CHAPTER 31

2.5K 54 3
                                    

MAXINE'S POV

"Wala parin ba siya?" Tanong ko ng mahagilap ko si Ate Kyla, napabuntong hininga siya at umiling.

"Wala parin, hinahanap parin ni Raiko maging sya wala pa" may bahid na pag-aalala sa mukha niya habang nakamewang ang isang kamay niya.

"Nasan kana ba tala?" Wala sa sariling napasabunot ako sa akin buhok dahil sa frustrated na nararamdaman ko nasaan na ba ang babaeng yun, bakit ba napakatigas ng ulo niya!

Nagmamadaling lumabas ako sa lobby para tumulong sa paghahanap kay Tala. Kinakabahan parin ako sa tuwing di ko siya nakikita o nakakasama any time maaaring may mangyare sakanya.

"Hey! Maxine! Where are you going?!" rinig kong sigaw ni Ate Kyla.

"Sasamahan ko din silang maghanap kay Tala!" balik kong sigaw sa kanya.

Padabog ako naupo malapit sa batohan. Halos nalibot ko na ang buong resort pero ni anino man lang ni Tala wala talaga! nag-aalala na ko sakanya nang sobra!

Sana hindi parin niya ma-alala ang lahat. Ayoko makaalala pa siya. Ayoko bumalik siya sa dati nang puno ng hinanakit at pagsisi.

Pero hindi parin mawala sa isip ko ang nangyare kanina. Ang imahe yon ay hinding-hindi ko makakalimutan nakita na yon 3 years ago ko. Ang presensya niya ang nagpapaalala kay Blaire. The way na tumingin sya maging ang paraan ng pananalita nya ang pinaka kinatatakutan namin ni Samantha kapag napuno na ang pasensya nya bigla bigla ka nalang nyang susunggaban, hindi siya magdadalawang isip. Hindi man siya ganun sa amin pero syempre nandun parin ang takot namin sa kanya, nakita ko na kong paano siya mainis, magalit mabwesit kaya hindi na nakakapagtaka ang  galos ni Allison sa leeg. Buti nga sakanya sobrang landi niya.

Napatayo ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa. Napakunot ang noo ko sa numero ni Sabrine.

"hell-"

"where are you?"

"nasa resort ba-"

"What!! Umalis na kayo ngayon!"

"Actually-"

"right now! NGAYON DIN MISMO!"

"Sandali nga! Patapusin mo kaya muna ako! Ano bang nangyaya-"

"Buhay si Red" parang akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.

"W-what do you mean" Nagsimulang manlamig ang mga palad ko.

"Imposible he's dead! How could he—hmp!!" Nabitawan ko ang hawak kong phone ng bigla nalang may humablot sa akin. Nakaramdam ako nang kaba. Nagpupumiglas man ako sa mahigpit niya kapit subalit mas malakas siya kesa sa'kin , kusa nalang ako sumuko.

Kung minamalas ka nga naman. Dahan dahan nyang binaba ang pagkakatakip nya sa bibig ko.

"let me go!"singhal ko

"Masyado ka namang nagmamadali" nakaramdam ako ng takot dahil sa pamilyar niya boses. Napakuyom ang mga palad ko para kahit papano'y malabanan ko ang panginginig nang kalamnan ko.

"R-red?" Hindi pa tumuwid ang dila ko sa pagbigkas ng pangalan niya nang mapag-kumperma ko nga na siya si Red.

"Nanginginig ka ata sa takot?" nakaramdam ako ng hapdi sa akin tagiliran dahil hindi ko man lang napansing may nakatutok na pala sa akin arrgghh

"A-anong kailangan mo sa akin" pinilit kong itago ang panginginig nang boses ko subalit nabigo ako, narinig ko ang marahan niya pagtawa.

"Wala naman, kinakamusta lang naman kita matagal tagal nadin ng huling tayong magkita" Ramdam ko ang pag-ngisi nya kahit pa nasa likuran ko lang sya

"Oo hindi ko akalaing hanggang ngayon buhay pa ang demonyo" naglakas loob akong bigkasin ang nais kong iparating sakanya kahit para akong hihimatayin dahil sa nararamdaman kong kaba at takot.

"Ang isang tulad ko hindi namamatay dahil lang sa pagsabog" Wari bang pinagmamalaki pa nyang buhay sya. Masamang damo talaga. Huminga ako nang malalim.

"Ano ba talagang kailangan mo! Kung balak mong guluhin si Starly itigil mo na! tahimik na ang buhay nya at wag mo ng guluhin" pinilit ko ang akin sarili makawala sa hawak niya ngunit mas lalo lang nito idiniin ang nakatutok na balisong sa akin tagiliran.

"ahh" mahinang daiing ko

"Ano ako tanga? hangga't nabubuhay si Blaire hindi ako matatahimik hindi ko hahayaang maging masaya sya habang ako nagiging miserable ang buhay dahil sa kagagawan nya" dama ko ang galit sa tuno ng pananalita niya.

"Nasasaktan ako bitawan mo ko!" Shit! ang hapdi na pakiramdam ko bumaon na sa laman ko. Punyeta yong flawless kong skin bwesit wag lang talaga ako makawala dito mapapatay kita !!

"Wag kang mag-alala galos lang yan dahil sa susunod na pagkikita natin hindi ko na hahayaang humihinga ka pa dahil sisiguraduhin ko na magmamakaawa ang kaibigan mo na sya nalang ang unahin ko" walang ano ano'y binitawan nya ako napakapit ako sa pader dahil sa panghihina.

"Get ready, I'll provide my bullets" napaatras ako ng bigla nyang nilabas ang kanyang baril mula sa likod

"Pero hindi ngayon" nakangising saad nya nakahinga naman ako ng maluwag ng tinalikuran nya na ko.

"Shit!" mahina ako napadaing, napahawak ako sa tagiliran ko nang mapansin kong dumudugo na pala to. Sabi niya galos lang! Langyah malapit lapit na sa oragan to ah! Bwesit talaga ang hayop na yon.
Kahit nang hihina ay pinilit ko ang sarili kong maglakad.

"Maxine!" naanigan ko si  Stan nakangiting papalapit sa akin, biglang nawala ang nakangiti niya mga labi nang bumaba ang tingin niya sa tagiliran ko.

"What the! What happened! Who did this!"Halata ang gulat ang pag-aalala sa boses niya. Nagkit-balikat nalang ako ng mapansin nya ang galos ko.

"Naholdap ako" pagsisinungaling ko bumaba ulit ang tingin nya sa sugat ko na ngayon ay patuloy ang pagdugo nito dahilan nang pagkataranta nya.

"What the fuck! Dumudugo ang sugat mo dadalhin kita sa hospi-" hindi ko na sya pinatapos ng magsalita na ko.

"No need galos lang naman hindi ko to ikamamatay don't worr--oiy ano ba ibaba mo nga ko!!" langyang bakulaw to! Hindi ba siya nag-iisip napaka-ungentelman, Mas lalong kasi sumakit nung biglaan niya ko binuhat !

"Ibaba mo nga ko! Tangina naman eh"reklamo ko pero seryoso ang mukha ni mukong, hindi ko tuloy mapigilan ngumiti habang nakatitig sa mukha niya (hoy maxine! Wag landi inuuna) paninirmon nang kabilang utak ko tsss

"Shut up plat! Paano kong hindi lang yan ang natamo mo!" Singhal niya habang tumatakbo at mukhang hospital pa ang pagdadalhan niya sa akin dahil nagtungo pa siya sa parking lot

"Bwesit sa clinic mo ko dalhin!" Inis ko singhal may maliit na clinic malapit sa resort.

"Shu---"

"Isa!!!" Pagbabanta ko

"Tss Bakit ba umaalis ka ng mag isa lang !!!" napairap nalang ako sa inaasta nya sandali si Tala!?

"Si Tala nasan--"

"Pwede ba plat! isipin mo muna sarili mo bago ang ibang tao!!" natamimi nalang ako sa paninirmon nya problema nito. Bakit ba ang init ng ulo niya.

"Tinatanong ko kung-"

"Nahanp na sya, kaya wag mo nang isipin, ang isipin mo ngayon ay ang sarili mo" nakahinga naman ako nang maluwag wala sa sariling napayakap ako sa kanya. Kahit papano gumaan ang loob ko.

My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Where stories live. Discover now