CHAPTER 01 : Badboy and Strict

5.9K 86 0
                                    

SECRETLY LIKE YOUCHAPTER 01 : Badboy and Strict

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SECRETLY LIKE YOU
CHAPTER 01 : Badboy and Strict

TILA naging maaksyon ang bawat eksena at pangyayari habang hinihingal at hapo sa pagtakbo ang isang binata na naka-uniporme galing sa isang abandonadong warehouse.

Kung gaano siya kabilis tumakbo ay ganoon narin kabilis pumipintig ang kanyang puso na para bang kakapusin na ng hininga ito anumang oras.

Binubuntutan kasi siya ng mga kalalakihang may maayos na pananamit, pero nakakatakot na itsura at mukhang may kasalanan ang binata sa mga ito kaya siya ngayon hinahabol at tinatakbuhan niya ang mga ito.

Nangangatal na ang kanyang ngipin. Hanggang kailan ba siya susundan ng mga ito? Ilang beses na niya pinaikot-ikot ang mga ito at tinangkang iligaw ng direksyon.

Nang mabilis siyang nakahanap ng matataguan sa likod ng isang maliit na eskinita habang pinagtatawanan na may angas sa mukha ang mga taong humahabol sa kanya. Atsaka siya napailing-iling dahil at last ay naisahan niya ang mga ito.

Nagkaroon siya ng sapat na segundo noon para makapahinga at tanawin ang mga ito na tila sawakas ay para bang ito ay natakasan na niya.

Muling napailing-iling nalang siya atsaka niya sumunod na kinuha 'yung lumang disenyo ng cellphone niya upang i-text ang kaibigan niya tungkol sa susunod na racket na irereto sa kanya at siyempre 'yung maayos na presyo ng bayad dito.

Atsaka na siya akmang aalis na sana nang biglaang may hahatak at mabilis na hihila sa kuwelyo ng uniporme niya atsaka malakas siyang agad-agad na sinuntok sa mukha. Noon maglabas naman ng dugo ang kanyang ilong saka siya pinagtulungan ng iba na hinagis sa isang tabing dumpster dahil may mga kasamahan ito.

Sa pagkakataong ito, iba ang mga kalalakihan na ito sa mga humahabol sa kaniya kanina kung ang mga iyon ay mukhang mayayaman ay kabaligtaran naman ito ng mga ito sa ngayon.

Nakasuot lamang ang mga ito ng sando at kupas na pantalon.

Mabilis siyang binugbog ng mga ito nang kitang- kita ang galit ng mga kalalakihan sa binata atsaka pa siya sinipa ng tumatayong leader sa mga lalaking ito.

"Akala ko ba ngayon ka mag tatransmit ng pera ha! " Salita ng lalake sa binata ngayon na sinasalo ang mukha sa pasa na natamo niya sa mga ito. "Baka naman tinatakasan mo na kami." dagdag pa nito atsaka siya kumuha ng yosi sa bulsa na agad niyang sinindihan at hinigop para bugahan ang binata sa mukha ng usok na nanggagaling sa yosi ng lalake.

Itinapon ang yosi at muling hinigpitan ng hawak sa kuwelyo ang binata.

"P-pasensya na boss gipit ako ngayon." Salita nito nang bigla siyang binatukan ng lalake.

"Eh G*go ka pala ih, mas gipit kami ngayon." Tugon naman ng lalake atsaka siya tumingin sa mga kasama. "Diba?" Sabay tawa nito na tila humihingi pa ng attension sa mga kasamahan para tumawa din sa ginawa niya pagkatapos ay tumayo na para muling balaan ang binata sa hinihintay nitong palugit.

SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STORY ) R-18+  | COMPLETEDWhere stories live. Discover now