Chapter 20: Weak

Magsimula sa umpisa
                                    

"You should rest for now, we'll just bring your dinner here. Baka nabigla ang katawan mo sa training ngayong araw" sabi ni Alpha kaya iniikutan ko siya ng mata

"Hindi lang nabigla, muntik nang umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko eh" sarcastic na sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya

Narinig ko naman ang hagikhik ni Mikylla at mahinang tawa nila Branch, Yohann at Devan. Of course, nandito yung 3 idiots

"You still need rest, kung anu-anong sinasabi mo" yan lang ang sinabi niya bago kami iniwan dun sa kwarto ko

Sinundan namin siyang lahat ng tingin bago kami nagtawanan dahil halatang napikon siya

"Okay ka na nga, baliw ka nanaman" si Branch na naupo pa sa kama ko

"Syempre naman, ako pa ba" mayabang na sabi ko bago ulit nahiga

"Inaantok pa ako, iwan niyo muna ako para makapagpahinga" sabi ko sa kanila na sinunod naman nila agad

"Dadalhan ka nalang namin ng hapunan" huling sabi ni Adriel bago niya isinara yung pinto

Tinignan ko pa yun nang ilang saglit at nang masiguro na di na sila babalik ay doon lang tumulo ang luha ko

Nagkunwari lang ako sa harap nila kanina pero ang totoo- I felt so weak

Feeling ko nasa lugar ako kung saan hindi naman ako nararapat

Matapang ako at alam ko ang kakayahan ko, akala ko kaya ko rin kanina pero masyado akong nabilib sa sarili ko at hindi ko namalayan na nahimatay na ako.

Because of what happened, I was reminded of the thing that I am always trying to run away from

I may come off as cocky because I show off too much confidence, but the truth is- it's all just an act to mask off my low self-esteem. Kasi alam kong hindi ako ganun kagaling, na wala akong talent kaya tinatry kong ipakita sa iba na I'm the opposite, para kahit sa isip man lang nila ay magaling ako kahit hindi naman.

I'm full of insecurities because I know my inabilities, alam ko yung mga di ko kayang gawin at napakarami nun.

Mataas ang confidence at tiwala ko sa sarili ko ngayon pero hindi ako nagsimulang ganun agad, dati sobrang baba ng confidence ko to the point na hindi ko kayang pumunta sa harap nang hindi nanginginig at nang hindi tumitibok ng malakas yung puso. Para akong inlove kapag nasa harap ng maraming tao. Namemental block ako, nanginginig, hindi makagalaw, may mga lumilipad sa sikmura, at tumitibok ng malakas yung dibdib to the point na minsan hindi na makahinga.

Ganyan kalala yung stage fright ko

There was a time when we were tasked to do an extemporaneous speech in front of the class, bubunot kami ng topic and then we have to make a speech about it.

That was one of the memories that I will never forget.

When I got in front, I really thought that I could do it because when I'm writing, words just come out of my mind, so I convinced myself that somehow it will be just the same when I'm speaking but that was not what happened, I got frozen, I couldn't move, I couldn't think, I just stood there without saying anything because contrary to what I thought. I can think of nothing.

I felt at that time that I was humiliated in front of my classmates, kaya nung nakabalik ako sa upuan ko- umiyak ako ng umiyak kahit nakikita pa nila. Kasi sobrang dissapointed ako. Dissapointed sa sarili ko

I was embarrassed of that moment but right now I'm proud of it- for it became my motivation to change.

I don't want to be in that situation again.

Amaranthine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon