Chapter 40: First Fight

1.4K 29 0
                                    

Tine's POV
"Ano bang pinagsasabi mo, Micko?" Mahinahon pa boses ko. Kausap ko siya sa phone.

"Tutal naman may ginagawa ka diyan so hindi na kita guguluhin." Rinig na rinig mo sa tono siya na sarcastic yung gusto niyang ipahiwatig.

"Ang sabi ko sa'yo hintayin mo lang ako." Isa-isa yung pagbanggit ko ng mga salita para mas lalo niyang maintindihan.

"Hindi na. Tutal naman may practice ako ng badminton ngayon." napakatipid ng mga sinasabi niya. Nakakainis.

At kailan pa siya naging sporty? Hindi niya kinukwento sa akin na nag-babadminton na pala siya.

"Okay." Iyon lang sinabi ko. Naiirita na ako sa tono ng pagsagot niya kaya ginaya ko lang siya.

"Okay?!! Hindi ka talaga pupunta?!" Nakasigaw na siya at tumatawa pa siya.

Ako lang ba may kasalanan? Late din siya.

"Sabi mo hindi na." Naririnig ko yung singhap niya sa phone. At lalo akong naiinis.

"Tine, hindi lang ako nandoon marami kaming natanggap sa badminton club na yon."

Wow. So tanggap na pala siya. Hindi audition o screening. Tanggap na pero di ko alam.

"Edi tumuloy ka. Di ba gusto mo. Wag mo na akong hintayin hindi na ako pupunta." Binabaan ko siya.

At ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin siya tumatawag.

Okay. Naiinis na talaga ako.

Umupo si Allan. Sabi niya medyo malakas na daw siya.

"Dang, sorry talaga. Bakit hindi ka nalang pumunta sa school?" kanina niya pa ako pinapaalis. Hindi lang ako umaalis dahil wala naman na akong lakad.

Napansin niya atang hindi pa rin ako umiimik.

"Saan nga ulit pupunta si Micko?" kumakain siya ng sopas habang abala sa pakikipag-usap sa akin.

Nangamot ako ng ulo. "Sabi niya magbabadminton daw siya sa school." Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko. Syempre umaasa pa rin na may tatawag kahit na wala.

Tumango siya. "Ahh oo... Biglaang tournament yun, Dang. Ang alam ko appointed players ata ang kasali para lumaban sa ibang schools. Syempre yung iba nirequest ng mga professors ng PE. Tapos yung iba ata galing sa student council. Wala na kasing mapili kaya---"

Napatayo ako. "Student council??!!"

Muntik na niyang makabig yung mangkok niya ng sopas dahil nagulat siya. "Nakakagulat ka, Dang. Oo. Oo."

Kinuha ko yung bag ko at sinukbit ko iyon. "Okay ka naman na diba?"

Nag-thumbs up siya. "Oo naman. Bakit ano bang meron?"

Palabas na ako nang pinto. "Si Amanda!!" Nagmadali akong tumakbo palabas ng bahay ni Allan.

At hindi pa siya nagsabi kung sino ang kasama niya. Malapit na ako sa sakayan ng jeep nang napahinto ako.

Okay lang ba? Na tumuloy ako?

Inaway ko na kasi siya kanina. Tapos pupuntahan ko siya?

Tumalikod ako at naglakad pabalik.

Ano naman? Boyfriend ko naman siya.

Humarap ako ulit at naglakad para pumara ng jeep.

Micko's POV

Nakakaasar talaga.
May napag-usapan na kami tapos ganito na naman siya.

"Pare. Akala ko hindi ka makakarating." Nilapag ko ang bag ko sa isang mahabang upuan sa locker room.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon