"You've got to be kidding me," she said while not taking his gaze away from me. "Nayeli Reese is your girlfriend, son?!" saka lang siya lumingon kay Colton nang may pang-aakusa.


Hindi pa rin ako sigurado sa reaksyon niya kung hindi niya lang binalik ang tingin sa akin at nakita kong may ningning sa mga mata niya.


"Goodness, iha! I'm a fan!" aniya at hindi ako agad nakagalaw nang bumeso siya sa magkabilang pisngi ko.


Halos hindi ko pa alam kung anong sasabihin. Pinigilan kong manginig ang boses nang magpasalamat.


Pormal kaming pinakilala sa isa't isa ni Colton. Kahit si Mr. Isaac, na pinilit akong tawagin na lang siyang Tito Isaac, ay tinuligsa si Colton sa hindi agad pagsasabi ng tungkol sa akin gayong nagkita na kami ng isang beses.


Hanggang sa hapag ay bakas pa rin ang galak at excitement kay Tita Jelyn. It seems so out of her elegant character at first glance. She was jolly and quite talkative. Hindi pa nga sya pumayag na hindi kami tabi ng upuan.


"I'm telling you iha, I've never really liked local TV shows but when I happened to see you on one, I was completely captivated by your charm! Inis na inis ako sa lahat ng kontrabidang umaapi sayo." expressive na sabi niya.


Hindi ko maiwasang humalakhak sa pagiging natural niya. I felt myself slowly getting at ease. Habang tumatagal ay nasasabayan ko na rin ang energy niya.


"I promise to try to visit often, Tita." sinserong sabi ko nang halos ayaw niya kong bitawan noong oras na para umalis.


Ni hindi ko na nga namalayan ang takbo ng oras. Parang kahit ako mismo ay ayaw pang umalis.


"Dapat lang, iha! Or I'll be the one to visit you!" hindi ko alam kung biro yon pero seryoso kasi siya.


"Ma," rinig kong saway ni Colton.


"At ikaw naman," baling ni Tita Jelyn sa kanya. "I've never been this proud of you anak! I can't wait na i-chika sa mga amiga ko na si Nayeli Reese ang mamanugangin ko!" she even cupped his face.


I saw how Colton was flusttered by both his mom's words and gesture.


Natawa naman ako.


"Thank you for visiting, Nari." Tito Isaac then said. "Ikaw lang pala ang makakapagpatino kay Colton sa trabaho." sabi niya bago ngumiti nang malawak.


"Dad!" Colton groaned even more. "We're going!" inis na sabi niya pagkaraan.


Isang round pa ng pamamaalam ang nagdaan bago kami pinakawalan ni Tita. My lips were still curved into a smile while inside his car. I didn't even notice that I was smiling the whole time I was there with them. The feeling was heart-warming.


"You have a wonderful family.." hindi ko mapigilang sabihin habang nakasandal ang ulo sa car seat. Bahagya pa kong napapapikit sa umaagos na damdamin.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon