(1) Prisibini Cuevas

735 270 158
                                    

𝙺 𝙰 𝙱 𝙰 𝙽 𝙰 𝚃 𝙰 𝟷

3rd Person's POV

"Gising na anak mahuhuli kana sa school first day na first day pa naman ngayon," tawag ni Narcisa, ang ina ni Pris.

"Hala ka! Sige Inay maliligo na ako," halos magulat si Pris sa pagdating ng kaniyang Inay ngunit napagtanto na nga niyang First Day na ng School nila ngayon kaya wala pang ilang segundo ay narating na ni Pris ang banyo at agad-agad na naligo pagkatapos ay nag bihis na ng bagong ipinatahing uniporme ng ina dahil transferee ito sa isang tanyag na paaralan ang Woodridge Academy.

Nakatapos na si Pris sa pagkain at agad na nagtungo sa salamin upang mag pulbo at mag liptint ng konti dahil hindi rin naman maikakaila ang gandang taglay nito at dumagdag pa ang mala-porselana nitong balat at kulay itim na buhok nito.

"Paalam anak pagpalain ka nawa ng Diyos," saad ni Dante, ang ama ni Pris na humalik sa kaniyang noo at kumaway kay Pris. "Paalam itay at sa inyo rin ina pagbubutihin ko ang aking unang araw sa paaralan," sabay kaway at nag flying kiss sa kanila.

Ang bahay nila Pris ay malayo layo pa sa sakayan ng mga jeep kaya siya ay maglalakad lakad muna patungo sa sakayan. Habang siya'y masayang naglalakad ay walang anu-ano'y may umakbay sa kaniyang balikat na labis niyang ikinagulat at natisod sanhi ng kaniyang pagka hulog ngunit may kamay na umagapay sa likuran niya.

"Uy, Pris ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ni Elias, ang kababata ni Pris. Habang si Pris naman ay walang ka kurap kurap na nakatingin sa kaniya.

"Pris naririnig mo ba ako?" agad namang natauhan si Pris nang muling magsalita ito.

"Ahhh oo oo salamat ha sa pagligtas kung wala ka ay nasa kanal na ako diyan oh," sabay turo sa kanal, napangiti na lamang si Elias dahil sa sinabi ni Pris.

"Hehe...wala 'yon ako naman ang dahilan kung bakit ka natalisod ehh nagulat ka kasi nung inakbayan kita," hindi na kumibo ni sumagot si Pris at nagpatuloy na sa paglalakad habang si Elias naman ay napakamot sa batok niya at dali daling bumalik sa manila ng bahay dahil may nakalimotan ata.

Nang dumating na siya sa sakayan ay kaagad siyang nakakita ng jeep kaya kaagad din siyang pumara at sumakay na dito.

*******

Sa Woodridge Academy


Pagpasok mo pa lang sa skwelahang ito ay parang nasa napalaking Arena ka na ang lalaki laki kasi ng espasyo sa ground ng skwelahang ito at ang mga buildings dito kung saan pinalolooban ng mga classrooms ay nagmimistulang isang hotel magandang maganda.

"Dream School I'm here," masayang tugon ni Pris na patuloy paring namamangha sa laki ng Woodrigde at habang inilagay ang mga kamay sa dibdib at nag paikot ikot na parang batang masayang nag lalaro lamang ay meron siya nabangga.

"Paki tingnan po ang dinadaanan niyo Miss," tapos nginitian niya si Pris at nang akmang magpapatuloy pa lamang siya sa pag lalakad ay biglang nagsalita si Pris.

"Pasensya na Miss baguhan lang po kasi ako dito kaya napahanga lang talaga ako sa laki ng paaralang ito at hindi ko po akalaing mababangga ko kayo, Paumanhin," niyuko ni Pris ang kaniyang ulo bilang pagpapaumanhin. Napangiti naman yung nakabangga niya at lumakad na paalis.

Si Pris ay agad na nagtungo kung nasaan ang Bulletin Board dahil doon daw niya makikita kung saan ang section niya at ang pangalan ng building at floor nito.

Villalobos Building ; 2nd Floor
Section B Einstein of S.Y. 2017-2018
Cuevas, Prisibini M. 17

Pagpasok niya pa lang sa room ay nandoon na ang teacher in charge ng section nila si Mrs. Marquez. Pinagtitinginan siya ng kaniyang mga kaklase at tiningnan niya rin ang mga ito ngunit nabaling ang paningin niya sa isang kaklase na parang na nakita na niya kanina. At hindi siya nagkamali ito ang nakabangga niya sa ground kanina.

"Miss kindly introduce yourself please," Mrs. Marquez

"Hi I'm Cuevas, Prisibini M. but you can call me Pris and please be good at me dahil masama akong kaaway," sabay kindat ni Pris pagkatapos magpakilala at naghalakhakan at palakpakan naman ang kaniyang mga klase.

"Okay then please sit beside Ms. Salvador," tugon ni Mrs. Marquez.

Agad namang sumunod si Pris at pumunta at umupo sa tabi ni Ms. Salvador yung babaeng nakabangga niya. Nagsimula at natapos ang klaseng introduce yourself lang ang ginawa ng lahat.

Dismissal na at iniayos na ni Pris ang kaniyang mga gamit upang maka uwi na ngunit sa kasamaang palad at nahuli sila ni Jane,siya si Ms. Salvador ang nakabangga niya at hinarang sila ng isang grupo ng kababaihan na may 6 na miyembro.

"Hep hep hep nagmamadali ka ba Prissy at kasama mo pa itong si piggy Jane," habang nakapamewang ang si Eliza, ang leader ng grupong Girltrends mga high-class girls na anak mg mga mayayamang stockholders din ng Woodridge ngunit hindi naman lumalampas sa sampung persyento ang bahagi nila sa paaralan.

"Ano ba Eliza lubayan mo nga kami!" ani ni Jane ngunit napahalaklak sa tuwa si Eliza.

"Huwag kang mag alala Jane dear dahil hindi naman ikaw yung puntirya namin ngayon eh si Prissy na tapos na kami sayo Piggy Jane," walang pakialam si Pris sa mga sinasabi ni Eliza at sa nagaganap ngayon dahil gusto na niyang umuwi ngunit may namumuo paring galit sa kanya kaya hindi niya mapigilang tumingin ng matalim dito.

Ibinaling na ni Eliza ang kaniyang paningin kay Pris na ngayon ay matalim na tumitingin sa kanya.

"Well ito lang ang masasabi ko sayo Prisibini huwag mo akong gagalitin dahil masama rin akong kaaway," mataray na sabi ni Eliza kay Pris.

"Correction baka inggitin hindi galitin ni kay bago bago ko pa nga lang dito na naiinggit ka na ano pa kaya kung tumagal pa ko rito baka magpatiwakal ka na," banat na ni Pris at tsaka lumakad patungo sa patungo sa pintuan ngunit tumigil siya sa pintuan mismo at humarap ulit kay Eliza "At kung mas masama ka ngang kaaway ano pang tawag sa'kin demonyo kung umaway bwahaha," agad siyang umalis kasunod si Jane at naiwang nagagalit ang asungot na Eliza.

*******

MAPAYAPANG nakarating si Pris sa kanila mg hapong iyon din sinalubong siya ng itay at ina niya sa gate ng bahay nila.

"Oh ano anak maganda ba doon?" usisang tanong ni Dante

"Opo naman tay para ngang hotel yong mga buildings doon ehh tas parang arena ang space doon sa ground nila," manghang sagot ni Pris dahilan upang mapahanga naman ang reaksyon sa mukha ng kaniyang mga magulang.

Agad namang pumunta si Pris sa kaniyang kwarto parang may humihila sa kaniya na buksan ang itim na drawer na iyon. May nakita siyang isang singsing na kumikislap kislap (luminescent ring).


Ano ito? Bakit ako mayroong ganito?sa isip-isip ni Pris ngunit isinuot pa rin ito.


#Enchanted Forest

Encantar la Selva (Enchanted Forest)Where stories live. Discover now