Kabanata 5

77.6K 3.6K 732
                                    

Stay away



Buong araw akong tuliro dahil sa nangyari.

Hanggang sa mag-duty sa clubhouse kinahapunan ay medyo natutulala pa rin ako.

"Hayaan n'yo muna siya. Bago, eh. Baka naninibago lang." Isang beses ay narinig kong bulong ng kapwa ko crew na si Andrew sa kasama niya habang nagma-mop at nakatingin sa 'kin.

Nang mapatingin ako sa kanila ay mabait na ngumiti siya sa 'kin habang ang kausap niyang babae na si Jen ay tinaasan lang ako ng kilay.

Ipinilig ko na lang ang ulo at nagsimulang mag-focus sa gawain. Sa araw na ito ay taga-abot lang muna ako ng mga pagkaing galing sa kusina patungong counter. Habang ang iba naman ay naka-assign sa pagkuha ng order ng customers at pagse-serve sa mga table.

Napapatingin ako sa pinto tuwing may papasok sapagkat iniisip kong anumang oras ay darating si Mrs. Paz para kausapin ako at sisantehin sa trabaho dahil sa kapalpakan ko sa unang araw. Ngunit natapos na ang araw ay wala namang Mrs. Paz na nagpatawag sa akin. Maginhawa akong napabuntong-hininga habang pauwi na kami ni Rafa.

"Napagod?" nakangiting tanong sa 'kin ni Rafa nang marinig ito. Sumang-ayon na lang ako at sinabi niya namang masasanay rin daw ako.

Kung hindi ako matatanggal sa trabaho matapos ang nangyari, ituturing ko talaga 'tong malaking biyaya at sisiguraduhing hindi na gagawa ng katangahan. Tama, siguro nga ay kailangan ko lang bantayan ang bawat galaw at pag-isipang mabuti ang bawat kilos. Less talk, less mistake. Less interactions, less errors.

Kabado pa rin ako nang sumunod na araw habang nakahilera na kami at hinihintay ang room assignments.

"Nari, room 301 to 305. Alex room—" tuloy-tuloy na sabi ni Mrs. Paz habang nakatingin sa kanyang iPad. I sighed in relief nang mapagtantong sa iba na 'ko natapat na maglinis ngayon. Hindi ko alam ang gagawin 'pag nakita si Sir Colton matapos ang nangyari kahapon.

Sabay kaming sumakay ni Rafa sa elevator.

"Mabuti na lang sa parehong floor tayo na-assign ngayon," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oo nga, eh. Medyo nagtaka nga 'ko kahapon kasi 'yong offices sa last floor, hindi naman madalas nililinisan. Once a week lang halos, eh no'ng isang araw lang nalinisan na 'yon tapos ibinigay pa ulit sa 'yo kahapon." Nagkibit-balikat si Rafa.

Ganoon pa rin ang naging kalakaran sa mga sumunod na araw. Wala akong nakita ni anino ni Sir Colton at ipinagpapasalamat ko iyon. Akala ko nga ay bumalik na ito sa Maynila pero hindi pa naman pala dahil naririnig kong kilig na kilig na nag-uusap ang ilang staff na nakasalubong daw nila ito.

Unti-unti na kong nasasanay sa mga gawain at gusto kong isipin na medyo natututo na rin nga akong makisalamuha nang normal sa mga kasamahan sa trabaho, pati na rin sa ilang customers.

Hindi maiiwasang magkaroon ng mga aburidong foreign customers sa clubhouse tulad ngayon. Laking pasasalamat ko na sa pagwawalis lang ako na-assign ngayon at hindi sa pagse-serve, pero hindi ko kasing suwerte si Rafa para sa araw na 'to.

"I said this is not what I ordered!" bulyaw ng matabang Amerikano sa kanya,saka halos ibalibag ang mangkok ng mainit na sabaw.

Napanganga ako nang matapon ito at bumuhos sa kamay ni Rafa. Kitang-kita ko ang mariing pagngiwi niya sa paso na naramdaman.

Mahinahon siyang humingi ng tawad dito at sinabing papalitan na lang. Agad ko siyang sinalubong nang lumapit siya sa counter.

"Buwisit talaga ang attitude ng mga kano na 'yan," inis na sabi niya.

Sa tindi ng sinapit ay iniinda pa rin ni Rafa ang sakit ng kamay niya hanggang sa sumunod na araw.

"Um-absent ka na lang kaya muna?" alok ko sa kanya kahit hindi rin sigurado kung puwede ba iyon.

Umiling siya at sinabing kaya pa rin naman daw niya.'Yun nga lang, nang sabihin na sa amin ang mga silid na lilinisan ay napadaing nang malakas si Rafa.

"Kamalas-malasan talaga! Ba't sa luxury suite pa 'ko ngayon?!" problemadong litanya niya matapos magsalita ni Mrs. Paz. Malawak ang mga luxury suite kumpara sa ordinary bedrooms ng hotel kaya't mas mahirap linisan.

"Gusto mo, palit na lang tayo?" tanong ko dahil mga normal na silid lamang ang natapat sa akin ngayon. Lumiwanag ang mga mata ni Rafa.

"Hindi nga? Sure ka?" tanong niya na parang medyo nahiya. Napangiti naman ako at sinabing oo dahil ako rin ang naaawa sa kalagayan niya.

Niyakap niya pa 'ko at nagpasalamat bago kami naghiwalay. Nang makarating sa nakatokang palapag ay mabilis kong itinulak ang mga gamit panlinis.

Nasa ikatlong silid na ako atwala ring hotel guest na naabutan sa loob gaya ng kadalasang nadadatnan sa ibang kuwarto. Sinimulan ko sa pag-aayos ng magulong bedsheet at kumot. Pagkatapos ay inumpisahan ko na ring maglinis ng sahig.

Pagkarating sa may bandang bedside table ay may napansin akong nakakalat sa sahig na parang hindi naman mga basura. Pumulot ako ng isa at tiningnan iyon nang maiigi.

Parisukat na paketeng kulay asul at may nakatatak na salita. Durex.

Nakakunot ang noo ko habang iniisip kung ano iyon nang makarinig ng pagbukas ng pinto. Lumingon ako sa bathroom ng silid at bumungad si Sir Colton na bagong ligo at tanging puting tuwalya lamang ang nakatakip sa may bandang baywang.

Bakas din sa kanya ang gulat nang makita ako.

"What are you..." Itatanong niya yata kung ano'ng ginagawa ko sa silid niya nang bumagsak ang tingin niya sa hawak ko saka nanlaki ang mga mata.

Dali-dali siyang lumapit sa akin at mabilis na inagaw ang hawak ko.

"Get out," hinihingal na utosniya.

Ang mga mata niya'y parang napapaso at hindi makatingin sa akin.

"Fuck, just"—inis na ginulo niya ang basang buhok—"stay away."





























Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon