CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV

Start from the beginning
                                    

Nagkibit balikat na lang ako at itinuon ang pansin ko sa pagbabasa ng mga status sa Facebook.

Maya maya pa ay lumapit na si Ejay, isa sa mga staff namin sa aming dalawa ni Yenggay.

"Oh Ate Ge, tara na kain na tayo. Masarap yung pizza, lasang pang-RK." sabi nito at kumagat pa sa pizza na hawak niya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa sa sinabi niya o hindi.

Kaya ko rin silang bilhan ng ganyan, gusto ba nila sampung box pa? Biro lang.

Umiling na lang ako.

"Hindi, sige lang, busog pa naman ako."

"Ay wow diet? Sige na, kumain ka naman. Sabi ni Ate Yenggay kanina nagugutom ka na nga kaya nagyayaya ka sa kanya na kumain kayo after ng rehearsals."

"Hindi na, magtitimpla na lang ako ng kape." sabi ko at akmang tatayo na sana nang biglang sumingit si Ate Kyla na paalis na.

"Oy Angge?! Anong kape? Bawal diba?" sabi nito at itinuro pa ako bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Napasimangot naman ako.

Wala na akong nagawa kundi umupo na lang ulit sa couch na katabi si Yenggay.

Nag abala na lang ako sa pagtingin nang kung anu-ano sa telepono habang patuloy naman sa pagkukwento si Yenggay sa akin.

Maayos naman sana at masaya ang lahat nang bigla na lamang lumapit si Kei sa amin.

"Uhm hello Yeng, here oh, I've got some pepperoni pizza for you. Masarap 'to." mahinhing sabi ni Kei habang nakatingin kay Yenggay.

Oh diba, ni hindi nga man lang ako pinansin?

Parang nagulat naman si Yenggay sa ginawang paglapit ni Keia dahil napatigil din siya sa pagkukwento sa akin pero she managed to answer in a very pleasing way.

"Aaay sorry ha pero hindi kasi ako kumakain niyan." magalang na sabi ni Yenggay.

"Huh? But why?"

Yenggay smiled before answering.

"Vegan ako. I'm sorry."

"Oh I'm really sorry. I didn't mean to. Hi-hindi ko alam, I swear---"

"Uh it's fine, ayos lang naman. Kakain naman kami mamaya ni Angge afte---"

"---hindi naman kasi nabanggit sa akin ni---- ERIK!"

Lahat kami ay muling napalingon sa lalaking pumasok sa pintuan.

Si Erik nga.

Para namang kumirot ang puso ko nang mabilis na lumapit si Kei sa kanya para batiin siya.

Wow, napakasweet naman pala. Parang dati lang ako ang gumagawa niyan.

"Oh Kei, bakit nandito ka?" may pagkabigla sa mukhang sabi ni Erik

"Hmmmn wala lang, I just wanted to visit them. Masama ba yun? Am I not welcome here?" sabi ni Kei sa kanya habang nakangiti nang matamis.

"H-Hindi naman sa ganoon pero kasi... "

And there, our eyes then met as if like he really searched for me inside this room.

I miss him. Sobrang miss ko na ang lalaking ngayon ay tinitingnan ko.

"Oh eh hindi naman pala. Then I guess, I am welcome. And I can feel it naman diba?" sabi pa ni Kei sa mga staff and some of them answered Yes.

Pero wala doon ang atensyon ko. I was still staring at him while he is also staring at me.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now