Chapter 1- Meeting that damn guy

7.3K 112 2
  • Dedicated kay sa lahat ng nagfan at magfafan :)
                                    


"Hi Miss Beautiful. Pwedeng makipagkilala?"


Hay naku!

Sa araw-araw ba na ginawa ng Diyos itong mga lalaki pa ring mga ito ang mabubungaran ko pagkalabas na pagkalabas ko ng aking apartment.

Kung pwede nga lang walang mga lalaki sa mundo eh.

Ano ba namang magagawa ko? Eh itong lugar namin halos magpalitan na ang mga mukha namin dahil magkakatabi lang ang mga bahay dito.

Tipikal na Filipino community.

"Manong. Ano ba naman hong tanong yan? Matagal niyo na ho akong kilala, tingnan niyo ho magkapit-bahay lang tayo?" Kaasar. Ano bang problema ng mga lalaking ito. Ang hina. Hayyss.

Pansin na pansin ko ang pananahimik ng matanda dahil sa sinabi ko. Eh wala akong magagawa doon kinausap nila ako alam naman nilang ang init ng dugo ko sa mga lalaki.

Kumaripas nalang ako ng takbo at iniwan kong nangangamot ng ulo si Manong dahil hindi ako pwedeng mahuli sa unang klase ko sa semester na ito.

Nagulat ako sa pagkahaba-habang pila ng mga taong sasakay ng bus. Bus kasi ang sinasakyan ko papasok at hindi ko naisip na kailangan ko palang umalis ng maaga dahil marami ang sasakay ng bus sa station na iyon dahil sarado ang kabilang station.



"Patay. Kailangan kong maghintay ngayon. Paniguradong yari na naman ako nito. Pahamak naman kasing mga konduktor yan ang babagal kumilos parang mga bakla palibhasa'y mga lalaki. Banas!" Gusto kong isigaw yan kaya lang pinigilan ko sarili ko. Sa utak ko lang nagplay yan.


Asar na asar na talaga ako ng mga sandaling iyon lahat na ata ng pwedeng masisi sa mga lalaki noong araw na iyon ay nagawa ko na. Wala akong magagawa dahil totoo namang ang bagal nilang gumalaw.


Sa wakas nakarating na rin ako sa labas ng aming silid-aralan. Nakita ko na si Ms. Pandoy sa harap maswerte din naman ako dahil mabait siya.


"Good Morning Mam. Sorry I'm Late." Sabi ko habang hinihingal.

"Pumasok ka na. Doon ka nalang umupo sa dulo dahil puno na sa harap."

Dali-dali na akong humakbang papuntang likuran.

Sila pa rin pala ang mga kaklase ko noon na hindi ko man lang kinibo kahit minsan. Nang makarating ako sa likuran ay hindi ko makilala ang mga tao sa klasrum. Siguro'y napunta ako sa mga irregular students.


Dahil no choice ako, ay umupo na rin ako sa isang upuang malapit sa isang nilalang na natutulog at gulo-gulo ang buhok.

Hindi ko gusto ang amoy niya, amoy lalaki.

Dahan-dahan kong iniikot ang ulo ko. OMG! Tama ang hinala ko isa itong pugito.

Guman lahat ng senses ko ng mga sandaling iyon. Parang sasabog ako dahil napakalapit namin sa isa't-isa.

Binalik ko nalang ang tingin ko kay Ms. Pandoy nang biglang marinig ko ang usapan ng dalawang irregular students na babae. Nagbubulungan sila.


"Gosh! What did you say? Nandito lang si Micko baby sa room natin?" sabi nang babaeng mahaba ang baba. Hindi ko siya kilala kaya ayon lang description ko.

" Absolutely. Di ba ang swerte natin kasi makikita natin ang kanyang mga ngiting nakakatunaw." Sagot naman ng isang babaeng halos maghubad na sa kanyang suot na damit.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon