Chapter 7

34 13 0
                                    

MAXI dress, backless, sleeveless, longsleeves, three-fourths, skirt, shorts, t-shirt, lonta kaya? Napakahirap namang mamili ng isusuot lalo na't alanganin ako sa gagawin namin mamaya. Alas tres trenta pa lang ng hapon, naghahanda na ako para sa date namin ni Lancet mamayang alas singko at hanggang ngayon, alas kwatro trenta na, hindi pa rin ako tapos.

Siguro magsuot na lang ako ng sinabi niya kaninang bagay sa akin. At least, I put some effort on my dress on our nth date.

I do not think about numbers that well, specially those which are not significant to me anymore. Pang-ilang date na nga ba namin ito? Ni hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga rin namalayang bente otso na ako at hanggang ngayon, single pa rin.

Nakuha ko ang isang dove gray na backless na dress na hanggang tuhod ko ang haba. Flowy itong tignan at sa tingin ko, babagay naman sa summer feels na date namin mamaya.

Isinuot ko ito at kumasya naman sa akin. Bahagya akong naiilang dahil naiisip ko bigla ang paalala niya sa akin kahapon.

I told you to wear something decent. Your skin if fucking revealed, miel.

Damn that memory. Na-concious tuloy ako sa itsura ko ngayon. Nawa'y magustuhan niya naman ang inihanda ko para sa kaniya. Ayos lang din naman kung hindi. I am not born to please everyone.

Alas singko na at saktong katatapos ko lang maglagay ng mascara. Sabi niya sa akin, susunduin niya raw ako. Isang minuto na ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Partida, tapat lang ng kwarto ko ang kwarto niya.

Biglang tumunog ang pinto, hudyat na nariyan na siya. Bigla akong kinabahan bakit?

Kinuha ko ang purse ko at inayos ang sarili. Dapat magmukha akong hindi nagmadali.

I smiled then erased it afterwards. I slowly opened the door as I wore my poker face. There I saw Lancet in v-neck shirt, same color as mine, and in khaki shorts. I gulped as I saw how that fit shirt is sculpted on his trunk.

Shit.

Napalingon siya sa akin at ginawaran ako ng matalim na titig. I believe that he won't criticize my make up since it is light. My shoes are not heels, rather a pair of nice slippers. I just let my natural hair to fall on my shoulders and most specially, I am simply and properly dressed for tonight.

"Y-you look gorgeous, Rosella." I bit my lip to contain my smile. "But I told you to wear something that is not revealing. Why did you wear that?"

Bumagsak nang bahagya ang balikat ko. May nasabi pa rin siya sa suot ko. "Okay lang, gabi naman. No one will see my revealed skin except you."

I never meant to sound flirty but I did. Effortlessly.

"Uh, anyway, let's go."

Hinawakan niya ang kamay ko sa aming paglalakad. Habang tinatahak namin ang papunta sa lugar na gusto niyang puntahan, nanatili kaming tahimik at kaswal. Hindi naman sa sinasabi kong kailangan niya akong kausapin pero... Sige huwag na lang.

Narating namin ang bungad ng The Pier. "I want to show you something."

Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa lumang bahagi ng pier. Ito ang mismong lugar kung saan kami palaging nagkikita ni Lancet noon. Dito namin inaabangan ang paglubog ng araw at paglabas ng mga bituin. Dito namin binuo ang aming mga pangarap na unti-unti na ring natutupad.

The Lost Chapters: Romancing the TragedianWhere stories live. Discover now