Chapter 1: The Intro

6 0 0
                                        


08/14/2015

Dear Fudgenuggets,

Ito ang una kong pagsulat sa 'yo at, dahil masyadong boring kung tatawagin kitang Diary, Fudgenuggets na lang ang itatawag ko sa 'yo. Fudge dahil gusto ko ng hot fudge sundae at chicken nuggets kaya Fudgenuggets. Hahaha. Ang corny shete.

Susulat ako sa 'yo hindi dahil gusto ko kundi dahil obligado akong sulatan ka. Utos sa amin 'yon ni Sir Castro. Oo, literature teacher namin 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagpapasulat ng ganito sa estudyante niya eh sabi ng mga sophomore, hindi naman raw niya binabasa. Lalagyan niya lang ng check tapos ayon na 'yon. Oo, tama. Ibig sabihin, ginawa na niyang tradisyon ang magpasulat ng diary sa mga estudyante niya. Walang nakakaalam kung paano niya binibigyan ng grade 'yong mga sinusulat namin. Sabi swertehan lang daw kung uno o singko ang makukuha mo rito. Basta ang tip, mahaba dapat para kunyari nag-effort kang magsulat. Magagalit kaya siya kung tatadtarin kita ng song lyrics galing sa songhits?'Yong may libreng chords pa?

Anyways, alam mo ba na una kong pasok rito sa school. Maluwang pala. Katunayan, pinilit lang talaga ako nila mama na dito mag-enrol. More chances of landing a good job after college raw. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasa rito eh sh-in-otgun ko lang naman halos lahat ng items sa entrance exam. Siguro meant to be? Ha, ewan. Basta nandito na ako.

Nakakita ako ng pogi kanina. I mean... liga ng mga pogi. Oo, madami sila. May tatlo sa gymnasium kanina na naglalakad, parang sa F4 tas isa sa library. Mayroon din sa mga tambayan sa puno-puno tsaka doon sa canteen. Grabe, busog na busog 'yong mata ko kanina. Oh siya. Tama na to. siguro naman oks na to kay Sir Castro. Susulat ulit ako sa 'yo bukas huwag kang mag-alala. Everyday akong susulat dito para masaya. Char.


-LIA

Lia's DiaryWhere stories live. Discover now