Kabanata 10

Depuis le début
                                    

Alvaro swallowed hard. Matagal bago siya tumango kay Alonzo. Parang nahimigan ni Alonzo ang kuryosidad ni Alvaro kaya nagpatuloy siya.

"Lemonade booth na may free hugs, care of their class prince and muse. Siya ang muse ng klase nila kaya tinatanong ko kung payag ba talaga siya."

I saw how Alvaro's eyes widened a fraction. He immediately shook his head.

"Hindi puwede!"

Alonzo's eyes widened, too. Natawa siya bigla. My mouth dropped open and I laughed awkardly too.

"Ayos lang naman sa akin."

Bumaling si Alvaro sa akin at umiling.

"Huwag kang mag-alala, Alvaro. Sasabihin ko sa adviser nila na may sanction ang mga kaklase niyang mambubully. Their booth will fail if they make fun of her."

May sasabihin pa sana si Alvaro pero tinikom niya ang bibig niya.

"Besides, hindin naman din required ang pagyakap sa kanya. Pampa attract lang iyon ng customers. But actually, in this case it will just be a bonus. Kasi sila lang ang magkakaroon ng lemonade stall. Other approved booths from other classes will be softdrinks, milk tea, and coffee. Sila lang ang juice at mura pa."

Alvaro swallowed hard.

"This could also be a good experience to build her confidence."

Nagulat ulit si Alvaro at bumaling sa akin. I smiled to assure him.

"Pero siyempre, kung gusto lang din ni Yohan."

"Gusto mo ba?" Alvaro asked.

I nodded. "Ayos lang. At... hindi naman din required kaya baka... walang yayakap."

He looked pained as he watched me. I smiled while Alonzo continued explaining to me things.

Ang totoo, medyo kabado ako. Ayaw kong napapahiya pero gusto ko rin namang malagpasan iyon. I always daydream about being strong and confident, but when there is a chance to, I always end up chickening out.

Kumalat agad sa buong eskwelahan iyon. Isang araw lang ay naging most talked about booth ang amin. Naungusan pa ang horror booth at marriage booth. Siguro ay dahil marami ang nagulat na ako ang muse ng classroom namin.

Dahil doon, nagpaalam ako kay Tita at Tito na pumunta muna ng Bacolod sa weekend. Sumama si Aria sa akin dahil may date daw siya. Ako naman, magpapaderma.

Nahihiya akong umamin na inaalagaan ko ng kaunti ang mukha ko para hindi mapahiya sa nalalapit na intramurals. Nilingon nga lang ako ni Aria nang magpa-park na ang sasakyan sa isang mall sa Bacolod.

"Ang kapal din ng mukha mong pumayag sa biro ng mga kaklase mo, 'no?" she sneered. "Kaya ka siguro nagpapaganda ngayon. Meh. Akala mo naman epektibo 'yan!"

I expected that she would say that once she finds out what I was up to but I'm used to it.

Bumili na rin ako ng iilang make up at pampawala ng pimples. Naisip ko mas maganda sana kung sa Iloilo. Hindi ko rin nakalimutang bumili ng treats para kay Kuring. Sa huli, namili na rin ako ng damit.

Aria was done with her date while I was busy paying for my clothes. Namili na rin siya at ako na ang pinagbayad niya. Nasa mga accessories siya pagkatapos kong magbayad.

Nang nakita niyang palapit ako, sinuot niya iyong clear eyeglasses at nagkunwaring bulag. Kung saan saan niya ipinadadapo ang kamay para kunwari wala siyang makita. Para bang ginagaya niya ako, but exaggerated.

"Aria!" iritado kong saway.

She laughed and put it back.

Inilahad ko sa kanya ang kanyang paper bag. "Hindi ka ba magpapa contacts?"

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant