Chapter 26

108 7 0
                                    


Dahan-dahan akong naglakad papasok ng simbahang tinutukoy sa invitation card. Nang makapasok ako ay doon ko lamang na kumpirma na sobrang lawak pala sa loob at ang gara nitong tignan. Sosyal! Pang mayaman talaga!

“Ma'am! Ma'am!” biglang may umagaw sa aking atensyon. Nakadamit ito ng pormal at may suit pang suot. “I'm Wendy, the wedding coordinator po. Nasa likod po ng simbahan ang damit na dapat niyong isuot, doon nalang po muna kayo ha.”

I nod my head and smiled. “Yeah.”

Mabilis akong naglakad papalabas ng simbahan. Biglang pumarada ang isang makintab na sasakyan at lumabas doon ang isang babae. Nang tignan ko ang aking sarili sa repleksyon ng sasakyan ay sobrang ganda ko pala tignan sa isang pulang bestida at magandang high heels.

Damn! Ang ganda ko!

“Magandang babae!”

Napayuko ako sa aking ibaba nang makita kong kumapit doon ang isang batang babae. I smiled widely, 'ansabi niya kanina? Maganda ako? Buti nalang at hindi sinungaling ang batang ‘to, congratulations sa parents!

Inabot ko ang kaniyang pisngi. “Why, baby?”

“Nabitawan niyo po iyong engagement ring niyo po kanina habang papalabas kayo ng garden kaninang umaga.” at tiyaka inabot sa akin ang isang magarang singsing. I frowned after what the cute baby said.

“But,” i trailed off, nagdadalawang isip na sabihin sa kaniya na hindi ako ‘yung bride na tinutukoy niya. “I'm not the bride—”

“Lylia lalapit ka o lalapit ka?”

Nagmamadaling tumakbo pabalik sa kotse ang batang si Lylia. Muntik na nga itong masubsob sa madamong bahagi ng pathway. I chuckled at her reaction, naiiyak siya na nagpa-panic. Nang makapasok siya sa loob ay todo ang kaniyang paghingi ng sorry sa kaniyang Mommy na naghihintay sa loob.

Umalis ang kotse nila Lylia at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang likod ng simbahan. May iilan ngang mga tao na bumati sa akin doon at nagtatanong kung ako ba ang ikakasal. Of course, napapansin ko talaga ang araw na ito. Mas mukha akong bride kaysa sa best friend ko dahil alam akong mas maganda ako sa kaniya. No offense, but I'm just basing on my personality. Hindi ko masasabing mas maganda si Manry sa ‘kin no! Sarili ko ang dapat kampihan ko, hindi ‘yung best friend ko.

Nang mahanap ko ang tinutukoy nilang kwarto ay kaagad akong kumatok doon ng makailang beses.

“Manry?” i knocked once more. “Si Miranda ito, nandito na ako.”

Ilang beses ko iyong inulit ngunit walang sumagot sa akin. Pero nang maitulak ko ang pintuan ay doon ko lang napagtanto na hindi pala nakasarado ang pintuan at the first place. Strange, eh?

Pumasok ako doon at bumungad sa akin ang nakapaganda at eleganteng gown. Nandoon din sa tabi nito ang belo, mga alahas na gagamitin, sapatos na gagamitin at iba pa. Bumaba ang aking tingin sa aking kamay, nandoon parin ang hawak kong kumikinang na engagement ring. Ipinatong ko ito sa nakahigang tela.

Ibinaba ko ang aking bag at inilagay iyon sa isang maliit na sofa. Nang dinungaw ko ang gilid nito ay nakita ko ang mga bestidang susuotin ng mga flower girl, bridesmaid at kung sino pa.

Biglang nag ring ang aking cellphone kaya mabilis ko itong inilabas ng aking bulsa. I sighed of relief nang makita itong reminder lang pala. Pero hindi ko naalalang gumawa ako ng reminder sa calendar ko tungkol sa kasal nila Manry. Biglang pumasok sa aking isipan si Domaine.

Oh please, tea, pasakal nga.

Ipapasok ko na sana ang aking cellphone pabalik ng aking bulsa nang biglang may papel na tinangay ng hangin mula sa higaan. Mabilis ko itong hinanap, baka vow ito ni Manry o di kaya’y importanteng papeles. Nang mapulot ko ito ay ibinalik ko ito sa kama ay laking gulat ko nang makita ang pangalan kong nakasulat doon. A-Akala ko ay vow ito ni Manry.. pero naka print pa ito at mukhang kanina lang ginawa.

Oblivion Love (Love Series #1)Where stories live. Discover now