EPILOGUE

19 0 0
                                    

Dear Iyjo,

Maybe by the time you received this letter, Nath is sending me off.

Iyjo, gusto Kong magpasalamat sa lahat. You became my escape. Alam ko kung anong balak mo sa akin noon, and I used you to divert my dark truth against me. I'm sorry, I let you fall I didn't mean for that to happen. Nagulat pa nga ako na naging genuine ang feelings mo sa akin despite knowing kung gaano ako ka-bruha. Salamat, dahil sayo naiba ang plano ko. I was suppose to die alone, made everyone hate me para madali para sa akin na iwan sila. Kasi you know, my parents loved me so much despite their busy working schedule they never fail to make me feel loved. High-school ako noon nang ipakilala sa akin si Nath. Love at first sight nga ako noon sa kanya. Tuwang tuwa ako ng sabihin sa akin na sa kanya ako ipapares dahil na kilala nila na mabait na tao si Nath. Ang cliche no? Fixed marriage turned into a love story. But that had to change, noong magcollege na ako. I started feeling weak every morning, nahihimatay ako at minsan ay hindi makalakad. Nasa library ako when I noticed my skin having rashes. Hiyang hiya ako kay Nath magpakita kaya hindi ko nasabi sa kanya na naghihinala ako sa kalusugan ko. I started sleeping in the guest room. I avoided him and he noticed it. It was the most stressful point of my life. Kasabay ng pag layo ng loob naming mag asawa ay ang resulta na may taning na ang buhay ko. I tried going to sessions para magamot ako pero walang nangyari. Kung saan saan na kami nagpunta pero pareho lang ang resulta ng gamutan sakin. Kaya itinigil ko at hindi na ako umasa. I made Nath hate me, I paid Dalia to date him at kalaunan ay nagustuhan ni Dalia ang asawa ko pero bumalik siya sakin. Bumabalik siya sakin at laging nagmamakaawa, Dalia's love for Nath became destructive for her. Ilang beses kong muntik tanggapin siya pero iniisip ko na mas okay na saktan ko na siya sa ganon paraan kaysa mas masaktab siya sa pagkawala ko... Pero dumating ka...

Youve seen through my facade.

Hindi ko akalain na sa katauhan mo, kahit ganon ang unang tungo mo sakin naka hanap ako ng kaibigan.

Iyjo, I love long walks. Kahit nagrereklamo ka na sa pagod. Sinus ulit ko lang dahil minsan nawalan ng pakiramdam ang mga binti ko. I realized, I've been taking my life for granted. So while I was bitching everyone I know, I am meeting new people.

And you were one of them.

I know you're always behind me. You've seen me shoving pain killers in my mouth. No one has ever seen me in that state. Kahit parents ko o si Nath. Thank you, iniisip ko noon kahit nagtatago ka at least may kasama ako kapag nanghihina na ako.

Ang funny ng buhay ano? Dalawa kayo ngayon sa islang ito pero wala naman mananalo sa inyo.

Huwag mo ako ng kalimutan ha Iyjo? Sa sandling panahon ay nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo sakin. Hindi ko man masuklian ay sana hindi pinagsisihan.

Be good Iyjo, your good karma is coming...

Thank you, goodbye,
Alyanna Eunice.

Maingat kong itinupi ang sulat ni Yua.  Ilang beses ko na itong nabasa, kaunti na nga lang ay ipapalaminate ko na dahil sa dalas ng pagbasa ko doon ay gusot na ito. Gusto ko lang itong dala lagi kaya Maingat ko lang na itinutupi at tinatabi sa wallet ko, sa likod ng picture namin ni Yua ko iyon iniipit

Matagal tagal na din ang nakalipas ng mawala siya. Tanda ko pa, pagkatapos ng huling module ng exam ay naka abang si Nath sa labas ng Gate ng unibersidad.

Mabagal at mabigat ang paa kong lumapit kay Nath. Naka tayo lang siya doon at nakatingin sa akin.

Paglapit ko sa kanya ay siyang abot niya sa akin ng puting sobre.

I noticed his eye were red. Tinitignan ko siyang mabuti nang biglang manghina ang tuhod ko. Agad along bumawi at inayos ang pagkakatayo saka ko kinuha ang sobre.

"si... Si y-yua b-ba?" nanginginig ako dahil alam ko na kung anong isasagot niya

"ipinaabot niya sakin yan para ibigay sayo" huminga siya ng malalim saka nagpa tuloy magsalita
"N-nasa St. John C-Chapel na ang..... Katawan niya"

Hindi ako nagsalita, kahit si Nath ay na tahimik. Walang kumikilos sa amin na para bang tumigil ang oras sa amin dalawa lang.

"Iyjo, gusto kong pasalamatan ka... Sa mga ginawa mo.. Sa asawa ko." basag niya sa katahimikan

Tinanguan ko lang siya dahil hindi pa din ako makabalik sa pagkakatigil ng oras ko.

Di ko namalayan na nakasakay na siya sa kotse at nakaalis na. Nanatili ako doon habang bumabalik sakin ang nakangiting mukha ni Alyanna Eunice sakin noong paalis ako ng Borawan.

Nadurog ang puso ko, iyon na pala ang huling kita namin.

Nakapasa ako sa exam, agad nagtrabaho para mabunton doon ang pagluluksa ko.

Si Nath ay nagiikot sa mundo kasama ang munting abo ni Yua. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ng maiwan ko sila noon pero di ako nagsisisi na ipinaubaya ko ang panahon na iyon sa kanila.

After all, si Nathaniel ang mahal niya. Siya ang dapat kasama niya sa huling sandali.

Masaya naman na ako, tanggap ko na ang pagkawala niya pero si Nath siguro ay hindi pa kayang bitawan Di Yua. Sa pagkakaalam ko nasa Korea naman siya ngayon.

Si Dalia naman ay hindi ko na mulling sinuyo at tumigil na din siyang umasa kay Nath. Nasa Cebu na siya ngayon kasama ang asawa at ang sanggol nila. Masaya ako sa naging ending niya.

Natawa ako, inabot ko ang lata ng beer at inubos ang natitira doon. Andito ako sa tagaytay, tumigil ako sa gilid para pagmasdan ang taal volcano. May bakas pa din ng mga abo ang paligid pero kalmado na ang lahat maging ang bulkan.

"kamusta ka na Alyanna? Busy ka kakabantay kay Nathaniel ano? Wag Kang maalala hindi pa din nakakamove on sayo yon." tinawanan ko ang langit

Hindi ko na hihilingin na sana tayo sa susunod natin mga buhay dahil alam kong naghihintay ka kay Nathaniel. Pero kung sakali, susubukan ko din.

Wrecking Ball-OreoPepperWhere stories live. Discover now