(2) Pag usbong ng Kapangyarihan

645 252 131
                                    

𝙺 𝙰 𝙱 𝙰 𝙽 𝙰 𝚃 𝙰 𝟸

3rd Person's POV

Madaling araw ay nagising na si Pris ngunit nababagabag pa rin siya sa singsing na isinuot niya kagabi. Napa upo na lamang siya sa may bintana at saka iniisip muli na 'Ano kaya ito? singsing syempre ngunit Bakit ako mayroong ganito? May mahika kaya ito? haysss nakakabaliw mag isip tungkol dito' tiningnan niyang muli ang singsing at manghang mangha sa nag kikislapang ilaw na kulay bahaghari mula sa diyamanteng bato ng singsing.

Ilang sandali pa'y sumapit na ang ala sais ng umaga at rinig na rinig na ni Pris ang yapak ng tsinelas ng kaniyang Ina patungo sa kwarto nito kaya dali dali siyang nagkunwaring natutulog pa.

"Gumising ka na anak ma huhuli ka sa skwela," tumango-tango nalang si Pris at noong lumabas na ang kaniyang ina ay napahagikhik ito sa tawa dahil naisahan na naman niya ito.

Tulad ng kaniyang palaging gawin ay naglalakad lakad muna si Pris patungo sa sakayan ng jeep ngunit nakakapanibago nga lang ay hindi niya nakita ang pagmumukha ng kababata niyang si Elias ngayon. Kahit na nagtataka ay nagpatuloy pa rin sa siya paglalakad lalo na't ayaw niyang mahuli sa klase.

*******

Woodridge Academy

Papasok na sana si Pris ng harangin siya ng guard ng paaralan.

"Ahh Miss nasaan ang I.D. ninyo?" tanong ni manong guard.

"Ahh manong guard baguhan pa lang po ako dito kaya pwede po bang paraanin niyo na lang po ako at huwag po kayong mag alala mamayang hapon kukuhanin ko na ang I.D. ko," wala ng magawa si manong guard dahil kinawayan na lamang siya ni Pris sabay ngiti habang tumatakbo ngunit mahuhuli na talaga siya dahil sa pakikipag usap kay manong guard.

'Anong gagawin ko malapit ng mag ring?' sa kalooblooban ni Pris kung kaya't hindi sinasadyang mahiling niyang 'Sana marating ko na ang pintuan ng classroom namin dahil yun nalang ang paraan upang hindi ako mahuli' umilaw ang singsing ngunit hindi iyon namataan ni Pris at sa isang iglap ay nandoon na siya sa pintuan ng classroom nila. At agad siyang pumasok sa classroom na kitang kita na naghihintay ang asungot na Eliza sa kanya.

"Antagal mo yata Prissy Dear? buti di ka naabutan ni ma'am dahil ayaw na ayaw niya na may nahuhuli sa klase niya," napairap na lamang si Pris at agad na pumunta sa upuan nito.

Oras na ng klase sa Filipino (1st Subject)

"Magandang Umaga sa inyong lahat,"  tugon ni Mrs. Legazpi

"Magandang Umaga Ginang Legazpi Ikinagagalak namin na kayo'y makita," pagbati ng lahat.

Sinimulan na ni Ginang Legazpi ang aralin sa Panitikang Filipino at ito'y kaniyang sinimulan sa pagkatao ni Jose Rizal na ating pambansang bayani.

"Ibigay ang buong pangalan ni Rizal at kung sinong makakasagot ay hindi na sasali sa paunang pasulit bukas," striktong tugon ni Mrs. Legazpi

Si Pris ay hindi masyadong matalino dahil ang mga grado lang nito noong Junior High ay halos tumutungtong lang ngunit hindi maikakaila ang hangarin ngayon ni Pris na mapabilang sa honor student lalo na't hindi niya gustong masayang lang ang pera ng kaniyang mga magulang kung pareho lang din naman ang ipapamalas ni Pris noong nasa Luna University siya at ngayong nasa Woodridge Academy na.

Habang tutok na tutok si Pris kay Mrs. Legazpi ay parang nababasa niya ang isip nito at nakatatak sa utak nito ang sagot sa kaniyang katanungan. Walang pagdadalawang isip ay itinaas ni Pris ang kanang kamay niya at agad naman itong nakita ni Mrs. Legazpi dahil wala namang iba pang nakaka alam ng sagot.

"Yes, Miss Cuevas"

"Dr. Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda.... po"

"Tama, maupo kana Miss Cuevas"

Sa pagkakataong iyon ay naramdam ng pagkatuwa si Pris sa kaniyang sarili dahil sa talambuhay niya ay hindi pa siya nakasagot ng tanong na siya lamang ang nakasagot sa buong seksyon nila ngunit nalulungkot rin siya dahil binasa lamang niya ang sagot sa isipan ng guro kaya naguguluhan pa rin siya at di malaman ang gagawin ngunit sa gitna ng kaniyang pag iisip ay nakita niya ang pagmumukha ng asungot na Elizang yun.

"Well well well look what do we have here our nerdy Prissy lang pala. Well hindi ko akalaing brainy ka pala pero di nga lang lang nababagay sa pagmumukha mo?"

"Bakit masiyado bang dyosa ang pagmumukha ko kaya di na nababagay sa utak ko?"  napasinghal na lang sa inis si Eliza tsaka nag walk out.

Lunch time na kaya napag pasiyahan ni Pris na pumunta sa Cantina at doon kumain dahil hindi siya nagbaon ngayon sa aga ng alis niya sa bahay. Habang nagpalakad lakad si Pris sa hallway tungo sa Cantina ay narinig niyang nag uusap ang mga buntot ng asungot na Elizang yun kaya itinago niya ang kaniyang sarili sa haligi at nakirinig sa usapan.

"Oh, Jia ready na ba ang set up natin?"

"Yes, reading ready na at siguradong mapapahiya yung Pris na yun."

"Sige ibalita na natin to kay Queen Eliza."

Pagkatapos ng usapan ay agad na nagtago si Pris sa kabilang bahagi ng haligi para hindi siya makita at doon niya nakita ang set up nila. Naka set up ang isang baldeng puno ng pinturang kulay berde sa ibabaw at timing na timing rin dahil papadaan na si Eliza kaya agad na hinanap ni Pris ang lubid na makakakontrol upang maibuhos ang balde ng pintura kay Eliza kaya inisip niyang napapagalaw ang balde at naibuhos ito sa ibaba kung saan ay saktong sakto na nandoon si Eliza.

"What the heck! Ano ito? Bakit sa akin naibuhos ito? Stupida...," may sasabihin pa sana siya kaya lang pinagtatawanan na siya ng iba pang nakakita kaya walang siyang nagawa kundi tumakbo. Napahagikhik naman si Pris habang nakatago pa rin sa haligi.

Lumipas ang mga oras at hapon na kaya dismissal na. Dali daling umalis si Pris ng classroom dahil kukuhanin na niya ang I.D. niya at isang himala din dahil hindi na niya nakita ang pagmumukha ng asungot na Eliza.

Dean's Office

"Magandang Hapon Dean, narito ho ako para sa I.D. ko po," ani ni Pris

"Ahh iha maghintay ka muna, Riva nasaan na ang mga I.D. ng transferees ibigay mo sa estudyanteng ito at ipakuha lang ang sa kaniya,"

Ibinigay ni Riva (asst. ng Dean)  ang mga I.D. kay Pris at isa isa itong tiningnan at hinahanap ang naturang I.D. nito ngunit napatigil siya ng makita ang I.D. ni Elias pero nagpatuloy na rin ito at nakita rin sa hulihan ang I.D. niya.

*******

Pagdating sa bahay ni Pris at muli na namang bumagabag sa kaniya ang mga kilos na nagawa niya kani kanina lang sa paaralan.

Sinubukan niyang tanungin ang kaniyang itay at ina kung normal ba siya ngunit laging sinasagot nila ay normal na normal ito at sa kalaunan ay nagiging palabiro na ang kaniyang itay.

"Ina normal ba talaga ako?"

"Oo naman anak tingnan mo ang sarili mo taong tao ka at nanggaling ka sa akin kaya normal ka."

"Itay normal nga ba ako?"

"Syempre naman anak tingnan mo nga ang anyo mo ang ganda ganda mo at ang slim slim mo pa kaya talagang normal ka kase di ka naman overwieght anak," pinipigilang tumawa ni Pris dahil parang nagiging biro na ang explanasyon ng itay niya ngunit naguguluhan pa rin siya dahil parang may iniiwasang tanong ang itay at ina niya.

Pumasok si Pris sa kwarto niya dahil parang andaming nangyari sa araw niya ngayon at sa palagay niya ay mas madami pang bagay-bagay na mangyayari sa buhay niya.

#Enchanted Forest

Encantar la Selva (Enchanted Forest)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant