EIGHT

39 2 0
                                    

DAY 50

November 2, 2013

Let's just conclude that I kind of like her? Yung friendly feelings lang since I spent almost a month of my life with her, siguro I developed a friendly attraction with Yua.

Para kasi kaming nasa showbiz eh. Sa campus, hindi kami nagkikibuan, hindi kami nagdidikit. Siya naman ang nag-initiate, alam na niya siguro ang mga baliota sa sites. Nagkikita na lang kami minsan kapag tinatawagan niya ako at dadaragin sa kung saan saan. Minsan niyaya ko naman siya, katulad nung una na bored na bored ako sa subject ko kaya nagcut na ako at siya ang tinawagan ko, nagkataon na wala siyang pasok kaya pumayag agad.

Pero ayaw niya na sinusundo ko siya, lagi na lang kami nagkikita, iiwan ang kotse na isa sa parking lot at babalikan din kapag uuwi na.

"Wala tayong review today class, you can go" anunsyo ng prof ko sa Hydraulics.

Naisipan ko agad na yayain si Yua mag-EK, bumili kasi ako nungmay magalok sa akin na kaklase. Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Tatlong beses akong tumatawag habang naglakad papunta sa parking lot pero hindi niya ata naririnig ang phone niya. May pasok ba siya ngayon?

Bubuksan ko na sana ang pinto ng otse ko ng dumaan sa harap ko ang nagmamadaling si Nath.

"Fck! Oo yaya pauwi na ako! Sigurado ka bang ayaw niya magpaospital?! Ang tigas ng ulo!" sigaw nito sa kausap sa telepono.

"Sinong dadalhinsa ospital?" tanong ko, baka kasi si Dalia yun, kakakita ko lang sa kanya sa library eh baka may nangyaring masama sa kanya doon.

Kumunot ang noo niya at hindi ako sinagot. Bastos! Suntukin ko mukha nito eh!

He droved fast na parang may mamamatay.

Dahil hindi ko mahagilap ang gala buddy ko, Umuwi na ako at tumihaya sa kama ko. Disappointed ata ako ngayon. Sayang yung ticket eh, di bale, yayain ko na lang siya next time.

Yua, got EK tickets, wanna go?

SEND.

Hininta ko siyang magreply pero inabot na ako ng hapunan wala pa rin akong naririsib na kahit ano mula sa kanya. What happened to her?

Wrecking Ball-OreoPepperWhere stories live. Discover now