(3) Bagong Salta

573 241 126
                                    

𝙺 𝙰 𝙱 𝙰 𝙽 𝙰 𝚃 𝙰 𝟹

3rd Person's POV

MAAGANG nagising si Pris dahil hindi pa rin mawala wala sa isip niya ang mga nagawa niya kahapon.
'Aish, Guni guni mo lang 'yon Pris' pilit na pagpapaintindi niya sa sarili. At dahil ayaw na niyang isipin iyon ay bumaba na siya at nag banyo para hindi na siya mahuli sa klase.

"Ang aga mo naman yata nagising anak mag aala sais pa lang ala siyete trenta pa ang unang klase mo," ani ni Narcisa na ngayon ay nagluluto ng kanilang pang almusal.

"Nahuli po kasi ako kahapon ina kaya babawi nalang po ako ngayon ina," palusot ni Pris dahil alam naman niyang may bumabagabag talaga sa kaniya kaya ang aga ng gising ngunit ayaw niya lamang sabihin upang huwag ng mag alala ang ina at itay niya dahil alam niyang guni guni lamang niya iyon.

Wala ng nasabi ang ina ni Pris dahil agad na itong pumasok sa banyo upang maligo. Ngunit di akalain ng ina ni Pris na halos trenta minutos na itong nasa banyo.

"Anak tapos ka na ba diyan kakain ka pa ng almusal?" tugon ni Narcisa

"Opo ina palabas na po," maya maya ay lumabas naman si Pris at agad na tumuloy sa kwarto niya upang magbihis.

Bumaba si Pris at agad ng kumain dahil malapit ng mag aala siyete. Habang kumakain naman ang pamilya Cuevas ay namataan ni Dante ang singsing na suot ni Pris sa hintuturo nito.

"Ahh anak, saan mo pala nakuha iyang singsing?" tumingin pa si Pris sa kamay niya at sumagot na "Sa drawer lang po ita'y," tumango tango na lamang si Dante dahil baka ano pang maisip ni Pris kung bakit ito natanong.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Pris na mga magulang niya at nagsimulang maglakad tulad ng kaniyang gawain patungong sakayan ng jeep.

"Ang aga naman ng Pris ko," sabi ni Elias habang umaakbay na kay Pris.

"O, ikaw pala Elias," tiningnan muna ni Pris ang uniporme ni Elias hanggang napadako siya sa mukha nito. "Sa Woodridge ka na rin mag aaral?" nakangising tanong ni Pris at nakangising tumango rin si Elias kaya napayakap si Pris sa kanya dahil kababata nga niya at wala rin itong malisya.

"Sabi ko na eh," kumunot naman ang noo ni Elias senyales na hindi maintindihan ang pinagsasabi ni Pris.
"Ahh, kasi nakita ko yung I.D. mo doon noong kinuha ko yung I.D. ko kahapon," pagpapaliwanag ni Pris

"So, Hindi kana na surprise?" mausisang tanong kay Pris nakangiting umiling naman si Pris. "Surprise ko pa man din yun sa'yo," malungkot na tugon ni Elias at agad na hinila ni Pris dahil may jeep nang dumating.

Woodridge Academy

"Elias alam mo na kung saan ang room mo?" tanong ni Pris kay Elias at nakangiting tumango naman ito at sinabing "B, Einstein," ngumiti naman si Pris "Ayos kaklase kita hehe," hinatak naman ni Pris si Elias sa classroom nila at umupo sa tabi niya dahil bakante din naman iyon. Sa madaling salita Pris ay pinagitnaan ni Jane at ni Elias.

Pumasok ang kanilang Teacher In Charge na si Mrs. Marquez dahil wala ang kanilang Filipino teacher na si Miss Legazpi.

"Okay class dahil wala si Miss Legazpi ay may inihabilin siyang activity sa inyo ngunit bago ninyo simulan ay mayroon tayong dalawang (2) transferees. Magpakilala kayo," saad ni Mrs. Marquez.

Naghiwayan ang mga kaklase ni Pris habang siya naman ay nagulat dahil sa pagkaka alam niya ay si Elias lamang ang transferee.

"Psst. Jane sino yung isa pa maliban kay Elias?" tanong naman ni Pris.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Encantar la Selva (Enchanted Forest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon