CHAPTER 13 : The New Life

1.2K 27 13
                                    

SECRETLY LIKE YOU
CHAPTER 13 : The New Life

NAGISING nalang si Astran nang matanto niya kaagad na nasa hospital siya saka niya nakita sa harapan niya ang kaibigang si Alfred. Hindi magiging maganda ang kaniyang bati dito noong nakangiti ito na tuwang-tuwa.

"Salamat naman Astran. At nagising ka na! Sobra akong nag-aalala sa kinalagyan mo." Sabi nito sa kaniya pero wala siyang tugon. Wari bang parang may gusto siyang asahan na iba o may hinahanap ang kaniyang mga mata at simula nang mamulat ay kanina pa hindi mapakali.

Nagi-imagine lamang ba siya noong makita niyang si Zayne ang siyang tumulong sa kaniya?

Iyon naman pala inaasahan niya si Zayne.

Malalim parin ang kaniyang isip at tikom ang kaniyang bibig habang napapabuntong hininga. Pagkatapos ay matutulala siya sa itaas niya. Nakatingin lang siya sa kisame.

'Tuluyan na nga siyang iniwan ng professor.'

Hindi na niya namamalayan may tumutulo ng luha sa kaniyang mata.

"Pagod ka parin ba? Magpahinga ka na mo muna." Dagdag naman ni Alfred habang nakatingin lang sa kaibigan na nakaratay sa higaan nito at walang kalakas-lakas. Nakakaawa din talaga ang inabot ng kaniyang kaibigan sa mga taong bumugbog dito. Markado ang mga galos, pasa, at sugat sa bawat parte ng katawan nito na kaagad kapansin-pansin.

Baka nga kung hindi siya nailigtas o naagapan ng dala kaagad sa hospital ay puwede pang mapatay nila ang binata.

"Don't worry magiging okay narin ang lahat, naturuan na ngayon ng leksyon ang babaeng iyon at naipakulong na ang mga inutusan nitong kalalakihan na ipabugbog ka. Mabuti na lamang at malaki ang pasasalamat natin sa Professor Zayne mo dahil narespondehan ka niya. He called me that time using your cellphone-"

"Si Sir Zayne?" pamumutol ni Astran matapos naman niya iyon marinig sa kaibigang si Alfred. Dali-daling napukaw nito ang attention niya saka nga siya napatingin dito. Ibig sabihin totoo nga na si Zayne ang nagligtas sa kaniyang buhay. Hindi siya imagination lamang.

"Nasaan si Sir Zayne?! Nasaan siya? Umalis na ba siya? Alfred!" tanong niya kaagad sa kaibigan nang sasagot pa lamang sana noon ang kaibigan nang bumukas ang pintuan mula sa room na kinalalagyan nila ngayon sa hospital. Atsaka bumungad si Zayne na halata ang pag-aalala sa mukha.

May kumirot na kasayahan sa puso ng binata.
Ibig sabihin hindi siya nabigo mahanap ito.
"Sir Zayne."

"I'm glad, gising ka na." Wika nito.

"Uhm...sige, Astran maiwan ko na mo muna kayo." Saad naman ni Alfred noong tumayo ito sa upuan na nasa tabihan niya saka ito dali-daling lumabas ng kuwarto. Sa pagkakataong iyon ang professor naman ang lumapit para maupo sa upuan malapit sa kaniyang tabihan.

"Are you okay? May masakit ba sa iyo?" salita nito sa kaniya nang hindi na napigilan pa ni Astran na mapaupo sa kaniyang pagkakahiga saka niya agad-agad na binuksan ang mga kamay niya sabay biglaang sunggab ng yakap na mahigpit sa professor. Hindi din niya pinalagpas na ilagay ang mga kamay sa pisngi nito para ito ay mahalikan sa labi.

"Sir Zayne, please don't leave me!" halos mangiyak-ngiyak na niyang sabi noong makita niyang mapaduko ito at kitang-kita niya rin na ito ay napaluha.

"Hindi pu-puwede. Atsaka hindi din ako magtatagal." tugon ng professor.

Biglaang may kumirot banda sa puso ng binata.

"Binili ko lamang ang mga gamot at makakain na kakailanganin mo." Dagdag nito sabay abot sa kaniya ng isang supot namay gamot at pagkain. Tila halata sa tono ng boses nito ang kalungkutan pero pagmamatigas.

SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STORY ) R-18+  | COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora