SEVEN

41 2 0
                                    

I UPLOADED CHAPTER 5 AND 6 BEFORE THIS. CHECK FIRST :))

LAST UPDATE FOR TONIGHT!

DAY 48

October 31, 2013

"Anong ginagawa mo Iyjo?" seryosong tanong sa akin ni Dalia

"Dalia, she's…she's kinda nice you know, kung makikilala mo lang si Alyanna---"

"Are you forgetting something Iyjo? Si Yua yon, kahit tawagin mo pa siyang Alyanna o Eunice, she's still Yua, the one who keep on hurting me. Did you watch the video?"

Yes, I did. Viral ang video na yon sa buong website ng campus at kahit sa mga social networking sites. Kung saan may isang anonymous student ang nagvideo kung paano inaway ni Yua si Dalia, sinigawan, tinapunan ng spaghetti at sinampal ng pera. Pero…pero parang wala akong makapang galit kay Yua. Lagi na kasi kaming magkasama since nung birthday niya. We enjoyed going to places na nakakarelax, I'm enjoying her company too.

 "I'm sorry Dalia, I must be out of my mind lately, alam mo naman na maawain ako eh"

But still, I love my Dalia and Yua's hurting her.

Ngumiti na din sa wakas si Dalia, yung dating ngiti na inaabangan ko sa kanya dati yung ussual niyang ngiti. Si Yua kapag ngumingiti, gumagaan ang paligid. Ang ginhawa sa pakiramdam ng mga ngiti niya.

"It's good na may issue na sa inyo sa iba't ibang sites. Though medyo nalulungkot ako sa mga feedbacks at mga sinasabi nila sayo"

The Rebound Guy, The fcker, at iba pang masasakit na titolo na nagsasabing I'm Yua's new boy toy at sex buddy. May mga blogs saying na nakikita nila kami ni Yua almost everyday sa iba't ibang lugar, araw araw daw kami may session. Natatawa ako sa mga balitang yon. If only they knew na puro paglalaro at pagkukwentuhan lang ang ginagawa namin.

"I better get going Iyjo, tumatawag na si Nath, see you around"

"sige"

Bakit hindi ako nagselos? Si Nath yon, yung nagmamay-ari na kay Dalia ko. Bakit hindi ako nakaramdam ng sakit nung sinabi niya iyon? Nainsulto lang ako?

"HOY PANGET!" kumunot agad ang noo ko at sinugod siya para ihilamos sa mukha niya ang palad ko.

"AYYY! Badtrip naman oh! Nageffort ako sa eyeliner ko! Buset!" sabay kurot sa tagiliran ko na natuklasan niya na malakas ang kiliti ko.

"Oh bat nandito ka na naman sa building namen?" tanong ko

Bumelat siya at inabayan ako saka itinapat sa mukha ko ang isang card na may nakalagay na "e-plus"

"tara movie?" then she smiled, tae na-ha-high ata ako.

"Dati talaga hindi ako nakakatagal sa kotse ng tatlong oras! Nung bata pa ako madalas talaga ako nagsusuka kapag babiyahe kami! Kaya hindi ako nagaayos kapag alam kong malayo ang biyahe namin, nagbabaon na langh ako ng extra na damit skaa bimpo at toothbrush! Hahaha! Kasi ang baho sa bibig kapag nagsusuka! Then when I turned 18 nagkkotse na ako, natuto na ako na matolerate ung motion sickness ko pero kapag matagal na masyado I open the windows na lang hahha! Kaya kapag nagala tayo lagging nakabukas ang window ko! Hahaha! Tipid diba!?" pagkukwento ni Yua habang nanunuod kami ng movie.

Ang daldal niya! Isa pa yan sa mga natuklasan kong ugali niya. wala siyang preno sa mga kwento niya kahit nanunuod kami ng movie walang paawat! Buti malayo kami sa ibang naunuod kundi mapapagalitan tong babaeng to sa kadaldlan.

"kaya pala lagging kotse ko dinadala natin! Para saksakyan ko yung magamoy usok at polusyon! Napaka mo talagang bata ka!" impit ko siyang pinisil sa tenga dahil doon ang kiliti niya, ang babaeng ito naman tumawa ng malakas kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.

Wrong move ba ito o tama? Dahil masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa.

Mali ba ito dahil may rumagasang riot sa dibdib ko o tama dahil ito ang nasa plano?

Wrecking Ball-OreoPepperWo Geschichten leben. Entdecke jetzt