol kay Sebastian. Naiinis din ako sa lalaking yon hanggang ngayon. Ano bang meron don at nagustuhan ko ang gagong yon dati. Buti nalang ang feeling ko sa kanya ay hindi ganun kalalim.

"Ameirha!" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses ang nakangiti mukha ay na palitan ng gulat

"Bakit?" Binalingan niya ako ng tingin. Pero wala ang atensyon ko dito kundi na kay Ate Kyla at Kuya Logan kasama ang batang lalaki karga karga nito. Unti unting gumuhit sa mga labi ko ang malawak na ngiti

"Ate Kyla!!" Wala pagaalinlangan tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Oh my god! I missed you Maxine" Maluluhang wika niya . Humiwalay ako ng yakap sakanya at napatingin sa karga karga ni Kuya Logan. Waah ang kyut kyut talaga ng inaanak ko!

"Wahh ang kyut ni Zykie! " Isang taon pa lang ito ay umaapaw na ang kagwapuhan taglay pakiramdam ko madami mapapaiyak na babae to.

"Saan pa ba nagmana ede sa ninong" napataas ang kilay ko napaharap kay Stan.

"Anong genes mo naman ang nasa dugo ni Zykie aber?" Mataray kong saad nalukot ang mukha niya. Lihim ako natawa dahil dito.

"Wala man genes eh ako lang naman pinaglihian ni Ate Kyla" pag-mamayabang niya.
Napailing si Ate Kyla na ani moy natatawa!

"Oo nga naman Max" biglang sulpot ni Akhira sa amin at nagsalubong ang mga kilay ko ng bigla niya inakbayan ang nasa tabi ko. Si ate Kyla naman ay napailing. Well kilalang kilala na talaga siya ni ate ang ganitong ugali ng Hambog. Oo nga pala kilala na nila ate sila Sam at ang Orge members bilang ordinaryong kaibigan namin. Walang sino man ang pwedeng makaalam ng Organization nila Tala.

"Hi Stan parang mas lalo ka bumango" Aba talaga pang nangaasar pa sa harapan ko habang Inamoy nito ang leeg ni Stan! Bakit ba nakakaramdam ako ng inis!.

"Oh ok ka lang Maxine bat parang nagsalubong mga kilay mo" Nakangisi wika nito. Napansin ko ang titig ni Stan sa akin. Napataas ang isang kilay ko. Bakit parang napakaseryoso ng mukha niya habang nakikipagtitigan sa akin.

My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Where stories live. Discover now