Prologue

688 106 34
                                    


"Miranda! Ngayon 'yong kasal na pupuntahan mo! Bakit 'di ka pa nagbibihis?"

I rolled my eyes and sighed. Alam kong kapag hindi ako kumilos dito ay magiging anyong machine gun na naman ang bibig ni Domaine. Kaagad akong tumayo at nagbihis ng panibagong damit. Buntis na ngang tao, todo sermon pa.

𝘼𝙨𝙝 𝘿𝙧𝙞𝙭 𝙏𝙧𝙖𝙫𝙤𝙨𝙘𝙤 - 𝙈𝙖𝙣𝙙𝙖𝙡𝙚𝙣𝙚 𝙍𝙮s 𝘿𝙞𝙖𝙯

**✿𝚝𝚑𝚎 𝚠𝚎𝚍𝚍𝚒𝚗𝚐 ❀✿*

Ating saksihan ang pag-iisang dibdib ni Engineer Ash at ang Heiress ng Diaz Companies, Mandalene! Dalawang tao, mag iisang puso!

Nakakatawa lang isipin at ikalkyula ang mga pangyayari. Parang limang taon lang yung nakakaraan nung kami pa ni Kuya Ash ah? Tapos ngayon ikakasal na sila. That should be me! Nang dahil sa kadramahan ko ay napatid ko ang kalapit na malaking banga kaya't tumigil ako sa pagdadabog. Aba, Miranda! Tapos na! Wala nang sisihan!

I still remember how Kuya Ash rejected me on the spot during my 14th birthday. Simpleng crush confession lang iyon pero rejected na kaagad. Also got rejected during Senior High Prom. S'yempre, pangalawang beses na ako nag co-confess, waley parin. Parang paga-apply lang ng manuscript sa isang sikat na kompanya, todo reject no'ng una, pero kalaunan ay tatanggapin din naman. Ang choosy! Parang gold.

"Bawal umiyak sa kasal ha?" inabutan ako ni Domaine the buntis, nakapamaywang ito habang hawak-hawak ang isang water bottle. "Kasal 'yon ng long time crush mo at ng Manry na 'yon, hindi sa inyo." at humalakhak pa ang monggoloid.

I scoffed. "Ba't naman ako iiyak? 'Di naman ako bitter kagaya mo. Kaya tuloy ano-"

Inakma niya akong batuhin ng kaniyang water bottle. "Ha? Ha? Ano?"

"Wala! Ba-bye buntis!"

Mabilis kong pinaharurot papaalis sa building ang aking sasakyan. Minsan ang sarap kausap ng pinsan ko, minsan naman ay hindi. Kung ano-ano nalang kasi ang mga pinagsasabi, tas bigla pang magagalit nang walang dahilan, 'di pa makokontento hahambalusin ka pa.

Naipit ako sa traffic. Nakalimutan kong rush hour na pala kaya nasa gitna pa ako ng mga sasakyang 'di umuusad. Buti nalang at napaaga ang pagpapaalis sa akin ng buntis na 'yon, baka nasa hulihan parin ako no'n kung sakali. My phone beeped and i saw Domaine's message.

From: Buntis na masungit
Hello Miranda-randa! Magkikita kami ni Froilan ngayon, feeling ko tuloy pananagutan na niya ako. Shet, baka bukas magpapakasal na kami! Ayaw kitang maging abay, mukha ka kasing manok.

Napamura nalang ako sa hangin nang mabasa ko ang kaniyang text. Ang taong nakabuntis kase sakanya ay hindi siya pinagutan nung una, inabandona pa siya. Tas makikipagkita siya? Asan ba utak ng buntis na 'to? Ipinagbubuntis din ba niya?

Muntik na akong mapa u-turn dahil sa text niyang iyon. Pero may pupuntahan na pala akong kasal. Kaya nagdere-deretso lang ako sa pagmamaneho. Malayo-layo rin ang byahe at medyo nakakapagod. Hanep! Ba't ang layo ng venue? Feeling gold naman yung babaitang iyon mukha namang tanso.

Nang makadaan ako ng isang ice cream shop ay tumigil muna ako doon at nagpahinga. Sweet-bitter memories crossed my mind. Bigla ko tuloy naalala na ito pala yung past time namin ni Kuya Ash kapag masama ang loob ko sa exam.

"Babe naman!"

"Pwede naman kase kumain ng ice cream, 'wag lang damihan. Magiging mukhang baboy ka talaga na kumakain ng putik sige ka!"

Muntik na akong mabulunan nang dumaan sa aking harapan ang dalawang high school lovers. Naglalakad habang kumakain ng ice cream. Mukhang bata 'yon babae at medyo matured tignan ang lalake. Pero sa tingin ko, hindi dapat iyon maging basehan. They look so in love, samantalang ako? Twenty-seven years old, wala paring jowa after ma basted.

"Ilang taon ka na ring 'di dumadaan dito ah!"

Napalingon ako nang may magsalita sa aking tabi. Dahil sa pagkagulat ko nang makita ko ang taong iyon ay nahulog ang kutsara ng mula sa aking ice cream cup.

"M-Mark!" i stuttered. "Long time no see!"

He smiled and offered me a handkerchief. "Matagal-tagal na rin, Miranda! Hindi na kita nakita dito ulit pagkatapos nung nangyari. Nabi-bitter ka parin kay Ash?"

"Ahhh," i rolled my eyes and chuckled. "Parang 'di umiyak no'ng 'di ipakilala ni Manry sa mga magulang niya ah!"

Our eyes met. And we both laughed.

Si Mark ay isa sa mga kaklase ko nung Senior High. Kung naalala pa niya ay sobrang baliw niya kay Manry. Halos nga magpa print siya araw-araw ng mukha ni Manry at idikit sa buong wall ng room. Kulang na nga lang ay magpagawa siya ng rebulto ni Manry e! Sobrang mahal niya talaga.

"Bakit ka pala nandito?" he asked.

Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang kaniyang panyo at ngumiwi. "May pupuntahan lang ako. Invited kase ako sa isang event e, guest ako doon. Ikaw?"

Tumango siya at pinagkrus ang braso. "Same tayo! May pupuntahan din ako. Tyaka.." tumayo siya at tinignan ang kaniyang wrist watch. "..mauuna na pala ako! Napahaba kwentuhan natin ah!"

We bid goodbyes and parted. Nang makaalis si Mark sa ice cream shop ay hindi na rin ako nagsayang ng oras. Nagpatuloy na ako sa pagbyahe. Alam kong ilang minuto nalang ay dadating na ako sa venue. Kaunting tiis lang, matatapos na kahibangan ko.

After few minutes, i finally arrived at the church.

Heto at narito ako sa harap ng isang magandang simbahan kung saan ikakasal ang aking Kuya Ash a.ka. ex-boyfriend noong nakaraang taon pa. After years, nahanap din ni Kuya ang kaniyang kaligayahan at pahinga. Samantalang ako, hindi nakapaghanap ng iba, walang ibang inisip kung 'di siya. I sighed and waved my hand at the wedding coordinator.

Ang mga imagination ko para sa aming dalawa ni Kuya, mananatili nalang talaga na imagination nalang. Funny right? Imagine, the guy you've been crushing and loving for many years now is getting married.

Ikakasal na 'yong ex-boyfriend ko sa best friend ko.

Without knowing my hidden Love.

Edited: 05/19/21

Oblivion Love (Love Series #1)Where stories live. Discover now