CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind

Magsimula sa umpisa
                                    

He looks so wasted.

Nakaupo siya sa tapat ng bar counter. May hawak pa siyang alak sa kaliwang kamay niya habang ang isa naman ay pilit na hinihila ni Ate Dhang.

"Baliw ka ba? Bakit ka namin iiwan dito e kulang na nga lang mamatay ka sa alak!" rinig ko ang naging pagsagot ni Ate Dhang

Pinili kong huminto sandali sa paglalapit sa kanya.

Pilit pa ring nagpupumiglas si Erik sa pagkakahawak ng kanyang kapatid.

"AYOKO NGA SABI DIBA?! *hik* PABAYAAN NIYO NA AKO, GUSTO KO NA LANG MAMATAY! T*NG&NANG BUHAY TO!" sigaw pa ni Erik

May ilang hindi na mapigilang hindi siya lingunin dahil sa inaakto niya. But he seems not to care at all.

"Ten naman, huwag kang mag eskandalo dito, nakakahiya oh! Maawa ka naman sa sarili mo!"

"Hindi kayo ang gusto kong makausap." umiling pa siya at humarap kay Ate Dhang, "Nasaan s-si Angeline, ilabas niyo siya! *hik* Ipakita niyo siya sa akin!"

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko dahil sa unti unting pagtulo ng mga luha ko.

Para siyang wala sa sarili niya. Nadudurog ang puso ko habang naririnig ko nang paulit ulit ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Para kang tanga. Lalo kang hindi babalikan ni Angeline kung nagkakaganyan ka!"

"Hindi niya naman na talaga ako babalikan. *hik* Ayaw niya na sa akin, hindi niya na ako mahal A-Ate!"

Tears started falling from his face. Gustong gusto ko siyang hawakan ngayon, yakapin at iparamdam sa kanya na nandito ako. Na gusto kong sabihin sa kanya na hindi totoo lahat nang iniisip niya.

Pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong mali na na gawin ko pa ito.

"Kaya sisirain mo ang buhay mo ha? Umayos ka nga!" ani Ate Dhang

"Mas dapat mong ayusin ang buhay mo ngayon Kuya, ako na ang nagsasabi sayo. Makinig ka naman kasi sa amin." sabi pa ni Ron

"Sira na talaga ang buhay ko. Wala nang kwenta tong t*ng&nang buhay na 'to." humarap siya kay Ate Dhang, "Ate please, gusto ko makita si Angge, please naman oh dalhin niyo siya sa akin! ATEEEE!!!"

I can see some eyes are now looking at him. Hindi ko lubos maisip na aabot siya sa ganito.

Kulang na lang ay lumuhod siya sa harap ni Ate Dhang sa pagmamakaawa.

"Tumigil ka na nga Ten! Walang silbi yang pagmamatigas mo pwede ba? Umuwi na tayo!"

"Kung hindi n-niyo siya dadalhin sa akin, umalis na kayo! Sinabi nang hindi ko *hik* kayo kailangan dito! Gusto ko lang naman si A-Angge... siya lang." unti unting humina ang tinig niya doon sa huling linya.

Pinanood ko pa rin siya. Hindi ko rin alam pero parang may kung anong pumipigil sa akin para lapitan siya.

"Oo, alam namin. Kaya tara na, Kuya umuwi na tayo, promise pupuntahan natin si Ate Angge bukas na bukas!"

Hindi ko siya kayang nakikitang nagkakaganyan.

"S-Siya lang ang *hik* kailangan ko, siya lang---"

"Pogs."

I saw how he was stopped the moment he heard my voice.

Maingay ang paligid pero para bang sobrang linaw ng sinabi ko para sa kanya.

He immediately looked at me. Mababanaag sa mata niya ang sakit at pagmamakaawa.

I can't even bear to see him pleading for anything.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon