Chapter 26- Memorable Date Part 2

1.7K 33 5
                                    

"ayoko nga sabi sa zoo eh!!!"

Napahinto kami sa harap ng front door ng zoo dito sa loob ng park. Sigaw kasi nang sigaw si micko.

"ayoko sa zoo. Please, i can ride extreme rides if you want but not this one. I can't enter the zoo. " pakiusap ni micko.

Isa pa sa nakapagtataka, bakit ayaw niyang pumasok. Samantalang ang daming natutuwa sa zoo. Sa itsura niya parang papasok kami sa horror house eh.

"please wag na tayong tumuloy sa loob." (~-~)

Nakakainis, nasasayang yung oras kakadrama ni micko. Hay naku, killjoy niya ah.

"Ina, wag na tayong pumasok sa zoo. Maghanap nalang tayo ng --- aray!!!" tae, ang sakit ah. Inapakan ako ni ina sa paa at binulungan.

"halika nga muna." kinaladkad niya ako papunta sa sulok na wala si micko. "baliw ka ba, dapat pinipilit mo siyang pumasok. Bahagi yon ng plano."

"plano? Dito sa loob ng zoo?"

"yup. Takot si micko sa ahas kaya ayaw niyang pumasok diyan. May Ophidiophobia siya."

"huh? Pano mo nalaman yan?"

"ginamit ko ang appeal ko. Haha, nagrent ako ng tao na pwede mag-imbestiga kay micko. at marami akong nalaman na mga hates and likes nya at iyon ang gagamitin ntin sa plano. hahaha."

"ang brutal mo talaga." sabi ko.

"aba mas brutal naman siya. Two timer siya diba?? Hala, tara na nga at baka makahalata na yong lalaki na yon."

Bumalik na rin kami kay micko. "kung ayaw mo sumama edi maiwan ka diyan sa labas at hintayin mo kami ni ina makalabas." sabi ko with matching taas ng kilay.

Bigla siyang tumingin sa akon at umiling siya ng sunud sunod. "HINDI!! Kelangan magkasama tayo palagi. Date natin to diba??"

"eh ang kulit mo rin pala ano?? Ayaw mong pumasok pero gusto mong magkasama tayo. Ano ka ba micko?"

Tumayo siya ng diretso at lumunok. "okey, sasama na ako."

"huh??"

"sasama na ako para sayo. Kahit ayaw ko pumasok, papasok ako para makasama ka. Oh ayos na ba yon??" sabay kindat niya sakin.

Napakapit ako sa braso ni Ina, muntik na kasi akong manghina. Malay ko ba na kaya niyang gawin yon??

"what are we waiting for?? Come on!!" sigaw ni Ina sabay hila sakin papasok. Naramdaman kong naglakad na rin si micko. Nagbayad na kami ng entrance fee sa zoo. Andami naming nakitang mga animals. Picture pa nga kami ng picture ni ina. Si micko, hindi siya lumalayo pero nakikita kong ang layo niya dun sa mga salamin ng kulungan ng mga animals.

"okey reptile section na. Tara!!"

Biglang nanigas na parang tuko si micko sa kinatatayuan niya. Pano ba naman takot nga siya sa ahas diba?? 

"osige dito ka na micko, huwag ka ng pumasok." siniko na naman ako ni ina. Hindi ko na siya pinansin ay pinagpatuloy ko yung sinasabi ko. "hindi mo kelangang ipilit ang isang bagay na hindi mo naman talaga ginagawa para paboran ako. Okey lang sakin kahit takot ka sa ahas." (^-^)

"huh?? Pano mo nalaman na takot ako sa ahas??" dun ko biglang narealize kung ano yung pinagsasabi ko.

Tumawa ako ng malakas, "eh kasi diba, ayaw mo ngang pumasok so ayun parang naisip ko na ganun nga. Bat ba ang dami mong tanong??"

"kaya lang. Baka maturn off ka na sa akin?"

(0-0) lumaki na naman po ang aking mga mata. "anong turn off pinagsasabi mo ah??"

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon