Chapter 9

30 14 0
                                    

I HATE seeing him again – his sophisticated built, his tanned skin, his nearly gray hair, and the worst, his brown eyes that talk so much about me. I was not glad with the fact that he is in this island and I dislike it more that he came to my special event. Nawala tuloy ako sa mood.

"Miel, are you alright?" Lancet worriedly queried. "Kanina ka pa yatang wala sa sarili."

I came back to my senses and started to play with my food. "Parang wala akong gana." Binitiwan ko ang tinidor at isinantabi ang plato ng pesto penna rigata na pinaluto pinasadya niya pa sa cook ng The Pier.

"Do you want to go back to your room?" He pinned his sincerest brown eyes on me. He seemed to be trying if I will tell him the truth. 

"I am fine beside you," ani ko nang hawakan ang kaliwa niyang kamay. "Kain ka na muna." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago ipagpatuloy ang pagkain niya.

He is worried, I know. Kanina pa kaming magkakasamang anim nina Lowell at ang palaging squad ko sa Siargao. Nang matapos ang pirmahan ng mga libro at umabot kami sa restaurant ng The Pier, hindi naging maayos ang pakiramdam ko dahilan para magmukhang hindi ako masaya. I looked wasted and burned out even though the day is not that tiring and stressing. 

Hindi lang siya sanay na nakikita akong balisa kaya himalang hindi na niya ako kinukulit. Though gusto kong nang-aasar siya, nagpapasalamat na lang ako na hindi siya ang tipo ng taong insensitive.

"You are all here."

Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng tinig. Natigilan na lang kami nang pumasok sa lugar namin ang lalaking nasa edad na limampu subalit makisig pa rin ang tindig. Probably, it was the effect on him of going with other socialites. 

"Tito." Napatayo si Ate Roberta at nag-abot ng kamay upang magmano sa kaniya gayundin si Irizst. Tumindig at naglahad naman sina Ismael at Lowell upang kamayan naman siya. 

Mahigpit akong napakapit kay Lancet na alam kong gagawin din ang ginawa nila. Higit ko pang pinagsiklop ang mga palad namin upang hindi na siya makawala. Tinignan niya ako ng mata sa mata. Surely, it is enough for him to get what I mean.

Gayunpaman, bagaman nakaupo, naglahad pa rin siya ng kaniyang kanang kamay nang lumapit ito sa amin.

"Sir Gonzaga," he politely uttered once his hand was accepted.

"Seems like you are enjoying your grip on my princess' hand."

Natawa ang ibang nasa mesa habang nanahimik lang ako. If that was a funny for them, for me, it is not. What a joke.

"How about my princess? Won't you welcome your daddy?"

Kilabot ang dumaloy sa katawan ko nang dinggin ang sinabi niya. Para akong kinuryente habang nakababad sa malamig na tubig. Sarkastiko ko siyang nginitian na nagpahagikhik sa kaniya.

"My princess is too shy." 

Naupo siya sa kabisera ng mesang kinaroroonan namin. Sa kaliwa niya ay si Lancet habang ang sa kanan ay si Lowell. Napapagitnaan ako nina Ate Bobbie at Lancet habang nasa tapat ko naman si Irizst na nasa gitna nina Lowell at Ismael. This looks like a table setting of a war.

"Another plate for Mr. Gonzaga," utos ni Lowell sa isang waiter na nakatayo sa gilid. 

Agad naman itong sumunod at nanahimik muli ang hapag-kainan. Everything went back to business called eating. Pinagpapawisan ako nang malamig habang sinusubukang sumama sa ginagawa nila. I cannot act the way they do. Alam nila kung anong nararamdaman ko ngayon at sa tingin ko, wala namang insensitive na biglang magsasalita at kakausap sa kaniya.

"Kumusta na po kayo Sir?" 

Napamulagat na lang ako nang magsalita si Lancet. It tasted like a bitter pill. What an acrimonious speech.

The Lost Chapters: Romancing the TragedianWhere stories live. Discover now