CHAPTER 57

765 26 4
                                    

MAXINE'S POV

"Kurt please tulungan natin si Samantha please" Paki-usap ko, hindi parin maalis sa isipan ko ang pag-tawag sa akin ni Red na hawak niya si samsam at balak niya tong patayin kaya sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko, halata sa mukha nito ang pagdadalawang isip, please Kurt kailangan ko ang tulong nang orge

Napasuklay siya sa sariling buhok niya hindi mawala sa mukha nito ang pag-aalangan. "Maxine, baka isa lamang itong patibong ni Red"Malalim ako napabuntong hininga, hindi ko kayang sukuhan si samantha. Alam ko sa paggising ni tala magiging masaya to dahil buhay ang kaibigan namin

"Kurt Please hindi lang si Tala ang kaibigan ko" pag-mamakaawa ko, Please Kurt, alam ko hindi nila trabahong iligtas ang ibang tao dahil ang batas nila ay ang kaligtasan lang ni tala

"Kurt mas mabuting gumawa tayo ng plano, tulad ng sinabi ni maxine nasa panganib ang kaibigan nila alam natin na kaibigan din ni empress si samantha" Pagkukumbinsi ni Akhira wala sa sariling nginitian siyang pilit

"Sang-ayon ako kay Akhira" walang emosyon saad ni sabrine ito lang talaga si Kurt ang problema

" Paano tayo makakasiguro, naging kasabwat ni red si samantha baka nakakalimutan niyo na" Hindi ko siya masisi kahit sino naman ay mahirap paniwalaan, pero yung araw na naghaharap namin dalawa? kita ko sa mga mata ni samantha ang pagiging totoo nito

"baka din na nakakalimutan mo siya ang gumawa nang paraan para makatakas kami ni Stan" Seryoso kong saad sana naman sapat na yun para makapagdesisyon siya

Napabuntong hininga siya"Sige simulan na natin ang plano" Kahit may bahid ang lungkot ang mata ko nagawa ko parin ngumiti dahil sa pag payag niya

Sinimulan namin pag-usapan ang plano, kung paano namin paghahandaan ang pagligtas kay samantha

"Mas mapanganib kong sasama ka pa max" Nag-aalalang saad ni kurt nabaling ako nang tingin sa kanya

"Alam ko, pero kailangan ako ngayon ni Samantha, ilan taon na din ako nasa tabi ni Tala, ngayon naman ay kailangan ako ng isa ko pang kaibigan" seryoso kong saad tumango lamang siya mukhang napapayag ko siya sumama ako, kung tutuosin kaya ko naman ipagtanggol ang sarili, dahil memoryado ko pa ang mga tinuro nang kakambal ni sabrine

"Si kuya zach muna ang magbabantay kay empress magpapadala ako nang tauhan nang orge para sa kaligtasan ni empress at nang anak niya" pag-papaalam ni kurt ngayon kahit papano'y panatag na ko

"That's great" si sabrine habang inaayos ang hawak niya'ng pistols silencer pagdating talaga sa labanan ibang iba ang isang to ayaw niya daw gumawa nang ingay kaya lahat nang dadalhin niya'ng baril may silencer -.-

"here akhira pumili ka na nang gagamitin mong sniper" Utos ni kurt nang ikinangiwi nang hambog

" Woaahhh sa dami nang sniper dito kahit ano na siguro ang piliin ko nasa tama parin ang target ko, sa galing pa naman nang kamay ko" pagmamayabang nito naikinaling namin ibang klase sa pagiging hambog

-.-

Tulad nang napaghandaan nag hanap nang puwesto si akhira para ma cover niya kami kung sakaling may gustong umataki, habang si kurt ay nasa sasakyan at nasa harap nang mahiwanggang laptop niya para mahack at ma trace niya kung sakali may patibong ang gagong red na yun

Maingat ang bawat galaw namin ni sabrine may dalawang armado ang nakabantay sa gate akmang susugod ako nang bigilan ako pigilan ni sabrine gamit ang paghawak sa braso ko

"Why?"

" I can manage" malamig nito saad ay sa hindi ko inaasahan nag labas siya nang dalawang blades(ninja tools) agad niya'ng ibinato ito sa dalawang bantay

My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Where stories live. Discover now