Ang Propesiya

1K 306 215
                                    

𝙿 𝚁 𝙾 𝙻𝙾 𝙶 𝙾

Sa Enchanted Forest

Sa kuta ng mga Tambal biglaang pumuti ang mga mata ni Tandang Orakulo Henya senyales na may nasasagap siyang isang propesiya.

"Mahal na Reynang Gresilda may nasasagap na propesiya ang Orakulo" ani ni Lazaro na kaniyang kanang kamay. Agad namang pumaroon si Gresilda sa Orakulo.

"Ano ang iyong nakikita Tandang Orakulo?" mausisang tanong ni Gresilda.

"Isang matinding balakid sa inyong tagumpay kamahalan," halos manginig nginig na saad ng Orakulo. 

Biglaang tumayo ang Orakulo. Bumalik sa pagiging puti ang kaniyang mga mata at umiba ang kaniyang boses, isang boses na kahindik-hindik kung pakikinggan, at kaniyang inusal ang isang Propesiya.

Isang batang babaeng may basbas,

Kapangyariha'y walang kasintumbas,

Ngunit mawawalay sa piling ng ina,

Pero sa pagbabalik ay handa na,

Walang sinumang mananalo labanan,

Dahil lahat ay magiging talunan.

Nahimatay ang Orakulo pagkatapos sa paglalahad ng propesiya ngunit siya'y nasalo ni Lazaro. Si Gresilda naman ay nilamon ng kaniyang galit at inutusan ang lahat ng mga tauhan na kitilan ng buhay ang lahat ng mga batang babaeng makikita.

"Hindi maaaring maganap ang Propesiya, Hindi! Hindi!" isang malakas na sigaw na pinakawalan ni Gresilda. 

"Mag palit anyo kayo at humayo na upang patayin ang lahat ng mga batang babae" kasindak-sindak na tugon ni Gresilda.

Agad namang nagsitanguan ang mga tauhan ni Gresilda at nagpalit anyo.

"At ikaw Lazaro patayin mo ang espiya ni Graciela para hindi na makarating sa kaniya ang tungkol sa propesiya" makapangyarihang tugon ni Gresilda

"Masusunod Mahal na Reyna" at agad na sinundan ni Lazaro ang espiya na tiyak na nakating na sa kaharian ng mga diwata ngayon.

Sa kaharian ng mga diwata

"Mahal na reynang Graciela narito na po ang ating espiya sa kuta ng mga tambal" ani ni Adonis- ang tapat at pinakakatiwalaan na kawal ng Reyna.

"Patuloyin siya Adonis"
Reyna Graciela

Maingat na naglalakad ang espiya patungong bulwagan ng kaharian.

"Anong sadya ng aking espiya rito may mahalaga bang nagaganap ngayon sa kuta ng mga Tambal?"ani ng Reyna habang nakatalikod ito at may isinusulat ngunit maya maya lamang ay mausisa itong tumingin naman sa espiya.

"Binabalak po ng Reyna ng mga Tambal na patayin ang lahat ng mga batang babae kamahalan dahil ayon sa propesiya isang batang babae na may basbas ang siyang magiging balakid sa tagumpay ng mga Tambal," pagpapaliwanag ng espiya ngunit pagkatapos noon ay may pumana na sa kanya at kaya hindi na nakapagtanong ang Reyna tungkol sa propesiya.

Agad na iwinasiwas ng Reyna Graciela ang kaniyang salangkay upang bumuo ng isang kalasag upang maprotektahan ang sarili sa kung sinumang pumana sa kaniyang espiya ngunit wala ng umatake.

"Hindi masasayang ang iyong buhay matapat kong espiya," malungkot na tugon ng Reyna sa espiya at agad na tumakbo upang ilayo ang kaniyang bunga sa mga tambal.

Patakbong umalis ang Reyna sa bulwagan patungo sa silid nina Narcisa at Dante sapagkat may ipag-uutos rito na matagal narin niyang pinag-isipan. 

"Narcisa! Dante! Mag impake kayo ng mga gamit niyo, kumuha rin kayo ng mga ginto, pilak at tanso at kunin niyo ang susi sa lagusan. Magmadali kayo!" saad ng Reyna at madali namang sinunod ng kaniyang tapat na tapagsilbi ito. Si Narcisa ang nagiimpake ng kanilang mga gamit habang si Dante naman ang pumunta sa silid ng Reyna at doon kumuha ng ginto, pilak at tanso at ang susi sa lagusan.

"Tapos na po Mahal na Reyna, paaalisin mo na po kami dito?" inosenteng tanong ni Narcisa, napailing iling naman ang Reyna at sinabing "Hindi, pupunta lamang kayo sa mundo ng mga tao upang doon na manirahan at inyong isasama ang aking bunga," takang-taka naman ang mukha ni Narcisa at nahalata iyon ng Reyna.

"May kaguluhang nagaganap dito ngayon, binabalak ng mga tambal na patayin ang lahat ng mga batang babae kung kaya't hindi ligtas dito ang aking anak kaya kayo ang siyang mag aalaga sa kaniya roon, kayo ang tatayo niyang mga magulang at hahayaan niyo siyang mamuhay ng normal hangga't hindi pa sumasapit ang takdang panahon, sa pagtungtong niya sa 18 na taon ay doon niyo na siya sisimulang sanayin at hubugin upang sa kaniyang pagbabalik ay handa na siya," paliwanag ng Reyna kung kaya naintindihan na ng mag asawa sa kanilang tungkulin.

Kinuha na ni Dante si Gabriela, ang prinsesa at ito'y kaniyang binuhat.

"Isang utos na lamang mula sa inyong Reyna, palitan ninyo ang pangalan ng aking anak sa mundo ng mga mortal," pakiusap ng Reyna at walang pagdadalawang isip ay sumang ayon ang mag asawa.

Kumapit na sina Narcisa at Dante sa balikat ng Reyna upang mas mapadali ang pagdating sa lagusan ay ginamit nito ang kaniyang kapangyarihang maglaho at makarating sa lugar na nanaisin.

Habang akay-akay ni Dante ang munting prinsesa ay pinuntahan na muna ito ng Reyna at hinalikan ang noo ng kaniyang bunga. Kumuha ng kaputol sa kaniyang salangkay ang Reyna at umusal ng isang enkantasiyon.

Ang kaputol ng aking salangkay,

Ang iyong magsisilbing gabay,

Sa iyong paglaki,

Ito ay iyong magiging kakampi,

Pangangalagaan ka nito,

Gaya ng alagang ipinaparamdam ko sa iyo,

Paalam na bunga ko.

"Narcisa, ito ang kaputol ng aking salangkay gawin mo itong isang kwintas at palagi mong ipapasuot sa aking bunga," tugon ng Reyna Graciela kay Narcisa.

"Masusunod aming Reyna," pagsagot ni Narcisa at kinuha na niya ang kaputol sa salangkay mula sa Reyna. 

Pagkarating nila sa lagusan ay agad na kinuha ni Narcisa ang susi at ipinasok ito sa susian sabay usal 'Encantar La Selva Adios'

Humalik muli si Reyna Graciela sa anak at agad na pinapasok sila sa lagusan ngunit lingid sa kaalaman ng Reyna ay may nagmamasid sa kanila isang Tambal, ngunit wala itong kinakampihan sa labanan ng mga diwata o kahit na sa kalahi nitong Tambal.

Ano kayang mangyayari sa batang prinsesa? Makakabalik pa kaya ito sa mundong sinilangan at sa piling ng Ina? o Makakalimutan ang propesiya at magpapasailalim sa pag ibig?

Tunghayan ang istorya sa likod ng mahikang mundo ng Enchanted Forest.

This is a work of Fiction. Names, Characters, Places and Events are fictitious, unless otherwise stated. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form by means without prior permission to the Author. Plagiarism is a Crime.

#EnchantedForest 

Encantar la Selva (Enchanted Forest)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora