CHAPTER 10 : RIVAL

Magsimula sa umpisa
                                    

Bagkus naging daan nalang ito to flirt him. “Gusto mo yakapin kita muli Sir?” tanong niya sabay buka ng malawak ng mga bisig niya, nang mapatingin naman ito sa kanya sabay ngiti. “Handa ako yakapin ka ng mahigpit at buong-buo. Mabango ka naman Sir. HAHA!” Dagdag pa ng binata.

Hanggang sa mapailing-iling lang si Zayne. “Baliw!” sabat niya kay Astran.

“Oh, sige na. Take a break now, so you can eat.” Sabi pa nito habang nag-aayos na ng gamit sa clinic. Nang mapakagat labi naman ang binata at naitanong dito na ‘Hindi ba ito magbe-break? How about magsabay na ulit sila kumain? Tulad ng usual. Hintayin nalang niya ang professor matapos dito.’ Tila medyo nae-excite pa ang tono ng kanyang pagtatanong pero umiling-umiling si Zayne at tumanggi sa alok niya.  “Mauna ka na. Hindi ako makakasabay sa iyo. Kumain ka na.”

Napakunot noo naman si Astran. “Bakit naman, Sir?” tanong niya dito saka narin siya nag-umpisa na tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng higaan na nasa clinic. Lumapit pa siya dito.

Napangiti naman si Zayne. “May mga kailangan pa kasi ako gawin sa third floor building. Baka tapusin ko mo muna ang mga iyon tapos kakain din ako o hindi na. Tutal naman busog ako.” diretsahan niyang tugon habang nilalagay na ang first aid kit sa cabinet bago lumabas sa clinic na patuloy na sinusundan naman ni Astran. “Huh?!” gulat niya. “Ano naman gagawin mo, Sir. Baka makatulong ako? Para magsabay na tayo. Ano Sir?” Dagdag niyang wika at tanong.

Subalit muli ay tinanggihan siya ni Zayne dahil sa training nito ng ala-una. At pagbabawal nito na masama ang nagpapagutom like ano bang pangaral iyon kung ito din ay hindi sumusunod sa sarili niyang pangaral?

Ilang beses pa siya nagtanong at nag-alok ng tulong pero nabigo siya.

Tinapik-tapik lamang siya sa balikat ng professor atsaka nginitian ng tipid na parang sinasabi nito na. ‘Thank you for offering some help, but no need.’  Natigilan talaga siya doon at parang nakita at nadama niya ring nakulitan ang professor sa kanya kaya nirerespeto niya ang desisyon nito na hindi na siya pumalag pa o mangulit.

---

AT IYON sumunod siya, pero hindi naalis sa isipan niya si Zayne para pagdalhan sakali ng pagkain at inumin pagkatapos niyang mag-break para kumaim. Mahaba pa naman ang oras kaya nagdesisyon siyang puntahan ito.

Nang agad bumungad sa kanya ang professor na maraming papel sa harapan niya na mag-isa nitong inaayos at minamarkahan. Nakakapagtaka na bakit mag-isa nito ginagawa iyon? Tantiyado niya ay mga gawain ito o mga activity paper ng ilang studyante sa ibat-ibang section at class na hawak ng ibang professor o guro. Biglaang pumasok sa kanyang isipan na nalalapit na ang event ng kanilang unibersidad at marahil ay inako ni Zayne ang paggawa nito.

Napansin niya rin na maalikabok at nakakalat ang mga upuan. Mukhang mag-isa din nito tinatrabaho ang pag-aayos sa isa sa mga class ng third floor building kung saan ito naroon para mag-marka din ng mga activity paper.

Sa sandaling makita at mapagmasdan ni Astran na nasa ganoon ang professor na sitwasyon ay nakaramdam siya ng awa. Nakagat niya ang kanyang labi at nakaramdam ng pagkainis dahil sa pagtanggi nito sa alok niya na pagtulong kanina. Tapos hindi pa nito magagawa na mag-break upang kumain sandali?

Sa kabilang banda walang ano-ano siyang pumasok at tinungo ang professor para ibigay ang binili niyang drink at pagkain. Dahil nakakatiyak siyang nagugutom narin ito. Nais niya ring magsalita tungkol sa gawain nito ngayon. Ngunit laking gulat niya nang hindi niya aasahan na bubungadan siya at sasalubungin ni Zayne nang nakakunot noo na mukha saka galit na presensiya nang kini-question nito ang pagparoon ni Astran. Ngunit hindi niya iyon pinansin.

Napawi ang pange-strict nito sa kanya noong muling nagbitaw ng pang-aalok ang binata ng tulong sa mga gawain nito. What help can he give or offer for the professor? But he rejected him again, dahil kaya naman daw nito ang trabaho niya. Ukol sa training niya ay nagawa niyang magsinungaling na cancelled iyon dahil its either pumunta siya o hindi. Siguro naman magiging okay lang sa coach nila. Babawi nalang siya sa mga susunod na araw. Ang mahalaga ay si Zayne. Kaya naman dito hindi na nagsalita pa ang professor at komontra.

SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STORY ) R-18+  | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon