Episode 3

15K 685 452
                                    

BTSEp3

For the whole drive, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mapangiti. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong nag-peke ng ubo.

Nakalagulantang naman kasi talaga ng mundo itong ginagawa niya!

Imagine, sa Pasay pa iyong condo niya! It was a few hours drive from my unit.

So, what's with him?

Bakit biglang ang bait niya sa akin? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Epekto ba 'to ng alak na nilaklak niya kagabi? May gayuma ko ba iyon?

Teka nga, ang gulo na!

Noong muli kong idinako ang tingin kay Liv ay tahimik siyang nag-da-drive. His lips is naturally pouty and his thick eye brows are on it's usual knit. Noong makita kong nag-taas baba iyong adam's apple niya ay napangiti na naman ako. Agad kong sinundan iyon ng pekeng ubo dahil bigla siyang lumingon sa akin!

"You okay?" He gave me a glance. Hindi na niya inalis pa ang tingin sa kalsada.

I nod at him. "Yes . . ."

"If you're not, I can stop the car and buy you some meds." He gave me a glance again at gusto ko na lang lumabas ng kotse. Doon ko planong magwala dahil sa kilig!

I tried hard to calm down. "No, I am okay." Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko maiwasan ang mapangiti.

"You're smiling."

"Masama?" Nagpipigil pa rin ako ng ngiti.

"Yeah, lalo na kung walang dahilan."

Aba, sumasagot na siya nang pabalang ngayon?!

Napanguso na lang ako then I discreetly murmur whatnots just to mock him. Mabuti na lang at hindi niya iyon pinansin dahil napuno na naman kami ng katahimikan.

Ang awkward nito.

Sobra.

Iyong tipong ako 'yung nahihiya sa katahimikan kasi feeling ko, ako ang dapat mag-insist ng talk between us? Kasi bakit? Kasi ako iyong mas nag-eenjoy dito? Ako iyong tuwang-tuwa?

Lechugas!

Muli kong ibinaling ang tingin sa kanya. "Pwede bang mag-patugtog ng music?"

Nakakahiya naman talaga! Ako iyong may ari ng sasakyan tapos ako itong nagpapaalam sa kanya!

"It's your car. Don't ask for my permission."

Nga naman.

In-on ko na iyong sterio at matapos noon ay tumugtog iyong isa sa mga pinakapaborito kong kanta. Ours by Taylor Swift.

Umupo ako nang maayos. Nakangiti, tinry kong hindi sumabay sa kanta kasi alam ko namang sintunado ako. Baka masipa pa ko ni Liv papalabas ng kotse ko.

Elevator buttons and morning air.
Strangers silence makes me want to take the stairs.

"Ang ganda talaga ng mga kanta ni Taylor, no?" I said with my tapon-pride-way of insisting a talk with him. Minsan lang siyang maging ganito sa akin, bakit hindi ko pa sulitin?

Behind The Spotlight (Published Under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon