I smiled weakly. “It's okay Justine, hayaan mo nalang. Tyaka totoo naman e, hindi niya naman ako mahal. Just.. just shoot me.”

Sinunggaban ni Kuya Ash si Justine kaya napahiga silang dalawa sa damuhan ng playground. Nagsimula magsuntukan ang dalawa kaya't napasigaw ako, damn it! Umatras ako at luminga-linga, kailangan nila ng tulong! Kailangan namin ng tulong! Sigurado akong papatayin ni Kuya Ash si Justine kapag napuno iyon! Bigo akong nakahanap ng taong tutulong sa amin, hindi ko kasama ang aking cellphone ngayon dahil naiwan ko ito sa bahay. Itinaas ko ang aking ulo, napatingin ako sa kalangitan. What should i do know?

“HAAA!”

“Let go of me! Assholes!”

A warm hug embraced my whole body. Nasundan ito ng malakas na pag-iyak. Nang mapagtanto kong niyayakap ako ni Manry ay wala sa sarili ko din siyang niyakap pabalik. Ang mga iyak niya ay mas malakas pa sa mga iyak na nagawa ko kanina. Hinanap ng aking mata si Kuya Ash. Where is he? Where is—

“Should i call the police, Travosco?” si Mark iyon, ang taong may hawak ni Justine na ngayon ay tulog na tulog. Ngumisi siya ng nakakaloko at kumidhat pa sa direksyon ko! How did they know—

Kuya Ash shook his head and started to walk away. “Nah, too cheap. Umuwi na kayo.”

Ang huling bagay na aking narinig bago nawala ang aking paningin ay ang paghalakhak ni Mark at hagulhol ni Manry. Pakiramdam ko ay parang binalian ako ng braso sa pagkakahawak ni Justine kanina. Gusto ko tuloy.. matulog..

NANG magising ako ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na iyon. White ceilings, lights, and the smell of medicine. Wait! Kaagad akong bumangon sa kamang aking hinihingaan nang mapagtanto kong nasa ospital ako. No! Dapat ay hindi ako nandito! Alam nilang lahat na ayaw na ayaw ko sa mga ospital!

“Darling, just lay down.. nakakasama ‘yan lalo na't pagod ka pa.”

A hand tried to make me stay still. Nataman ko itong tinignan, and it's my Papa! Lumabo ang aking mga mata, napupuno na ito ng mga luha. Nang bumuhos ito ay kaagad kong niyakap ang aking ama.

“Papa! Someone.. someone t-tried to—”

I heard him hushed. “You're safe now, my little darling. Wala nang ibang tao makakapag-banta ulit ng buhay mo, okay? Papa is here, hindi na ako aalis, hm?”

Mas lalo pa akong umiyak. Naalala ko na naman ang mga narinig ko mula kila Justine at Kuya Ash. Ouch! It stung like a bee! A picture of a gun and sound of it flashed on my mind. No! No! Baka hindi pa ako ligtas! Baka may sumunod pang dumating at pagtangkaan ulit ang buhay ko!

"And about that incident.." narinig ko siyang nagpakawala ng buntong hininga. “kung ano man ang sinabi ng lalaking ‘yon sa’yo, it's not true.”

“Your mom, tito Alexandre, tita Lexie and i tried to warn them. As the head of the construction site, Alexandre and i asked the manager of that certain company to check everything, including their vehicles and equipments. Hindi kami nagtra-trabaho hangga't hindi namin na sisiguro na walang sira o kulang ang mga kagamitan. Nang sumunod na araw, sinabi ng manager na sira ang break ng truck na ‘yon, we asked the workers to transfer to another vehicle, pero ang sabi nila ay ang haba na ng oras na inilaan nila para ikarga ang mga kagamitan, kaya't okay lang daw.”

“We tried once again, darling.” my Papa chuckled. “Pero sadyang nakakapanghinayang ang pagiging matigas ng ulo nila, hinarangan namin ang truck, kasama na si Ash Drix. Pero iniliko nila iyon sa ibang direksyon, dire-diretso ang pagpapatakbo nila kahit alam nilang sira ang break ‘nun.. and we can't do anything about it.”

I sighed. That Justine was a liar! His heart is full of hatred and anger! Galit na galit siya sa pamilya namin, e hindi niya naman alam ang totoong istorya! He almost shoot me for wrong revenge! Pinaglalaban niya ang maling bagay! Argh! Sarap niyang balatan ng buhay at ibabad sa asin ng ilang taon!

“Huli na ng nalaman naming tinangay nilang lahat ang budget para sa bagong vehicles at equipments nila.. See, my daughter? Karma is a bitch.”

Totoo nga ang bagay na sinasabi ng lahat. Kapag nabulag ka ng galit, wala ka nang ibang makikita kung ‘di ang kamalian ng iba, at ang mga kakulangan nila. Walang ibang lunas ang pagiging bulag (sa paghihiganti) kung ‘di ang gawin nila ang mga bagay na hindi dapat nila gawin. Kung ganoon ay nilalagay na nila sa kanilang mga kamay ang batas, which is wrong. As my Papa said, karma is really a bitch. May ibang karma na umaabot ng taon, pero ang nangyari sa mga magnanakaw na iyon ay agad-agarang karma. First, for setting up our family na sila ang may pasimuno ng lahat. Second is for stealing the money from their company.

I mean no harm. Hindi ko hiniling at never kong hihilingin na mangyari iyon sa kanila. Masama ang humiling ng masasamang bagay na mangyari para sa ibang tao. Pero sila ang pumipili ng landas na tatahakin nila, desisyon nila ‘yon, hindi ‘yun desisyon ng pamilya ko o ako. Kung mahal nila ang pamilya nila, bakit pa kaya nila magagawa iyon?

Bigla kong naalala ang sagot ni Kuya Ash. Ano kayang nasa isip niya sa oras na iyon at nasagot niya kay Justine na hindi niya ako mahal? Argh! Kahit na bali-baliktarin ang mundo, it doesn't change the fact that he saved me from the hands of wickedness. Ano kayang magandang regalo para sa kaniya? Ibinalik ko ang aking tingin sa ceiling at huminga ng malalim.

What about a.. painting?

Edited: 09-01-2021

Oblivion Love (Love Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora