CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind

Start from the beginning
                                    

"Angge? M-Mahal ko, *hik* ikaw yan?"

Nang makatapat na ako sa kanya ay halos manginig na ang mga tuhod ko sa sobrang panghihina sa mga titig niya.

Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Pogs ko."

Niyakap niya kaagad ako.

Rinig na rinig ko ang mga paghikbi niya at naaamoy ko ang alak na nasa katawan niya.

"Angeline." paulit ulit niyang banggit sa pangalan ko.

Sobrang bigat na ng yakap niya sa akin. Alam kong hindi na siya okay. Kailangang maialis ko siya sa lugar na ito ngayon.

"Pogs tara na? Uwi na tayo please?"
--------------------------
"SORRY Ge ha, naabala ka pa namin."

Nilingon ko naman si Ate Dhang habang abala ako sa pagsasalin ng malamig na tubig sa palanggana.

Bahagya naman akong ngumiti at iniabot niya sa akin ang bimpo na ipinapakuha ko.

"Ayos lang Ate Dhang. Sino pa bang gagawa nito para sa kanya kundi ako lang din talaga dapat." sagot ko.

Tumango siya bilang pag sang-ayon.

"Hindi mo siya matiis."

Ngumiti pa siya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako.

I shrugged, "Wala eh, ganoon talaga. Para ko na ring pinabayaan ang sarili ko kung papabayaan ko rin siya."

Nangako ako sa sarili ko na hindi ko siya pababayaan kahit pa anong mangyari.

Kumuha din ako ng isang basong tubig at iniabot kay Ate Dhang. Panigurado ay napagod din siya kakaawat kay Erik.

Mabuti na nga lang at hindi na ako nahirapan noong ako na mismo ang umaya sa kanya.

"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid ko 'no?" sabi nito at ibinaba ang baso at nagsimula na kaming lumakad papunta sa kwarto ni Erik sa taas ng bahay.

Ngumiti ako. "Hindi naman siguro mali yun diba?" I sighed, "Isa pa, ako naman ang hinahanap niya eh, kaya tama lang na nagpakita ako sa kanya."

Hindi naman yata talaga siya titigil hangga't hindi ako nakikita kanina.

"Mahal na mahal ka rin naman niyan, g*go siya pero mahal ka niya." sagot nito sa akin.

"G*go nga siya." pabiro kong sagot na ikinatawa ni Ate Dhang.

"Haay alam mo kitang kita ko kung paanong nahihirapan si Tenten sa sitwasyon niyo. Kahit naman ikaw, nakikita ko rin kung gaano kahirap para sayo kaya hindi ko kayo masisisi pareho. Pero gaya ng sabi mo, ikaw ang hinahanap niya kaya ibig sabihin, kayo lang din ang may kakayahang gumamot sa sakit na nararamdaman ng isa't isa."

Napayuko naman ako.

It breaks my heart seeing him in pain all because of me.

Kung nahihirapan ako, alam kong nahihirapan din siya.

"Ayaw na nga sana naming sabihin sayo. Ayaw naman namin na mastress ka pa at si baby kaso wala eh ang kulit talaga niyang tatay ng anak mo. Yan yata ang mas magpapasakit ng ulo mo balang araw." pagpapatuloy pa ni Ate Dhang sa pagsasalita

Napailing na lang ako.

"Sige Ate Dhang ako na munang bahala sa kanya. Uuwi na rin po ako pagkatapos."

"Sigurado ka? Di ba dapat magpahinga ka na? Ako nang bahala kay Ten. Umuwi ka na, makakasama yan sa bata kapag sobrang napagod ka."

Umiling ako, "Ayos pa naman ako. Tsaka uuwi rin po ako pagkatapos ko siyang asikasuhin."

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now