Chapter 20

162 39 5
                                    


Biglang itinaas ni Justine ang kaniyang baril kaya't mas lalo pa akong umiyak. I need help! Mama! Papa! Kuya Ash! Somebody? Biglang hinablot ni Justine ang aking braso kaya napangiwi ako sa sakit.

“I'm here for revenge..” he repeated and pressed my arm more deeper.

“H-Hindi ko naman..”

“Kung sana ay sinabi ng dalawang istupido na iyon na sira ang break, sana ay hindi naging miserable ang buhay namin ng Nanay ko! Sana nalaman nila kung paano kami naghirap! Gumapang sa lupa, magdildil ng asin kahit walang kanin! Nakakatulog ba kayo ng mahimbing sa aksidenteng dulot ng pamilya niyo?!”

Sinubukan kong bawiin ang aking braso. Nang bigo akong mabawi iyon ay napaiyak ako habang naghahalumpasay. “Wala akong alam ‘nun!”

Kinasa ni Justine ang baril at itinutok iyon sa akin. “Do you want to really die? Just effin shut your mouth and be quite for once!”

“Who the hell gave you permission to touch her?”

Biglang may umagaw ng aming atensyon. Nagmumula ang boses na iyon sa aming likuran, kaya't dali-daling tumalikod si Justine at hinarap ang taong iyon. Isinarado ko ang aking mga mata at humingang malalim, sana'y maligtas na ako ng taong 'to.  My mouth went 'o' when i opened my eyes, revealing the person behind that voice. I-It was Kuya Ash.. nakaupo siya sa swing ng playground habang tamad na pinapanood kaming dalawa ni Justine magsigawan. How come? Hindi siya nagpakita sa akin ng ilang araw! Bakit siya nandito?

"Ash Drix Travosco? The son of the bastard.." Justine grinned and held my arms tighter. Napasigaw ako sa sakit.

“Stop calling my dad by names..” Kuya Ash groaned and stood up. “..his name is Alexandre Travosco, not bastard. Kung tutuusin ay ikaw ang bastardo.”

The scenes are getting hot. Papalubog na ang araw sa kalangitan habang naririnig kong naglalabas ng sama ng loob si Justine sa aming dalawa. Tamad lang na nakikinig si Kuya Ash sa lahat ng mga drama sa buhay ni Justine, and so as i.

“Ikaw din, diba? Alam mo rin na sira ang break!” sumigaw si Justine.

Kuya Ash clenched his fist, halatang naiinis na. “Shut the effin up, Justine! Kasalanan ng mga taong ‘yon kung bakit nila pinilit na sakyan parin ang truck na alam nilang sira!”

Wait..

What? Alam nilang sira ang break?

“You know Justine..” umabante si Kuya Ash, he towered Justine the devil. “..hayaan mo ng magpahinga ng maayos ang Papa mo at Tiyo. Nothings gonna happen is you hurt me or her or our family. Let go of her, wala namang mangyayari kung sasaktan mo siya e.”

Nanglambot ang tuhod ni Justine, nararamdaman kong malapit na siyang sumuko pero bigla siyang natahimik, nang bumalik siya sa kaniyang sarili ay nag alburuto na naman ito.

Humiyaw si Justine na parang bata. “But you love her! Girlfriend mo siya! Kaya't damay siya sa lahat ng mangyayari sa’yo at sa pamilya mo! You cherish her!”

“I do not, Justine.”

Bakit kailangan mo pang ipamukha?

Kinain kaming lahat ng tahimikan. Sa loob ng katahimikan na iyon ay wala akong ibang nararamdaman kung ‘di ang pagkalumo at kapighatian. Hindi niya naman ako pwedeng mahalin kase may girlfriend siyang stupid! Miranda, calm your self. Walang mawawala sayo kapag nilait mo ang bago ng boyfriend mo. Bago? Bago ba tawag doon? Bakit mukha siyang luma? I tried to calm my self, nang bumalik ako sa totoo kong nararamdaman ay halos hindi ko na maipikit ang aking mg mata. Ramdam ko ang pag tingin sa akin ni Justine, nang masalubong ko ang kaniyang titig ay wala akong ibang makita doon kung ‘di awa at simpatiya.

Oblivion Love (Love Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin