Chapter 9- February Worry

2.6K 49 1
                                    

Marami na talagang nagbago sa aking buhay.

Simula ng makilala ko ang malansang pugitong iyon ay nagtuluy-tuloy na ang mga kamalasan sa aking simpleng buhay.

Naglalakad ako sa hallway at napahinto ako nang may sumabit na kung ano sa aking buhok. Tiningnan ko iyon, Lang hiya! may sumabit na papel na kulay pula na hugis puso sa aking magandang buhok. Tumingala ako at nagulat ako sa aking mga nakita. Punung-puno ang hallway ng mga pusong kung saan-saan nakasabit. Hindi na ako nagtaka, buwan na pala  ngayon ng mga puso.

Bukod sa pagiging man-hater ay isa rin akong heart’s day hater. Naiinis kasi ako sa mga couples na masasaya, hindi sa naiinggit ako ah, ayaw ko lang talaga nakakakita ng mga happy partners. Selfish ako minsan ayaw kong masaya sila samantalang ako nag-eemote sa isang tabi.

“Tara! Tingnan na natin yung mga nakapost dun sa bulletin board. Dali na! Marami nga kasing mga announcements.” Hala, hindi magkandaugaga ang dalawang babae papunta sa aming pinakamalaking bulletin board sa aming building.

Hindi na ako nag-atubili pang tumingin. Hindi na rin ako magtataka kung lahat man ng mga babae ay pumunta rin doon. Asus! Sawa na ako sa mga ganyang pakulo. Nung nasa highschool pa ako ang dami ding pakulo ng school namin. Puro kaartehan at  baka ganun din dito, lahat naman ata eh.

Pumasok na ako sa room at umupo nang dahan-dahan. Tulog si Micko, kelangan kong mag-ingat para hindi ito magising. Wala pa akong mukhang ihaharap sa lalaking iyon. Matapos ang nangyari sa amin doon sa iskinita. No way! Hindi ko na dapat pang isipin iyon!

“Hi guys, Good Morning!” Bati ni Ms. Pandoy ang aming guro sa Research Class at adviser na rin namin.

“Good Morning Mam!” Sigaw na sabay-sabay namin sa aming mam. Naramdaman kong gumalaw si Micko, nagulat siguro ito sa sigaw namin.

“As far as I know, alam niyo na siguro ang mga ia-announce ko hindi ba? Pero para sa mga hindi pa nakakaalam at walang balak alamin, I will explain it. February 14 is coming so merong pakulong inihain ang ating paaralan, we will going to have a ball. A “February Ball” kung saan ice-celebrate natin ang Valentines Day with love and passion. Di ba ang saya?!” she yelled.

Naghiyawan naman ang aking mga kaklase napapansin ko ngang ako lang ang hindi masaya sa kanilang lahat, sige ako na ang KJ. Pati nga si Micko ay nakikihiyaw rin.

“Oh silence kids! Ssshhh! Okay, so this February ball is not an ordinary kind of celebration. The coordinator of the party made a twist, hindi pwedeng lalaki ang magyaya sa mga girls so ibig sabihin all the mouth of the boys should be shut or else he will receive a big punishment. Pero ang mas masaya, girls lang ang dapat na magyaya sa mga fafa.She said with a playful smile.

Naghiyawan na naman ang mga kaklase ko. Tuwang-tuwa talaga ang mga ito, ano naman bang  dapat ikatuwa sa balitang iyon? Bahala kayo kung gusto niyong magpauto diyan kay Mam, basta ako I will spend my time reading books ‘cause going to a party like that is a big waste of my precious time.

“Opps guys hindi pa ako tapos magsalita. We decided to make it a dare! Kung sinong hindi makakahanap ng isang lalaking makakapartner niya sa darating na ball will receive a very unique punishment. Lilibutin niya lang naman ang buong campus!” she added.

Aba’y kayang-kaya ko naman pala ang punishment. Ayos lang na hindi tumupad.

“Ng nakahubad!” she yelled and started to give us her most devilish laugh.

Nanlaki ang aking mga mata. I can’t believe it! Kasabay nang pagdadalamhati ko ang pagdagundong ng hiyawan ng mga bastos kong kaklase. Oo nae-enjoy nila ang mga happenings especially that lady sitting in front of our class, our very own beloved teacher.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon